Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Exodus 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 These are the names of Israel's sons who came to Egypt with Jacob, each with his household: Ito ang mga anak na lalaki ni Jacob na sumáma sa kanya sa Ehipto, kasama ang kanilang mga pamilya:
2 Reuben, Simeon, Levi, and Judah, sina Ruben, Simeon, Levi, Juda,
3 Issachar, Zebulun, and Benjamin, Isacar, Zebulun, Benjamin,
4 Dan and Naphtali, Gad and Asher. Dan, Neftali, Gad, at Asher.
5 All who descended from Jacob were seventy people; Joseph was already in Egypt. Ang bilang ng lahat ng lahi ni Jacob na sumáma sa kanya sa Ehipto ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Ehipto.
6 Then Joseph died, and all his brothers, and all that generation. Dumating ang panahong namatay si Jose, ang lahat ng kanyang kapatid, at ang buong henerasyon nila,
7 But Israel's people were fruitful, swarmed, multiplied, and grew immensely strong, till the land was filled with them. ngunit palaanak ang mga Israelita kaya mabilis na dumami at lumakas ang lahi nila. Sa sobrang dami nila, halos mapuno nila ang buong lupain ng Ehipto.
8 Now a new king came to power in Egypt, who did not know Joseph. Ngayon, nagkaroon ng bagong hari ang Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose.
9 He said to his people, "Look, the Israelites are more numerous and powerful than we are. Sinabi niya sa kanyang mga mamamayan, “Tingnan ninyo! Ang mga Israelita ay higit na marami at malakas kaysa sa atin.
10 Come, let's deal shrewdly with them, or they'll multiply, and if war comes, they'll join our enemies, fight us, and leave the land." Kaya kailangang tuso ang pakikitungo natin sa kanila upang hindi na sila dumami pa. Kung magkaroon ng digmaan, baka kumampi sila sa mga kaaway natin at lalabanan tayo upang makaalis sila sa bansa natin.”
11 So they set taskmasters over them to crush them with forced labor, building Pharaoh's supply cities: Pithom and Rameses. Kaya inilagay sila sa ilalim ng mga tagapangasiwa upang pahirapan sila at pagtrabahuhin nang mabigat. Ipinagawa sa mga Israelita ang mga lungsod ng Pitom at Rameses upang magkaroon dito ng mga bodega ang Faraon.
12 But the more the Egyptians oppressed them, the more the Israelites multiplied and spread out, until the Egyptians dreaded Israel's people. Ngunit habang patuloy silang pinahihirapan, lalo naman silang dumarami at kumakalat sa Ehipto. Kaya lalong natakot ang mga taga-Ehipto sa mga Israelita.
13 So the Egyptians ruthlessly made the people of Israel work as slaves. Dahil dito, walang awa nilang pinagtrabaho ang mga ito.
14 They made their lives bitter with hard labor in mortar and brick and all kinds of field work. In all their harsh labor the Egyptians worked them ruthlessly. Naging mahirap ang buhay ng mga Israelita dahil sa mabibigat nilang trabaho na paggawa ng tisa at pangsemento nito, at ng ibaʼt ibang gawain sa bukid. Sa mabibigat nilang gawain ay walang awa silang pinagtrabaho ng mga Ehipsiyo.
15 Then the king of Egypt said to the Hebrew midwives, one named Shiphrah and the other Puah, Pagkatapos, sinabi ng hari ng Ehipto sa mga Hebreong kumadrona na sina Shifra at Pua,
16 "When you assist the Hebrew women in childbirth, watch at the birthstool: if it's a son, kill him; but if a daughter, let her live." “Kung magpapaanak kayo ng mga babaeng Hebreo, patayin ninyo kung lalaki ang anak, pero kung babae, huwag nʼyo nang patayin.”
17 But the midwives feared our Heavenly Father and did not do as Egypt's king commanded them; they let the boys live. Ngunit dahil may takot sa Diyos ang mga kumadrona, hindi nila sinunod ang iniutos ng hari. Sa halip, hinahayaan nilang mabuhay ang mga sanggol na lalaki.
18 So the king of Egypt called the midwives and said to them, "Why have you done this, letting the boys live?" Kaya ipinatawag ng hari ng Ehipto ang mga kumadrona at tinanong, “Bakit ninyo ito ginawa? Bakit hinahayaan ninyong mabuhay ang mga sanggol na lalaki?”
19 The midwives told Pharaoh, "Hebrew women aren't like Egyptian women—they're vigorous, giving birth before the midwife arrives." Sumagot sila, “Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng Ehipsiyo; madali silang manganak at bago pa po kami dumating, nakapanganak na sila.”
20 So our Father was good to the midwives, and the people multiplied and grew very strong. Kaya pinagpala ng Diyos ang mga kumadrona at dumami pa nang dumami ang mga Israelita.
21 And because the midwives feared our Father, he gave them households of their own. At dahil sa iginagalang ng mga kumadrona ang Diyos, binigyan sila ng Diyos ng sarili nilang pamilya.
22 Then Pharaoh commanded all his people, "Throw every son born to the Hebrews into the Nile, but let every daughter live." Nang bandang huli, nag-utos ang Faraon sa lahat ng kanyang mamamayan, “Itapon ninyo sa Ilog Nilo ang lahat ng bagong panganak na sanggol na lalaki ng mga Israelita, ngunit pabayaan ninyong mabuhay ang mga batang babae.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]