Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 A good name is better than fine perfume, and the day of death than the day of birth. Ang malinis na pangalan ay mas mabuti kaysa sa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay mas mabuti kaysa sa araw ng kapanganakan.
2 It is better to go to the house of mourning than to go to the house of feasting, for that is the end of everyone, and the living should take it to heart. Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan, dahil ang lahat ay mamamatay. Dapat ay lagi itong isipin ng mga buháy pa.
3 Sorrow is better than laughter, for a sad face is good for the heart. Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa sa kaligayahan dahil ang kalungkutan ay nakakatuwid ng buhay ng tao.
4 The heart of the wise is in the house of mourning, but the heart of fools is in the house of pleasure. Laging iniisip ng marunong ang kamatayan; pero ang hangal, ang laging iniisip ay kasiyahan.
5 It is better to hear the rebuke of the wise than to hear the song of fools. Mas mabuting makinig sa pagsaway ng marunong kaysa makinig sa papuri ng hangal.
6 For like the crackling of thorns under a pot, so is the laughter of the fool. This too is fleeting. Ang tawa ng hangal ay parang tinik na kapag iginatong ay nagsasaltikan ang apoy. Ito ay walang kabuluhan.
7 Surely oppression turns a wise person into a fool, and a bribe corrupts the heart. Ang marunong kapag nandaya ay para na ring hangal. Kung tumatanggap ka ng suhol, sinisira mo ang sarili mong dangal.
8 The end of a matter is better than its beginning, and a patient spirit is better than a proud spirit. Mas mabuti ang pagtatapos kaysa sa pagsisimula. Ang pagiging matiisin ay mas mabuti kaysa sa pagiging mapagmataas.
9 Do not be quick in your spirit to become angry, for anger settles in the lap of fools. Huwag maging magagalitin dahil ang pagiging magagalitin ay ugali ng mga hangal.
10 Do not say, "Why were the former days better than these?" For it is not from wisdom that you ask this. Huwag mong sabihin, “Bakit mas mabuti pa noon kaysa ngayon?” Dahil ang tanong na iyan ay walang katuturan.
11-12 Wisdom is good with an inheritance, an advantage to those who see the sun. Ang karunungan ay mabuti gaya ng isang pamana, pareho itong nakakatulong sa mga namumuhay dito sa mundo. Nagbibigay din ito ng proteksyon gaya ng pera. Pero higit pa roon, iniingatan nito ang buhay ng nagtataglay nito.
12 For wisdom is a shelter, just as money is, but the advantage of knowledge is this: wisdom preserves the life of the one who has it. Not in this edition
13 Consider the work of God: who can straighten what he has made crooked? Pag-isipan mo ang ginawa ng Diyos: Sino ang makapagtutuwid ng kanyang binaluktot?
14 In the day of prosperity be joyful, and in the day of adversity consider: God has made the one as well as the other, so that no one can find out anything that will come after them. Magalak ka kung mabuti ang kalagayan mo. Pero kung naghihirap ka, isipin mo ito: Ang Diyos ang gumawa sa dalawang bagay na ito. Kaya hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
15 In my fleeting days I've seen it all: a righteous man dying in his righteousness, a wicked man living long in his evil. Sa buhay kong walang saysay, nakita ko ang mga ito: Ang matuwid ay maagang namamatay sa kabila ng kanilang matuwid na pamumuhay, at ang mga masasama sa kabila ng kanilang kasamaan ay nabubuhay nang matagal.
16 Do not be excessively righteous, and do not make yourself overly wise; why should you destroy yourself? Huwag mong ituring ang iyong sarili na sobrang matuwid at marunong, dahil kung gagawin mo iyon, sinisira mo lang ang iyong sarili.
17 Don't be too wicked, and don't be foolish—why die before your time? At huwag ka rin namang magpakasama o magpakamangmang, dahil baka mamatay ka naman nang wala sa oras.
18 Good to grasp this, and not let go of that too, for whoever fears God comes through both. Bigyang-halaga ang mga katuruang ito, sapagkat ang sinumang may takot sa Diyos ay susunod sa parehong katuruan.
19 Wisdom makes the wise person stronger than ten rulers who are in a city. Higit na malaki ang magagawa ng karunungan sa isang tao, kaysa sa sampung pinuno ng isang bayan.
20 Surely there is no one righteous on earth who does good and never sins. Wala ni isang tao rito sa mundo ang laging gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
21 Also, do not take to heart everything people say, or you may hear your servant cursing you, Huwag mong pakikinggan ang lahat ng sinasabi ng tao at baka mismong alipin mo ang marinig mong nagsasalita laban sa iyo.
22 for your own heart knows that many times you yourself have cursed others. Dahil alam mo sa sarili mo na marami ka ring pinagsalitaan ng masama.
23 I tested all this by wisdom. I said, "I am determined to be wise"—but it was beyond me. Sinubukan kong intindihin ang lahat ng nangyayari rito sa mundo sa pamamagitan ng aking karunungan. Sinabi ko sa aking sarili, “Akala koʼy maiintindihan ko,” ngunit ito palaʼy higit sa aking pang-unawa.
24 Whatever exists is far off and deep, very deep—who can discover it? Hindi ko kayang intindihin ang mga nangyayari dahil mahirap talagang maintindihan. At walang sinuman ang makakaintindi nito.
25 I turned my heart to know, explore, and seek wisdom and the sum of things, and to know the evil of foolishness and the foolishness that is madness. Pero patuloy akong nag-aral at nag-usisa, para makamit ko ang karunungan at masagot ang aking mga katanungan, at para malaman ko kung gaano kahangal ang taong gumagawa ng masama at kung gaano kasama ang isipan ng taong gumagawa ng kahangalan.
26 I find the woman more bitter than death: her heart is snares and nets, her hands chains. One good before God escapes her; the sinner is caught by her. Napag-alaman kong ang babaeng nanunukso ay mas mapait kaysa sa kamatayan. Ang pag-ibig niyaʼy parang bitag, at ang mga kamay niyang yumayakap sa iyo ay parang kadena. Ang taong nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kanya, ngunit ang taong makasalanan ay mabibitag niya.
27-28 "See, this is what I found," says the Teacher, "adding one to another to find the sum, Sinasabi ko bilang isang mangangaral: “Iniisip kong mabuti ang bawat bagay sa paghahanap ko ng kasagutan sa aking mga katanungan. Pero hindi ko pa rin natagpuan ang mga kasagutan. Ngunit ito ang aking natuklasan, sa isang libong lalaki isa lang ang matuwid, pero sa isang libong babae wala ni isang matuwid.
28 which my soul kept seeking but didn't find. One man in 1,000 I found, but a woman among all these I didn't find. Not in this edition
29 Look, this alone I found: God made humanity upright, but they sought many schemes." Higit sa lahat, ito ang nalaman ko: Ginawa ng Diyos ang tao na matuwid, pero nag-iisip ang tao ng maraming paraan para maging masama.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]