Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Who is like the wise? Who knows what a thing means? A person's wisdom brightens their face; the hardness of their face is changed. Walang katulad ang taong marunong na kayang magpaliwanag ng mga bagay. Ang karunungan ng taoʼy nakapagpapasaya ng mukha, at ang simangot ay nawawala.
2 Keep the king's command, I say, because of your oath before God. Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Diyos na gagawin mo ito.
3 Don't rush to leave his presence, or stand in an evil matter—the king does whatever he pleases. Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasáma sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya, dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya.
4 For the king's word holds supreme authority, and who can say to him, "What are you doing?" Makapangyarihan ang utos ng hari at walang makakatutol dito.
5 Whoever keeps a command knows no harm; a wise heart knows time and way. Ang sinumang sumusunod sa kanyang utos ay hindi mapapahamak. Alam ng taong marunong kung kailan at kung paano gagawin ang isang bagay.
6 Every matter has its time and way, though one's trouble weighs heavy on him. Dahil ang bawat bagay ay may kanya-kanyang tamang oras at pamamaraan ng paggawa gaano man kabigat ang kinakaharap ng tao.
7 For no one knows what is to come, and who can tell them how it will be? Dahil walang sinuman ang nakakaalam ng hinaharap, walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari.
8 No one controls the wind to hold it back, or the day of death. No one is discharged from that war, and evil won't rescue those who practice it. Kung paanong hindi mapipigilan ng tao ang hangin, hindi rin niya mapipigilan ang kanyang kamatayan. Tulad sa isang labanan, hindi siya makakaatras. At ang kasamaan niyaʼy hindi makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.
9 I saw all this, giving my heart to every deed done under the sun—a time one person ruled another to their harm. Pinagmasdan ko ang mga bagay na nangyayari rito sa mundo, nakita kong ang mga tao ay may kakayahang saktan ang isaʼt isa.
10 Then I saw the wicked buried and laid to rest; they came and went from the holy place and were praised in the city where they had done so. This too is fleeting. Nakita ko ring ibinuburol ang masasamâ. Sila ang laging pumapasok sa banal na lungsod ng Jerusalem at doon gumagawa ng kasamaan. At pinupuri pa sila ng mga taong tagaroon mismo sa lugar na ginagawan nila ng kasamaan. Wala itong kabuluhan.
11 Because sentence for an evil deed is not carried out quickly, people's hearts are fully set on doing evil. Kapag ang taong nagkasalaʼy hindi agad pinarusahan, naiisip din ng iba na gumawa ng kasalanan.
12 Though a sinner does evil one hundred times and still lives long, yet I know it will go well for those who fear God, who fear before him. Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isang daang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Diyos.
13 The wicked will not fare well, nor lengthen their days like a shadow, since they do not fear God. Hindi magtatagal ang buhay ng taong masama na walang takot sa Diyos. Magiging parang anino ang buhay niya, sandali lang at agad mawawala.
14 Something fleeting happens on earth: righteous people getting what the wicked deserve, and wicked people getting what the righteous deserve. I said this too is fleeting. Ang problema lang sa mundong ito ay kung minsan ang mga taong matuwid pa ang siyang napaparusahan ng parusang para sana sa masasamâ. At ang masasama naman ang siyang tumatanggap ng gantimpalang para sana sa mga matuwid. Ito man ay walang kabuluhan.
15 So I praised enjoyment: nothing is better for a person under the sun than eating, drinking, and being glad. This accompanies them through their labor, the days of life God gave them under the sun. Kaya para sa akin, mas mabuting magpakasaya ang tao sa buhay. Walang mas mabuti para sa kanya dito sa mundo kundi ang kumain, uminom at magsaya. Sa ganitong paraan mararanasan niya ang kasiyahan habang nagpapakapagod siya sa buong buhay niya na ibinigay ng Diyos sa kanya dito sa mundo.
16 When I set my heart to know wisdom and see the work done on earth, though one's eyes see no sleep day or night. Habang pinagsisikapan kong intindihin ang mga nangyayari rito sa mundo, nalaman ko kung gaano kaabala sa trabaho ang mga tao araw at gabi.
17 Then I saw all God's work: no one can find out the work done under the sun. However hard they search, they won't find it; even if the wise claim to know, they can't find it out. Nakita ko rin ang mga ginagawa ng Diyos dito sa mundo. Walang sinuman ang makakaintindi nito. Kahit ano pa ang gawin ng tao para intindihin ito, hindi pa rin niya ito maiintindihan. Kahit sabihin pa ng marunong na naiintindihan niya, pero ang totoo, hindi niya talaga naiintindihan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]