Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Darius appointed 120 satraps over the kingdom, stationed throughout the whole kingdom, Pumili si Haring Dario ng 120 gobernador upang mamahala sa kanyang buong kaharian.
2 and three officials over them, one of them Daniel, so the satraps would answer to them and the king lose nothing. Ang mga gobernador na itoʼy nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong administrador, at isa sa kanila ay si Daniel. Ginawa ito upang hindi mahirapan sa pamamahala ang hari.
3 Daniel outshone the administrators and satraps, because an extraordinary spirit was in him, and the king planned to set him over the whole kingdom. Si Daniel ang natatangi sa kanilang lahat dahil sa kanyang pambihirang kakayahan, kaya binalak ng hari na siya ang gawing tagapamahala ng buong kaharian.
4 Administrators and satraps sought grounds to charge Daniel over the kingdom, but found none—no corruption—since he was faithful; no negligence or corruption was found in him. Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel upang paratangan siya. Ngunit wala silang makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan.
5 Then these men said, "We'll find no charge against Daniel unless we find one in his God's law." Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang kay Daniel malibang makahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa kautusan ng kanyang Diyos.”
6 So the administrators and satraps went together to the king and said, "King Darius, live forever! Kaya pumunta sila sa hari at sinabi, “Mabuhay ang Haring Dario!
7 All the kingdom's administrators, prefects, satraps, counselors, and governors agreed the king should issue a royal statute and firm decree: whoever petitions any god or man but you, king, for thirty days, will be thrown into the lions' den. Kaming lahat na tagapangasiwa ng iyong kaharian, kaming mga pinuno, gobernador, tagapayo, at mga iba pang-opisyal, ay nagkasundong hilingin sa inyo na gumawa ng kautusan at mahigpit itong ipatupad. Iutos po ninyo na kung may mananalangin sa sinumang diyos o tao maliban sa inyo sa loob ng tatlumpung araw ay itatapon sa kulungan ng mga leon.
8 Now, king, issue the decree and sign it in writing, unalterable, under the law of the Medes and Persians, which cannot be revoked. Kaya Mahal na Hari, magpalabas na po kayo ng ganoong kautusan. Ipasulat po ninyo at lagdaan upang hindi na mabago o mapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”
9 So King Darius signed the document and the ordinance." Pumayag si Haring Dario, kaya nilagdaan niya ang kautusang iyon.
10 Learning the decree was signed, Daniel went home to his upstairs room, windows open toward Jerusalem, knelt three times daily, and prayed, giving thanks before his Father as always. Nang malaman ni Daniel na lumagda ang hari, umuwi siya at pumunta sa kanyang silid na nasa itaas na bahagi ng bahay, kung saan nakabukas ang bintana na nakaharap sa Jerusalem. Doon lumuhod siya, nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos, tatlong beses sa isang araw, ayon sa kanyang nakaugalian.
11 Then these men came together and found Daniel praying and pleading for mercy before his Father. Ngunit sinusubaybayan pala siya ng mga opisyal na kumakalaban sa kanya, at nakita nilang nananalangin at nagpupuri si Daniel sa kanyang Diyos.
12 They approached the king about the decree: "Did you not sign a decree that for thirty days, anyone petitioning any god or man except you, king, would be thrown into the lions' den?" The king answered, "The matter stands, by the law of the Medes and Persians, unchangeable." Kaya pumunta sila sa hari at sinabi ang paglabag ni Daniel sa kautusan. Sinabi nila sa hari, “Mahal na Hari, hindi baʼt lumagda kayo ng kautusan na sa loob ng tatlumpung araw ay walang mananalangin sa alinmang diyos o tao maliban sa inyo? At ang sinumang lumabag sa kautusang iyon ay ihuhulog sa kulungan ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Totoo iyon, at hindi na iyon mababago o mapapawalang-bisa ayon sa kautusan ng ating kahariang Media at Persia.”
13 They told the king, "Daniel, one of Judah's exiles, ignores you, king, and your signed decree—praying three times daily." Sinabi nila sa hari, “Si Daniel na isa sa mga bihag mula sa Juda ay hindi sumusunod sa inyong utos. Nananalangin siya sa kanyang Diyos ng tatlong beses sa isang araw.”
14 Hearing this, the king was deeply troubled, determined to save Daniel, and worked until sunset to rescue him. Nang marinig ito ng hari, nabalisa siya ng sobra. Nais niyang tulungan si Daniel, kaya buong maghapon siyang nag-isip at naghanap ng paraan upang mailigtas si Daniel.
15 Then these men gathered before the king and said, "Know, king: by law of the Medes and Persians, no decree or edict the king issues can be changed." Nagtipong muli ang mga opisyal ng hari at sinabi, “Mahal na Hari, alam nʼyo naman na ayon sa kautusan ng Media at Persia, kapag nagpalabas ang hari ng kautusan ay hindi na ito maaaring baguhin.”
16 Then the king gave the command, and they brought Daniel and threw him into the lions' den. The king said to Daniel, "May your God, whom you serve continually, rescue you." Kaya iniutos ng hari na hulihin si Daniel at ihulog sa kulungan ng mga leon. Sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.”
17 A stone was brought, placed over the den's mouth, and sealed by the king with his signet ring and his nobles' rings, so nothing about Daniel could change. Pagkatapos, tinakpan ng isang malaking bato ang kulungan na pinaghulugan kay Daniel, at tinatakan ng singsing ng hari at ng singsing ng mga marangal sa kaharian upang walang sinumang magbubukas nito.
18 Then the king went to his palace and fasted that night; no entertainment was brought before him, and sleep fled from him. Pagkatapos ay umuwi si Haring Dario sa palasyo niya. Hindi siya kumain ng gabing iyon at hindi rin humiling na siya ay aliwin. At hindi siya makatulog.
19 Then, at the first light of dawn, the king rose and hurried to the den of lions. Kinaumagahan, nagbubukang-liwayway pa lamang ay nagmamadaling pumunta ang hari sa kulungan ng mga leon.
20 Nearing the den, he cried out to Daniel anxiously. The king said to Daniel, "Daniel, servant of the living God, has your God, whom you serve continually, been able to rescue you from the lions?" Pagdating niya roon, malungkot siyang tumawag, “Daniel, lingkod ng buháy na Diyos, iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran?”
21 Then Daniel said to the king, "King, may you live forever! Sumagot si Daniel, “Mabuhay ang Hari!
22 My Father sent his angel and shut the lions' mouths. They haven't harmed me, because I was found innocent before him, and before you, king, I've done no wrong." Hindi ako sinaktan ng mga leon, dahil nagpadala ang Diyos ng kanyang mga anghel upang itikom ang mga bibig ng mga leon. Ginawa ito ng Diyos dahil alam niyang matuwid ang aking buhay at wala akong ginawang kasalanan sa inyo, Mahal na Hari.”
23 The king was overjoyed and ordered Daniel lifted from the den. Daniel was lifted out with no injury at all, for he had trusted in his Father. Nang marinig iyon ng hari, nagalak siya at nag-utos na kunin si Daniel sa kulungan. Nang nakuha na si Daniel, wala silang nakitang kahit galos man lamang sa kanyang katawan, dahil nagtiwala siya sa Diyos.
24 The king ordered the men who had falsely accused Daniel brought and thrown into the lions' den—with their children and wives. Before they reached the bottom, the lions overpowered them and crushed all their bones. Nag-utos ang hari na ang lahat ng nagparatang kay Daniel ay hulihin at ihulog sa kulungan ng mga leon pati ang kanilang asawaʼt mga anak. Hindi pa sila sumasayad sa ibaba ng kulungan ay sinunggaban na sila ng mga leon at dinurog ang kanilang mga buto.
25 Then King Darius wrote to all peoples, nations, and languages living on earth: "May your peace overflow! Pagkatapos ay sumulat si Haring Dario sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika sa mundo. Ito ang nakasulat: Nawaʼy mas lalo pa kayong sumagana!
26 I decree: in all my kingdom, people must tremble and fear before Daniel's God—the living God, enduring forever. His kingdom will never be destroyed; his rule never ends. Iniuutos ko sa lahat ng tao na nasasakupan ng aking kaharian na matakot at gumalang sa Diyos ni Daniel. “Sapagkat siya ang buháy na Diyos at nabubuhay magpakailanman. Ang paghahari niya ay walang hanggan, at walang makakapagbagsak nito.
27 He rescues and delivers; he works signs and wonders in the heavens and on the earth; he is the one who rescued Daniel from the power of the lions." Nagliligtas siya at gumagawa ng mga himala at kababalaghan sa langit at dito sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa mga leon.”
28 So this Daniel thrived in the reign of Darius and of Cyrus the Persian. At naging maunlad ang buhay ni Daniel sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro na taga-Persia.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]