Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In Belshazzar king of Babylon's first year, Daniel dreamed and saw visions in his head on his bed. He wrote the dream, summarizing the matters. Noong unang taon ng paghahari ni Belshazar sa Babilonia, nagkaroon ng mga pangitain si Daniel sa kanyang panaginip. Ito ang panaginip na kanyang isinulat.
2 Daniel said: In my night vision I saw the four winds of heaven churning the great sea. Sabi ng Daniel: “Isang gabi, may nakita akong pangitain ng isang malawak na dagat na hinahampas ng malakas na hangin mula sa apat na direksyon.
3 And four great beasts came up out of the sea, each different from the others. Mula sa dagat ay biglang lumitaw ang apat na magkakaibang hayop.
4 The first was like a lion, with eagle's wings. I watched until its wings were torn off; it was lifted off the ground, set on two feet like a human, and given a human heart. “Ang unang hayop ay parang leon, pero may pakpak ng agila. Kitang-kita kong pinutol ang kanyang pakpak. Pinatayo siya na parang tao at binigyan ng kaisipang tulad ng sa tao.
5 A second beast appeared, like a bear, raised up on one side, three ribs in its mouth between its teeth. It was told, 'Get up, eat much flesh.' “Ang pangalawang hayop ay parang oso. Nakatayo siya sa dalawang hulihang paa at may kagat siyang tatlong tadyang. May tinig na nagsabi sa kanya, ‘Sige, magpakasawa ka sa karne.’
6 After this I watched: another beast, like a leopard, with four bird wings on its back, four heads, and given authority to rule. “Ang pangatlong hayop ay parang leopardo. Mayroon itong apat na pakpak sa likod at may apat na ulo. Binigyan siya ng kapangyarihan upang mamahala.
7 After this, in my night vision, a fourth beast appeared—dreadful, terrifying, incredibly strong, with huge iron teeth. It devoured, crushed, and trampled the rest underfoot, different from every beast before it, with ten horns. “Nang gabi ring iyon, nakita ko sa aking pangitain ang ikaapat na hayop. Nakakatakot itong tingnan at napakalakas. Sa pamamagitan ng kanyang malalaking ngiping bakal sinasakmal niyaʼt niluluray ang kanyang mga biktima, at kapag may natitira pa ay tinatapak-tapakan niya. Kakaiba ito sa tatlong hayop, at sampu ang kanyang sungay.
8 While I watched the horns, another—a little horn—rose among them, and three of the first horns were uprooted before it. It had eyes like human eyes and a mouth speaking boastfully. “Habang tinitingnan ko ang mga sungay, nakita kong tumubo ang munting sungay at nabunot ang tatlo sa mga naunang sungay. Ang sungay na ito ay may mata na tulad ng tao at may bibig na nagsasalita ng kayabangan.
9 As I watched, thrones were set in place, and the Ancient of Days, our Father, took his seat. His clothing was white as snow; the hair of his head was like pure wool. His throne was flaming with fire, and its wheels were all ablaze. “Pagkatapos ay nakita ko, may mga tronong inilagay, at umupo sa kanyang trono ang Diyos na Buháy Magpakailanman. Nakakasilaw ang kanyang damit at buhok dahil sa kaputian. Nagliliyab ang kanyang tronong may mga gulong.
10 A river of fire flowed out, streaming from before him. Thousands of thousands served him, and 10,000 upon 10,000 stood before him. The court sat, and the books were opened. At mula sa kanya ay umaagos ang apoy. Libo-libo ang mga naglilingkod sa kanya; mas marami pa sa sampung libo ang nakatayo sa kanyang harapan. Handa na siyang humatol, kaya binuksan ang mga aklat.
11 I watched because of the boastful words the horn spoke; I watched until the beast was killed, its body destroyed and given to the burning fire. “Patuloy kong tinitingnan ang sungay dahil sa naririnig kong pagyayabang nito, hanggang sa nakita kong pinatay ang ikaapat na hayop. Inihagis siya sa apoy at nasunog ang kanyang katawan.
12 The rest of the beasts lost authority but had their lives prolonged for a set time and season. (At ang natitirang tatlong hayop ay inalisan ng kapangyarihan, pero hinayaang mabuhay nang maiksing panahon.)
13 In my night vision I looked, and there before me, coming with the clouds of heaven, was one like a son of man. He approached the Ancient of Days, our Father, and was led into his presence. “Pagkatapos, nakita ko ang parang anak ng tao na pinaliligiran ng ulap. Lumapit siya sa Diyos na Buháy Magpakailanman.
14 And he was given authority, glory, and a kingdom, so that all peoples, nations, and languages would serve him. His dominion is an everlasting dominion that will not pass away, and his kingdom is one that will never be destroyed. Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya.
15 I, Daniel, was troubled in spirit, and the visions that passed through my mind alarmed me. “Akong si Daniel ay nabagabag sa aking nakita.
16 I approached one of those standing there and asked him the truth about all this. He told me, revealing its interpretation. Kaya lumapit ako sa isang nakatayo roon at nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng nakita kong iyon. “Kaya sinabi niya sa akin at ibinigay niya ang kahulugan ng mga bagay na ito:
17 'These four great beasts are four kings who will rise from the earth. ‘Ang apat na hayop ay tumutukoy sa apat na haring maghahari sa mundo.
18 But the holy ones of the Most High, our Father, will receive and possess the kingdom forever, forever and ever. Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasang Diyos ang siyang bibigyan ng kapangyarihang maghari magpakailanman.’
19 Then I wanted the truth about the fourth beast, different from all others—most terrifying, iron teeth, bronze claws—devouring, crushing, and trampling what remained underfoot. “Tinanong ko pa siya kung ano ang ibig sabihin ng ikaapat na hayop na ibang-iba sa tatlo. Nakakatakot itong tingnan; ang mga ngipin ay bakal at ang mga kuko ay tanso. Sinasakmal niya at niluluray ang kanyang mga biktima, at kung may matitira ay kanyang tinatapak-tapakan.
20 I also wanted to know about the ten horns on its head, and the other horn that came up before which three fell—the horn with eyes and a boastful mouth, appearing bigger than the rest. Tinanong ko rin siya kung ano ang kahulugan ng sampung sungay ng ikaapat na hayop at ng isa pang sungay na tumubo at nagtanggal ng tatlong sungay. Ang sungay na ito ay may mga mata at may bibig na nagyayabang, at kung titingnan ay mas makapangyarihan siya kaysa sa ibang sungay.
21 As I watched, this horn was waging war against the holy ones and was defeating them, Nakita kong ang sungay na ito ay nakikipaglaban sa mga banal ng Diyos, at nananalo siya.
22 until the Ancient of Days, our Father, came, judgment was given for the holy ones of the Most High, our Father, and the holy ones' time came to possess the kingdom.' Pagkatapos, dumating ang Diyos na Buháy Magpakailanman, ang Kataas-taasang Diyos, at humatol panig sa kanyang mga banal. At dumating ang panahon ng paghahari ng mga banal.
23 He said: 'The fourth beast is a fourth kingdom on earth, unlike all other kingdoms. It will devour, trample, and crush the whole earth. “Narito ang kanyang paliwanag sa akin: Ang ikaapat na hayop ay ang ikaapat na kaharian dito sa mundo na kakaiba kaysa sa ibang kaharian. Lulusubin nito at wawasakin ang buong mundo.
24 The ten horns: ten kings will arise from this kingdom. After them another arises, different from the first, and subdues three kings. Ang sampung sungay ay ang sampung hari na maghahari sa kahariang iyon. Papalit sa kanila ang isang hari na iba kaysa sa kanila at ibabagsak niya ang tatlong hari.
25 He will speak words against the Most High, our Father, oppress the holy ones of the Most High, our Father, and try to change the set times and the law. The holy ones will be handed to him for a time, times, and half a time. Magsasalita siya laban sa Kataas-taasang Diyos, at uusigin niya ang mga banal ng Diyos. Sisikapin niyang baguhin ang mga pista at Kautusan. Ipapasakop sa kanya ang mga banal ng Diyos sa loob ng tatloʼt kalahating taon.
26 But the court will sit in judgment, and his dominion will be taken away, consumed and destroyed forever. “ ‘Ngunit hahatulan siya, kukunin ang kanyang kapangyarihan, at lilipulin nang lubos.
27 Kingdom, dominion, and greatness of all kingdoms under heaven will be given to the people, the holy ones of the Most High, our Father. His kingdom is a kingdom without end; all rulers will serve and obey him.' At pagkatapos ay ibibigay sa banal na mga mamamayan ng Kataas-taasang Diyos ang pamamahala at kapangyarihan sa mga kaharian ng buong mundo. Kaya maghahari sila magpakailanman, at ang lahat ng kaharian ay magpapasakop sa kanila.’
28 This ends the matter. I, Daniel—my thoughts terrified me, my face turned pale, but I kept it to myself. “Iyon ang panaginip ko. Akong si Daniel, ay nabagabag at namutla sa takot. Ngunit hindi ko ito sinabi kahit kanino.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]