Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In King Belshazzar's third year, a vision appeared to me, Daniel, after the earlier one. Nang ikatlong taon ng paghahari ni Belshazar, akong si Daniel ay muling nagkaroon ng pangitain.
2 In the vision I was in the citadel of Susa, in Elam province; and in the vision I was beside the Ulai Canal. Sa pangitain ko, nakita kong nakatayo ako sa pampang ng Ilog ng Ulai, sa tanggulan ng Susa sa lalawigan ng Elam.
3 I looked up: a ram stood before the canal, two tall horns—one taller than the other, the taller coming up last. May nakita akong barakong tupa na nakatayo sa tabi ng ilog. Mayroon itong dalawang mahahabang sungay, pero mas mahaba ang isang sungay nito kaysa sa isa kahit na huli itong tumubo.
4 I watched the ram charging west, north, and south. No animal could stand against him, none could rescue from his power. He did as he pleased and grew great. Nakita kong nanunuwag ang barakong tupa papunta sa kanluran at sa hilaga at sa timog. Walang ibang hayop na makapigil sa kanya at wala ring makatakas sa kanya. Nagagawa niya ang gusto niyang gawin, kaya naging makapangyarihan siya.
5 As I was considering this, suddenly a male goat came from the west across the whole earth without touching the ground; it had a prominent horn between its eyes. Habang itoʼy tinitingnan ko, biglang dumating ang isang kambing mula sa kanluran. Umikot ito sa buong mundo na hindi sumasayad ang paa sa lupa sa sobrang bilis. Mayroon siyang kakaibang sungay sa gitna ng kanyang mga mata.
6 He came to the two-horned ram I saw standing by the canal and ran at it in raging power. Sinugod niya nang buong lakas ang tupang may dalawang sungay na nakita kong nakatayo sa pampang ng ilog.
7 I saw him reach the ram, enraged, striking and shattering its two horns. The ram had no strength to stand against him; the goat threw it down and trampled it, and no one could rescue the ram from his power. Sa matinding galit, hindi niya tinigilan ng pagsuwag ang tupa hanggang sa naputol ang dalawang sungay nito. Hindi na makalaban ang tupa, kaya nabuwal ito at tinapak-tapakan ng kambing. Walang sumaklolo sa kanya.
8 The goat grew very great, but at its full strength the great horn broke, and four prominent horns grew up in its place toward the four winds of heaven. Naging makapangyarihan pa ang kambing. Ngunit nang nasa sukdulan na ang kapangyarihan niya, nabali ang kanyang sungay. Kapalit nito ay may tumubong apat na pambihirang sungay na nakatutok sa apat na direksyon ng mundo.
9 From one of them a little horn came out, growing very great toward the south, east, and the glorious land. Ang isa sa kanila ay tinubuan ng isang maliit na sungay. Naging makapangyarihan itong sungay sa timog at sa silangan hanggang sa magandang lupain ng Israel.
10 It grew great, up to the host of heaven, casting down to earth some of the host and of the stars, and trampled them. Lalo pa itong naging makapangyarihan hanggang sa naabot nito ang langit, at pinabagsak nito sa lupa ang ilang mga bituin at saka tinapak-tapakan.
11 It made itself great against the Prince of the host; the Prince's regular offering was removed and his sanctuary's place thrown down. Itinuring niya ang kanyang sarili na higit na makapangyarihan kaysa sa Pinuno ng mga nilalang sa langit. Pinatigil niya ang araw-araw na paghahandog sa templo ng Diyos, at nilapastangan niya ang templo.
12 Because of wrongdoing, the army was handed over to it with the daily offering; it threw truth to the ground and acted and thrived. Dahil sa pagsuway ng mga mamamayan ng Panginoon, ipinasakop sila sa kanya pati ang mga nilalang sa langit at ang araw-araw na paghahandog. Binalewala niya ang katotohanan, at nagtagumpay siya sa kanyang mga ginawa.
13 Then I heard a holy one speaking, and another holy one asked the speaker, "How long is the vision—the regular offering, the wrongdoing that brings desolation, sanctuary and host handed over to trampling?" Narinig kong nag-uusap ang dalawang anghel. Ang isang anghel ay nagtatanong sa isa, “Hanggang kailan kaya tatagal ang mga pangyayaring ito na nasa pangitain? Ang pagpapatigil sa araw-araw na paghahandog, ang paglapastangan sa templo na magiging dahilan upang pabayaan ito, at ang pagyurak sa mga nilalang sa langit?”
14 He told me, "For 2,300 evenings and mornings; then the sanctuary will be restored to its rightful state." Sumagot ang isa, “Itoʼy mangyayari sa loob ng 2,300 umaga at hapon, at pagkatapos ay lilinisin ang Templo.”
15 As I, Daniel, watched the vision seeking to understand, one like a man stood before me. Habang akong si Daniel ay nakatingin sa pangitaing iyon at sinusubukang maintindihan kung ano ang kahulugan noon, biglang tumayo sa harap ko ang isang parang tao.
16 I heard a human voice from the Ulai calling, "Gabriel, make this man understand the vision." Pagkatapos, may narinig akong tinig ng tao mula sa Ilog ng Ulai na nagsabi, “Gabriel, ipaliwanag mo sa kanya ang kahulugan ng pangitain.”
17 He came near where I stood, and as he drew close I was terrified and fell facedown. He said to me, "Understand, son of man: the vision is for the time of the end." Nang lumapit si Gabriel sa akin, nagpatirapa ako sa takot. Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, dapat mong maunawaan na ang iyong pangitain ay tungkol sa katapusan ng panahon.”
18 As he spoke, I fell into a deep sleep, face to the ground; but he touched me and set me on my feet. Habang nakikipag-usap siya sa akin, akoʼy nakatulog nang mahimbing na nakadapa sa lupa. Ngunit ginising niya ako at ibinangon.
19 He said, "Listen, I will tell you what will happen in the later time of the wrath, for it concerns the appointed time of the end. Sinabi niya, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag ibinuhos na ng Diyos ang kanyang galit, dahil naitakda na ang katapusan ng panahon.
20 The ram you saw with the two horns is the kings of Media and Persia. Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia.
21 The shaggy goat is Greece's king; the great horn between his eyes is the first king. Ang kambing naman ay ang kaharian ng Gresya, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.
22 The broken horn, four rising in its place: four kingdoms rise from his nation, but without his power. Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Gresya nang magkahati-hati ito. Ngunit ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.
23 At the end of their reign, when sinners reach full measure, a fierce-faced king skilled in intrigue will arise. “Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang pagiging suwail, maghahari ang isang malupit at tusong hari.
24 His power will be great—but not his own—and he will cause terrible destruction, prosper, and act. He will destroy the mighty and the people of the holy ones. Siyaʼy magiging makapangyarihan, pero hindi tulad ng haring nauna sa kanya. Magtataka ang mga tao sa gagawin niyang panlilipol, at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao at ang mga hinirang na mga mamamayan ng Diyos.
25 By cunning he makes deceit thrive under his hand, and in his heart he lifts himself up. Without warning he destroys many, and rises against the Prince of princes—yet he will be broken, by no human hand. Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin nang walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Ngunit lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
26 The vision of the evenings and mornings told to you is true, but seal it up, for it concerns days far off." “Ang pangitaing nakita mo tungkol sa pagpapatigil ng pang-umaga at panghapon na paghahandog ay totoo. Ngunit huwag mo munang ihayag ito dahil matatagalan pa bago ito maganap.”
27 I, Daniel, was overcome and sick for days. Then I got up and did the king's business, but the vision left me appalled, beyond understanding. Pagkatapos noon, akong si Daniel ay nanghina at nagkasakit nang ilang araw. Nang gumaling ako, bumalik ako sa trabaho na ibinigay sa akin ng hari. Ngunit patuloy akong nabalisa ng pangitaing iyon; hindi ko ito lubos na maunawaan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]