Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In the first year of Darius son of Xerxes, a Mede, made king over the Babylonian realm. Si Dario na taga-Media na anak ni Asuero ang hari noon sa buong Babilonia.
2 In his reign's first year, I, Daniel, understood from the books how many years our Father told Jeremiah the prophet: seventy, to complete Jerusalem's ruins. Noong unang taon ng paghahari niya, akong si Daniel, ay naintindihan mula sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng pitumpung taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias.
3 So I turned my face to the Sovereign Father, to seek him in prayer and pleading, with fasting, sackcloth, and ashes. Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Diyos at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.
4 I prayed to my Father, confessing: "Sovereign Father, great and awesome, keeping covenant and faithful love for those loving him and keeping his commands, Nanalangin ako sa Panginoon na aking Diyos at humingi ng tawad: “Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Diyos. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos.
5 we have sinned, done wrong, done evil, rebelled, turning from your commands and rulings. Nagkasala kami sa inyo. Gumawa kami ng kasamaan at sumuway sa inyong mga utos at tuntunin.
6 We haven't listened to your servant prophets speaking in your name to our kings, princes, ancestors, and all the land's people. Hindi kami nakinig sa inyong mga lingkod na propeta na inutusan nʼyong makipag-usap sa aming hari, mga pinuno, matatanda at sa lahat ng taga-Israel.
7 Righteousness is yours, Sovereign Father, but ours is open shame today—Judah's people, Jerusalem's residents, all Israel, near and far, in every land where you drove them for their unfaithfulness to you. “Panginoon, matuwid po kayo, pero kami ay kahiya-hiya pa rin hanggan ngayon. Gayon din ang lahat ng mga mamamayan ng Juda at Jerusalem, at ang lahat ng Israelita na pinangalat nʼyo sa malalapit at malalayong lugar dahil sa kanilang pagsuway sa inyo.
8 O our Father, open shame belongs to us—our kings, princes, and ancestors—because we sinned against you. Panginoon, kami ay talagang kahiya-hiya, pati ang aming hari, mga pinuno, at matatanda dahil kami ay nagkasala sa inyo.
9 To the Sovereign Father belong mercy and forgiveness, for we have rebelled against him, Ngunit maawain pa rin kayo, Panginoon naming Diyos, at mapagpatawad kahit na sumuway kami sa inyo.
10 and we disobeyed our Father's voice to walk in his laws set before us through his servants the prophets. Hindi kami sumunod sa inyo Panginoon naming Diyos at hindi namin sinunod ang mga utos na ibinigay ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong mga lingkod na propeta.
11 All Israel broke your law and turned away, refusing to obey your voice. So the curse and the sworn oath written in the Law of Moses, our Father's servant, poured out on us, because we sinned against him. Ang lahat ng Israelita ay sumuway sa inyong Kautusan; ayaw nilang sundin ang mga sinabi ninyo. “At dahil sa aming pagkakasala, dumating sa amin ang sumpa na nakasulat sa Kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos.
12 He confirmed his words against us and our judges who judged us, bringing great disaster on us; nothing under all heaven matches what happened to Jerusalem. Tinupad po ninyo ang inyong sinabi laban sa amin at sa aming mga pinuno na kami ay inyong parurusahan nang matindi. Kaya ang nangyari sa Jerusalem ay walang katulad sa buong mundo.
13 As written in the Law of Moses, all this disaster came on us; yet we have not sought our Father's favor by turning from our sins and understanding your truth. Dumating sa amin ang parusang ito ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Ngunit sa kabila nito, hindi namin sinikap na malugod kayo sa amin, Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng pagtalikod sa aming mga kasalanan at ang pagkilala sa inyong katotohanan.
14 So our Father readied the disaster and brought it on us, for our Father is righteous in all he does; but we did not obey his voice. Kaya hindi nag-atubili ang Panginoon naming Diyos na parusahan kami; sapagkat ang Panginoon naming Diyos ay palaging matuwid sa kanyang mga ginagawa. Ngunit hindi pa rin kami sumunod sa inyo.
15 And now, Sovereign Father, you brought your people out of Egypt with a strong hand and made yourself a name lasting to this day—we sinned, we did wrong. “Panginoon naming Diyos, ipinakita nʼyo ang inyong kapangyarihan noong pinalaya ninyo ang inyong mga mamamayan sa Ehipto, at dahil dito ay naging tanyag kayo hanggang ngayon. Inaamin namin na kami ay nagkasala at gumawa ng kasamaan.
16 Sovereign Father, by all your righteous acts, turn your anger and rage from your city Jerusalem, your holy mountain—for our sins and our ancestors' wrongdoing made Jerusalem and your people a disgrace to all around us. Kaya, Panginoon, ayon sa inyong ginagawang matuwid, nakikiusap ako na alisin nʼyo na ang inyong galit sa Jerusalem, ang inyong lungsod at banal na bundok. Dahil sa aming kasalanan at sa kasalanan ng aming mga ninuno, hinamak kami at ang Jerusalem ng mga taong nakapaligid sa amin.
17 Now, our Father, hear your servant's prayer and pleas, and shine your face on your desolate sanctuary, for your own sake, Sovereign Father. “Kaya ngayon, O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panalangin at pagsamo. Alang-alang sa inyong pangalan, muli ninyong itayo ang inyong Templong nagiba at napabayaan.
18 Turn your ear toward us, my Father, and hear; open your eyes, see our ruins and the city called by your name. We bring our pleas before you not for our righteousness but your great mercy. O Diyos, pakinggan nʼyo ako. Tingnan nʼyo ang nakakawa naming kalagayan at ang wasak nʼyong bayan, kung saan kinikilala ang iyong pangalan. Hindi kami dumadalangin sa dahilang kami ay matuwid, kundi dahil sa alam naming kayo ay mahabagin.
19 Sovereign Father, hear! Sovereign Father, forgive! Sovereign Father, listen and act! Don't delay, for your sake, my Father, because your city and your people bear your name." Panginoon, dinggin nʼyo po kami at patawarin. Tulungan nʼyo kami agad alang-alang sa inyong pangalan, dahil kayo ay kinikilalang Diyos sa inyong bayan at ng inyong mga mamamayan.”
20 Still speaking, praying, confessing my sin and my people Israel's sin, laying my plea before my Father for my Father's holy hill, Habang akoʼy nagsasalita at nananalangin at ipinapahayag ang aking kasalanan at ang kasalanan ng aking mga kababayang Israelita. Nagmakaawa ako sa Panginoon kong Diyos alang-alang sa kanyang banal na bundok.
21 while I was still praying, Gabriel, the man I saw earlier in the vision, reached me, flying fast, about the time of the evening offering. At habang nananalangin ako, mabilis na lumipad papunta sa akin si Gabriel na nakita ko noon sa aking pangitain. Oras iyon ng panghapong paghahandog.
22 He gave me insight, speaking with me and saying, "Daniel, I have now come out to give you insight and understanding. Pinaunawa niya sa akin at sinabi, “Daniel, naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang tungkol sa pangitain.
23 As your pleas began, a word went out, and I came to tell you, for you are deeply loved. So weigh the word and understand the vision: Sa simula pa lamang ng iyong panalangin ay may ipinahayag na ang Diyos, kung kayaʼt akoʼy pumarito para sabihin sa iyo, dahil mahal ka ng Diyos. Kaya makinig ka at unawain ang sasabihin ko sa iyo.
24 "Seventy weeks are decreed for your people and your holy city: to end wrongdoing, finish sin, atone for guilt, bring in everlasting righteousness, seal vision and prophet, and anoint a most holy place. “Isang yugto ng pitumpung pito ang itinakda ng Diyos sa banal na lungsod at sa mga kababayan mo upang tigilan nila ang pagrerebelde sa Diyos, upang mapatawad ang kanilang kasalanan, upang mapairal ng Diyos ang walang hanggang katuwiran, upang matupad ang pangitain at propesiya, at upang maihandog na muli ang Pinakabanal na Lugar.
25 Know therefore and understand: from the time the command goes out to restore and rebuild Jerusalem until the coming of the Anointed One, the Prince, there will be seven weeks and sixty-two weeks. It will be rebuilt with streets and a moat, but in troubled times. “Dapat mong malaman at maintindihan na mula sa panahong iniutos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Diyos ay lilipas muna ang apatnapuʼt siyam na taon. At sa loob ng 434 na taon ay muling itatayo ang Jerusalem na may mga plasa at tanggulan. Magiging magulo sa panahong iyon.
26 And after the sixty-two weeks the Anointed One will be cut off and will have nothing. The people of the prince who is to come will destroy the city and the sanctuary. Its end will come like a flood, and to the end there will be war; desolations are decreed. Pagkatapos ng 434 na taon, papatayin ang pinunong hinirang ng Diyos at walang tutulong sa kanya. Darating ang isang hari at sisirain ng mga tauhan niya ang bayan at ang templo. At ayon sa itinakda ng Diyos, ang pagwasak at digmaan ay magpapatuloy hanggang sa katapusan. Ang katapusan ay darating na parang baha.
27 He will confirm a covenant with many for one week; mid-week he will stop sacrifice and offering. On a temple wing he will set up an abomination that causes desolation, until the decreed end pours on the desolator." Ang haring iyon ay gagawa ng matibay na kasunduan sa napakaraming tao sa loob ng pitong taon. Ngunit pagkatapos ng tatloʼt kalahating taon, patitigilin niya ang mga paghahandog at ilalagay niya ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pagpapabaya sa Templo. Mananatili ito roon hanggang sa dumating ang katapusan ng hari na itinakda ng Diyos.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]