Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In Cyrus king of Persia's third year, a message was revealed to Daniel, called Belteshazzar—true, about a great war. He understood it, gaining insight into the vision. Nang ikatlong taon ng paghahari ni Ciro sa Persia, may ipinahayag na mensahe kay Daniel na tinatawag ding Beltesazar. Totoo ang pahayag at tungkol ito sa malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang pahayag dahil ipinaliwanag ito sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain.
2 In those days I, Daniel, was mourning for three full weeks. Nang panahong iyon, akong si Daniel, ay nagluksa sa loob ng tatlong linggo.
3 I ate no fine food; no meat or wine touched my mouth; I used no oil at all, until three weeks passed. Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan hanggang hindi natatapos ang tatlong linggo.
4 On the twenty-fourth day of month one, I stood on the bank of the great river—the Tigris. Nang ikadalawampuʼt apat na araw ng unang buwan, habang nakatayo ako sa tabi ng malawak na Ilog ng Tigris.
5 I looked up and saw a man in linen, a belt of fine gold of Uphaz around his waist. May nakita ako doon na parang tao na nakadamit ng telang lino at may tali sa baywang na puro ginto mula sa Upaz.
6 His body like beryl, his face like lightning, his eyes like torches of fire, his arms and legs like polished bronze, and the sound of his words like a roaring crowd. Ang katawan niya ay kumikinang na parang mamahaling bato. Ang kanyang mukha ay kumikislap na parang kidlat, at ang kanyang mga mata ay nagliliyab na parang sulo. Ang kanyang mga kamay at mga paa ay kumikinang na parang makinis na tanso, at ang kanyang tinig ay parang ingay ng napakaraming tao.
7 I, Daniel, alone saw the vision; the men with me didn't see it, but great trembling fell on them, and they fled and hid. Akong si Daniel lang talaga ang nakakita ng pangitaing iyon. Hindi iyon nakita ng aking mga kasama, pero nagsipagtago sila dahil sa takot.
8 Left alone, I saw this great vision. No strength remained in me; my face turned deathly pale, and I kept no strength. Kaya naiwan akong nag-iisa at ako lang ang nakakita ng kamangha-manghang pangitaing iyon. Namutla ako at nawalan ng lakas.
9 Then I heard his words, and hearing them, I fell face down on the ground in a deep sleep. Narinig kong nagsasalita ang taong iyon. At habang nagsasalita siya, nawalan ako ng malay at nasubsob sa lupa.
10 Suddenly a hand touched me and set me trembling on my hands and knees. Hinawakan at tinulungan niya ako habang nanginginig pa ang aking mga kamay at mga tuhod.
11 He said to me, "Daniel, dearly loved man, understand the words I speak to you; stand up, for I am now sent to you." When he spoke this word to me, I stood up, trembling. Sinabi niya, “Daniel, mahal ka ng Diyos. Tumayo ka at makinig nang mabuti sa sasabihin ko sa iyo, dahil isinugo ako ng Diyos dito sa iyo.” Pagkasabi niya noon, nanginginig akong tumayo.
12 He said to me, "Don't be afraid, Daniel. From the first day you set your heart to understand and humbled yourself before your Father, your words were heard, and I came because of your words. Sinabi niya sa akin, “Daniel, huwag kang matakot. Sapagkat sa unang araw pa lamang ng iyong pagpapakumbaba sa Diyos at sa hangad mong maunawaan ang pangitain, sinagot na ang iyong dalangin. Kaya pumarito ako upang dalhin ang kasagutan sa iyong dalangin.
13 But the prince of Persia's kingdom opposed me twenty-one days; then Michael, one of the chief princes, came to help me, for I was left there with Persia's kings. Ngunit hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng dalawampuʼt isang araw ay hinadlangan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Miguel na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia.
14 I came to help you understand your people's future in days to come, for the vision is for days still ahead." Narito ako ngayon upang ipaliwanag sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayang Israelita sa hinaharap, dahil ang iyong pangitain ay tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap.”
15 As he spoke these words to me, I turned my face to the ground, unable to speak. Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita.
16 Then one like a man touched my lips. I opened my mouth and began to speak. I said to the one standing before me, "My lord, the vision has filled me with pain, and I have no strength left. Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko.
17 How can I, your servant, speak with you, my lord? No strength remains in me now, no breath is left." Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”
18 Again the one who looked like a man touched me and strengthened me. Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas.
19 He said, "Don't be afraid, treasured one. Peace to you; be strong, be strong!" His words strengthened me, and I said, "Speak, my lord, for you have strengthened me." Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Diyos, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy po ninyo ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.”
20 He said, "Do you know why I came to you? Now I return to fight Persia's prince; then, as I leave, Greece's prince comes. Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno ng Gresya. Ngunit alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo?
21 But first I'll tell you what's written in the Book of Truth: none stands firmly with me against them but Michael, your prince." Naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan. (Sa aking pakikipaglaban, walang ibang tumulong sa akin kundi si Miguel lamang, ang pinuno ng Israel.)
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]