1And I, in the first year of Darius the Mede, stood up to support and strengthen him.OASDNoong unang taon ng paghahari ni Dario na taga-Media, ako ang tumulong at nagtanggol kay Miguel.
2Now I'll tell you the truth: look, three more kings will rise in Persia, then a fourth far richer than all. Strengthened by his wealth, he will stir up everyone against Greece's kingdom.OASD“Sasabihin ko sa iyo ngayon ang katotohanan: Tatlo pang hari ang maghahari sa Persia. Ang ikaapat na hari na susunod sa kanila ay mas mayaman pa kaysa sa mga nauna. Sa pamamagitan ng kanyang kayamanan, magiging makapangyarihan siya, at susulsulan niya ang ibang kaharian na makipaglaban sa Gresya.
3Then a mighty king will arise, who will rule with great dominion and do as he pleases.OASDPagkatapos, isa pang makapangyarihang hari ang darating. Maraming bansa ang kanyang sasakupin, at gagawin niya ang gusto niyang gawin.
4Once he rises, his kingdom will break apart and split toward the four winds of heaven—not to his descendants, nor with the power he held, for his kingdom will be uprooted and given to others besides them.OASDKapag siyaʼy naging makapangyarihan na, mawawasak ang kanyang kaharian at mahahati sa apat na bahagi ng daigdig, pero hindi ang kanyang mga angkan ang maghahari dito. Ang mga haring papalit sa kanya ay hindi makakapamahala tulad ng kanyang pamamahala. Kukunin ang kanyang kaharian at ibibigay sa iba.
5The king of the south will grow strong; one of his commanders will grow stronger than him and rule—his dominion will be vast.OASD“Ang hari ng timog ay magiging makapangyarihan. Ngunit isa sa kanyang mga heneral ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At sa bandang huli, ang heneral na ito ay maghahari rin at magiging makapangyarihan ang kaharian niya.
6After some years they will ally: the daughter of the king of the south will come to the king of the north to make an agreement. But she won't keep her strength, nor will he or his arm stand. She will be handed over—with her escort, her father, and her supporter—in those times.OASDPagkalipas ng ilang taon, magsasanib ang dalawang kahariang ito, dahil ipapaasawa ng hari ng timog ang anak niyang babae sa hari ng hilaga. Ngunit hindi magtatagal ang kapangyarihan ng babae pati ang kapangyarihan ng hari ng hilaga. Sapagkat sa panahong iyon, papatayin ang babae at ang kanyang asawaʼt anak, pati ang mga naglilingkod sa kanya.
7A shoot from her roots will rise in his place, attack the army, enter the north king's fortress, act against them, and prevail.OASD“Sa bandang huli, maghahari sa timog ang isa sa mga kamag-anak ng babae. Siya ang papalit sa kanyang ama. Lulusubin niya ang mga sundalo ng hari ng hilaga at papasukin ang tanggulan nito, at magtatagumpay siya sa labanan.
8He will take their gods captive to Egypt, with their metal images and precious silver and gold vessels; for years he will stay away from the king of the north.OASDDadalhin niya pauwi sa Ehipto ang mga diyos-diyosan nila at mga mamahaling ari-arian na yari sa ginto at pilak. Sa loob ng ilang taon, hindi na siya makikipagdigma sa hari ng hilaga.
9The king of the north will invade the king of the south's realm, then return home.OASDNgunit sa bandang huli, lulusubin ng hari sa hilaga ang hari sa timog, pero matatalo ito at babalik sa kanyang bayan.
10His sons will arm for war, gather a vast army that keeps coming, overflows, sweeps through, then renews war to his stronghold.OASD“Magtitipon ng maraming sundalo ang mga anak ng hari ng hilaga upang maghanda sa pakikipaglaban. Ang isa sa kanila ay sasalakay na parang bahang hindi mapigilan. Sasalakay siya hanggang sa tanggulan ng hari ng timog.
11The southern king, enraged, will march out to fight the northern king, who musters a vast army; but the army is given into the southern king's hand.OASD“At dahil sa galit ng hari ng timog, lalabanan niya ang hari ng hilaga at tatalunin niya ang napakaraming sundalo nito.
12When the crowd is carried off, his heart grows proud; he strikes down tens of thousands, yet fails.OASDSa kanyang tagumpay, magmamataas siya at marami pa ang kanyang papatayin, pero hindi magtatagal ang kanyang tagumpay.
13The king of the north will again raise a horde bigger than before, then after years come with a great army and vast supplies.OASDSapagkat ang hari ng hilaga ay muling magtitipon ng mas marami pang sundalo kaysa sa dati. At pagkalipas ng ilang taon, muli siyang sasalakay kasama ang napakaraming sundalo dala ang napakaraming kagamitang pandigma.
14In those times many will rise against the king of the south; violent men of your people will lift themselves up to fulfill the vision, but fail.OASD“Sa panahong iyon, marami ang maghihimagsik laban sa hari ng timog. Isa na sa mga ito ang mga kababayan mong Israelita na mapupusok. Gagawin nila ito bilang katuparan ng pangitain, pero matatalo sila.
15The king of the north will come, raise a siege ramp, and take a fortified city; the south's forces will not stand, nor its elite troops—no strength remains to stand.OASDSasalakayin ng hari ng hilaga ang isa sa mga tanggulan ng lungsod sa timog. Kukubkubin nila ito at papasukin. Walang magagawa ang mga sundalo sa timog pati na ang kanilang pinakamagaling na mga kawal, dahil hindi nila kayang talunin ang kalaban.
16His invader does as he pleases; none can stand before him. He will stand in the splendid land, destruction in his hand.OASDKaya gagawin ng hari ng hilaga ang anumang gusto niyang gawin at walang makapipigil sa kanya. Sasakupin niya ang magandang lupain ng Israel, at lubusan itong mapapasailalim sa kanyang kapangyarihan.
17He will set out to enter with his kingdom's full strength, and make terms with him; he will give him a daughter of women to ruin it, but it will not stand or benefit him.OASDTalagang determinado ang hari ng hilaga na salakayin ang kaharian sa timog nang buong lakas ng kaharian niya. Makikipagkasundo muna siya sa hari ng timog sa pamamagitan ng pag-aalok ng kanyang anak na maging asawa ng nito, para sa pamamagitan nito ay maibagsak niya ang kaharian sa timog. Ngunit hindi magtatagumpay ang kanyang layunin.
18Then he'll turn to the coastlands and take many, but a commander will end his arrogance, turning it back on him.OASDKaya ang mga bayan na lang muna sa tabing-dagat ang kanyang lulusubin at marami ang kanyang masasakop. Ngunit patitigilin ng isang pinuno ang kanyang pagpapahiya sa iba, at siya mismo ang mapapahiya.
19Then he will turn his face toward the fortresses of his own land, stumble, fall, and be found no more.OASDKaya uuwi siya sa mga tanggulan ng kanyang bayan. Ngunit matatalo siya, at iyon ang magiging wakas niya.
20In his place will rise one who sends a tax collector for the glory of the kingdom; within a few days he'll be broken—not in anger, not in battle.OASD“Ang haring papalit sa kanya ay mag-uutos sa isang opisyal na sapilitang maniningil ng buwis upang madagdagan ang kayamanan ng kaharian niya. Ngunit hindi magtatagal ay mamamatay ang haring ito, hindi dahil sa labanan o sa mayroong galit sa kanya.
21A despised man will rise in his place, denied royal honor. He'll come in a time of ease and seize the kingdom through flattery.OASD“Ang papalit sa kanya bilang hari ay taong hindi marangal at walang karapatang maging hari. Sa hindi inaasahan ng mga tao, bigla niyang sasakupin ang kaharian sa pamamagitan ng pandaraya.
22Armies will be swept away before him and broken, and the prince of the covenant as well.OASDMaraming kalabang sundalo ang kanyang papatayin, pati na ang punong pari.
23Once allied with him, he will act dishonestly and grow strong with only a few people.OASDMakikipagkasundo siya sa maraming bansa, pero dadayain niya ang mga ito sa bandang huli. Magiging makapangyarihan siya kahit maliit ang kaharian niya.
24In a time of security, he will enter the province's richest regions and do what neither his fathers nor their fathers did—scattering plunder, spoil, and goods among them, devising schemes against fortresses, but only for a time.OASDSa hindi inaasahan ng mga tao, bigla niyang lulusubin ang mauunlad na lugar ng isang lalawigan. Gagawin niya ang hindi ginawa ng kanyang mga ninuno. Hahati-hatiin niya sa mga tagasunod niya ang kanyang mga nasamsam sa labanan. Pinaplano niyang salakayin ang mga tanggulan, pero sa maikling panahon lamang.
25He will rouse his strength and courage against the king of the south with a great army. The king of the south will fight with a very great, mighty army—but won't stand, for plots will be devised against him.OASD“Maglalakas-loob siyang salakayin ang hari ng timog na may marami at malakas ring hukbo. Ngunit matatalo ang hari ng timog dahil sa katusuhan ng kanyang mga kalaban.
26Those who eat his food will break him; his army is swept away, and many fall slain.OASDPapatayin siya ng sarili niyang mga tauhan. Kaya matatalo ang kanyang mga sundalo at marami sa kanila ang mamamatay.
27Both kings' hearts bent on evil will speak lies at one table, but it will fail—the end awaits its appointed time.OASDAng dalawang haring ito ay magsasama pero pareho silang magsisinungaling at mag-iisip ng masama laban sa isaʼt isa. Pareho silang hindi magtatagumpay sa kanilang binabalak laban sa isaʼt isa. At magpapatuloy ang labanan nila dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon.
28He returns to his land with great wealth, heart against the holy covenant; he acts, then returns to his land.OASDAng hari ng hilaga ay uuwi sa kanyang bayan dala ang maraming nasamsam na kayamanan mula sa digmaan. Ngunit bago siya umuwi, uusigin niya ang mga mamamayan ng Diyos at ang kanyang banal na kasunduan. At pagkatapos ay saka siya uuwi sa sarili niyang bayan.
29At the appointed time he will return and head south, but this time won't match the earlier or the latter.OASD“Sa takdang panahon ay muli niyang lulusubin ang kaharian sa timog, pero ang mangyayari ay hindi na katulad ng nangyari noon.
30For ships of Kittim will come against him; he loses heart, turns back, rages against the holy covenant, and acts. He returns and favors those who abandon the holy covenant.OASDSapagkat lulusubin siya ng hukbong pandagat mula sa Kitim sa kanluran. At dahil dito, uurong siya at babalik sa kanyang bayan. Ibubunton niya ang kanyang galit sa mga mamamayan ng Diyos at sa kanilang banal na kasunduan, pero magiging mabuti siya sa mga tumalikod banal na kasunduan.
31His forces will rise, defile the sanctuary fortress, end the daily sacrifice, and set up the abomination that causes desolation.OASD“Uutusan ng hari ng hilaga ang kanyang mga sundalo na lapastanganin ang templong kanlungan. Ipapatigil niya ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo.
32He will corrupt those who violate the covenant with flattery, but people who know their Father will stand firm and act.OASDAakitin niya sa pamamagitan ng panlilinlang ang mga tumalikod sa banal na kasunduan upang gumawa ng hindi mabuti. Ngunit lakas-loob siyang lalabanan ng mga taong tunay na tapat sa Diyos.
33The wise among the people will teach many, but will fall for a time by sword, flame, captivity, and plunder.OASD“Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan ay magtuturo sa maraming tao, pero uusigin sila sa loob ng ilang araw. Ang ilan sa kanila ay papatayin sa pamamagitan ng espada o susunugin, at ang ilan ay bibihagin o kukunin ang kanilang mga ari-arian.
34When they fall, they will receive a little help, and many will join them with flattery.OASDSa panahon na inuusig sila, iilan lang ang tutulong sa kanila, pero maraming hindi tapat ang sasáma sa kanila.
35Some of the wise will stumble, to be refined, purified, and cleansed until the end time, for it still awaits the set time.OASDUusigin ang ilang nakakaunawa ng katotohanan upang maging dalisay at malinis ang kanilang mga buhay hanggang sa dumating ang katapusan, na darating sa takdang panahon.
36The king will do as he pleases, lifting and enlarging himself above every god, speaking shocking things against our Father. He will flourish until the wrath is spent, since what is decreed will happen.OASD“Gagawin ng hari ng hilaga ang anumang gusto niyang gawin. Ituturing niyang higit ang kanyang sarili kaysa sinumang diyos, at hahamakin niya ang Diyos na higit kaysa sa lahat ng diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa panahon na ipakita ng Diyos ang kanyang galit, dahil kailangang mangyari ang mga bagay na itinakda ng Diyos na dapat mangyari.
37He will disregard his fathers' gods, women's desired one, and every god—he will set himself above them all.OASDHindi niya kikilalanin ang diyos ng kanyang mga ninuno o ang diyos na mahal ng mga babae. Ituturing niyang higit ang kanyang sarili kaysa sa mga iyon. Wala siyang pahahalagahang diyos maliban sa diyos na nananalakay ng mga tanggulan.
38Instead he'll honor a god of fortresses, unknown to his fathers, with gold, silver, precious stones, and costly gifts.OASDPararangalan niya ang diyos na nananalakay ng mga tanggulan na hindi kilala ng kanyang mga ninuno. Hahandugan niya ito ng mga ginto, pilak, mamahaling bato, at ng iba pang mamahaling mga regalo.
39With a foreign god he attacks the strongest fortresses. He greatly honors those who acknowledge him, gives them rule over many, and divides land for a price.OASDLulusubin niya ang pinakamatibay na mga tanggulan sa tulong ng diyos na iyon na hindi kilala ng kanyang mga ninuno. Pararangalan niya ang mga taong mabuti sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mamahala sa maraming tao. At bibigyan niya sila ng lupain bilang gantimpala.
40At the end time, the king of the south will engage him, and the king of the north will storm against him with chariots, horsemen, and many ships. He will invade the lands, overflow, and pass through.OASD“Pagdating ng wakas, makikipaglaban ang hari ng timog sa hari ng hilaga. Ngunit lulusubin siya ng hari ng hilaga na may mga karwaheng pandigma, mga nangangabayong sundalo at mga hukbong pandagat. Lulusubin niya ang maraming bansa at maninira na parang baha.
41He enters the beautiful land; many fall, but Edom, Moab, and Ammon's chief sons escape his hand.OASDLulusubin niya pati ang magandang lupain ng Israel, at maraming tao ang mamamatay. Ngunit makakatakas ang Edom, ang Moab at ang mga pinuno ng Amon.
42He will stretch out his hand against the lands, and the land of Egypt will not escape.OASDMaraming bansa ang kanyang lulusubin, kabilang dito ang Ehipto.
43He will rule gold and silver treasures, and all Egypt's riches, with Libyans and Cushites at his heels.OASDMapapasakanya ang mga ginto, pilak, at ang lahat ng kayamanan ng Ehipto. Sasakupin din niya ang Libya at Etiopia.
44But news from the east and north will terrify him, and he'll set out in great rage to destroy and annihilate many.OASDNgunit may mga balitang magmumula sa silangan at hilaga na babagabag sa kanya. Kaya sasalakay siya sa matinding galit, at maraming tao ang kanyang lilipulin nang lubusan.
45He will pitch his palace tents between the seas and the beautiful holy mountain, then come to his end with no helper.OASDMagtatayo siya ng maharlikang tolda sa pagitan ng dagat at ng banal na bundok. Ngunit mamamatay siya nang wala man lang tutulong sa kanya.”