Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 At that time Michael, the great prince guarding your people's children, will arise. There will be distress unmatched since nations began, until then. At that time your people—all listed in the book—will be rescued. “Sa panahong iyon, darating si Miguel, ang makapangyarihang pinuno na nagtatanggol sa iyong mga kababayan. Magiging mahirap ang kalagayan sa mga panahong iyon, at ang matinding kahirapang ito ay hindi pa nangyayari mula nang naging bansa ang Israel. Ngunit ililigtas sa paghihirap ang iyong mga kababayan na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat.
2 Many sleeping in earth's dust will wake—some to everlasting life, some to shame and everlasting contempt. Bubuhayin ang marami sa mga namatay na. Ang iba sa kanila ay tatanggap ng buhay na walang hanggan, pero ang iba ay isusumpa at ilalagay sa kahihiyang walang hanggan.
3 The wise will shine like the sky's brightness; those who turn many to righteousness, like stars, forever and ever. Ang mga taong nakakaunawa ng katotohanan at nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang matuwid ay magniningning na parang bituin sa langit magpakailanman.
4 But you, Daniel, close these words and seal the book until the end time. Many will roam back and forth, and knowledge will grow. Ngunit Daniel, isara mo muna ang aklat na ito at huwag mo munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang katapusan. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.”
5 Then I, Daniel, looked and saw two others standing, one on each bank of the river. Pagkatapos niyang sabihin iyon, akong si Daniel ay may nakita pang dalawang taong nakatayo sa magkabilang pampang ng ilog.
6 One asked the linen-clad man above the river's waters, "How long till these wonders end?" Nagtanong ang isa sa kanila sa taong nakadamit ng telang lino na nakatayo sa mataas na bahagi ng ilog, “Gaano kaya katagal bago matapos ang mga nakakamanghang pangyayaring iyon?”
7 I heard the man dressed in linen, above the river's waters, lift his right hand and left toward heaven and swear by the One who lives forever: for a time, times, and half a time; when the shattering of the holy people's power is finished, all these things will be finished. Itinaas ng taong nakadamit ng telang lino ang kanyang dalawang kamay at narinig kong sumumpa siya sa Diyos na buháy magpakailanman. Sinabi niya, “Matatapos ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng mga mamamayan ng Diyos.”
8 I heard, but didn't understand, so I said, "My lord, what is the end of these things?" Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot kaya tinanong ko siya, “Ano po ba ang kalalabasan ng mga pangyayaring iyon?”
9 He said, "Go, Daniel, for the words are shut and sealed until the time of the end. Sumagot siya, “Sige na, Daniel, hayaan mo na iyon, dahil ang sagot sa tanong moʼy mananatiling lihim at hindi maaaring sabihin hanggang sa dumating ang katapusan.
10 Many will be purified, whitened, refined; the wicked will keep doing evil. None of the wicked will understand, but the wise will understand. Marami sa mga nakakaunawa ng katotohanan ang lilinisin ang kanilang buhay, at mauunawaan nila ang mga sinasabi ko. Ngunit ang masasama ay patuloy na gagawa ng masama at hindi makakaunawa ng mga sinasabi ko.
11 From the daily sacrifice's removal and the setting up of the abomination that causes desolation: 1,290 days. “Lilipas ang 1,290 araw mula sa panahon ng pagpapatigil ng araw-araw na paghahandog at paglalagay ng kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo hanggang sa dumating ang katapusan.
12 Blessed is the one who waits and reaches the 1,335 days. Mapalad ang naghihintay at nananatili hanggang sa matapos ang 1,335 araw.
13 But you, go to the end. You will rest, then stand for your inheritance at the end of the days." “At ikaw Daniel, ipagpatuloy mo ang iyong gawain. Mamamatay ka, pero bubuhayin kang muli sa mga huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala na inihanda para sa iyo.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]