Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1-3 King Belshazzar held a great feast for 1,000 nobles, drinking wine in the presence of the 1,000. Noong si Belshazar ang hari ng Babilonia, naghanda siya ng malaking piging para sa kanyang isang libong marangal na mga bisita. Habang nag-iinuman sila, ipinakuha ni Belshazar ang mga tasang ginto at pilak na kinuha ng ama niyang si Nebucadnezar sa templo ng Diyos sa Jerusalem. Ipinakuha niya ang mga ito upang gamitin nila ng kanyang mga marangal na mga bisita, ng kanyang mga asawa, at ng iba pa niyang mga asawang alipin. Nang madala na sa kanya ang mga tasa, ginamit nila ito para inuman.
2 While tasting the wine, Belshazzar ordered in the gold and silver vessels his father Nebuchadnezzar took from Jerusalem's temple, for the king, his nobles, wives, and concubines to drink from. Not in this edition
3 Then they brought the gold vessels taken from the temple, our Father's house in Jerusalem; the king, his nobles, wives, and concubines drank from them. Not in this edition
4 They drank the wine and praised the gods of gold, silver, bronze, iron, wood, and stone. At habang silaʼy nag-iinuman, pinuri nila ang kanilang mga diyos na gawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.
5 Just then a human hand's fingers appeared and wrote on the plaster of the king's palace wall opposite the lampstand, and the king watched the hand writing. Walang anu-anoʼy may nakitang kamay ang hari na sumusulat sa dingding ng palasyo malapit sa ilawan.
6 The king's face changed color, his thoughts terrified him, his hips gave way, and his knees knocked. Dahil dito, nanginig at namutla ang hari sa tindi ng takot.
7 The king shouted for the enchanters, astrologers, and fortune-tellers, telling Babylon's wise men, "Whoever reads this writing and tells me what it means will wear purple, a gold chain on his neck, and rule third in the kingdom." Kaya sumigaw siya na ipatawag ang marurunong sa Babilonia: ang mga salamangkero, mga astrologo, at mga manghuhula. Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang makabasa ng nakasulat na iyan at makapagpaliwanag ng kahulugan ay bibihisan ko ng maharlikang damit at pasusuotan ko ng gintong kuwintas. At siyaʼy magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”
8 Then all the king's wise men came in, but none could read the writing or tell him its meaning. Lumapit ang mga marurunong upang basahin ang nakasulat sa dingding. Ngunit hindi nila kayang basahin o ipaliwanag sa hari ang kahulugan nito.
9 So King Belshazzar grew even more terrified, his face paler still, and his nobles were bewildered. Kaya lalong natakot at namutla si Haring Belshazar. Litong-lito naman ang isip ng kanyang mararangal na mga panauhin.
10 At the king's and his nobles' words, the queen entered the banquet hall, saying, "King, live forever! Don't let your thoughts terrify you or your face turn pale. Nang marinig ng reyna ang kanilang pagkakagulo, lumapit siya sa kanila at sinabi, “Mabuhay ang Mahal na Hari! Huwag kang matakot o mag-alala,
11 A man in your kingdom has the spirit of the holy gods. In your father's days he showed insight, understanding, and wisdom like the gods' wisdom. King Nebuchadnezzar your father—your father the king—made him chief of magicians, enchanters, astrologers, and fortune-tellers, dahil sa iyong kaharian ay may isang taong kinasihan ng espiritu ng mga banal na diyos. Noong panahon ng iyong amang si Haring Nebucadnezar, ang taong ito ay nagpamalas ng kanyang karunungan tulad sa karunungan ng mga diyos. Ginawa siya ng iyong ama na pinuno ng mga salamangkero, engkantador, manghuhula, at mga astrologo.
12 because extraordinary spirit, knowledge, and understanding—interpreting dreams, explaining riddles, untying knots—were found in this Daniel, whom the king named Belteshazzar. Now call Daniel; he will interpret." Siya ay si Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. May pambihira siyang kakayahan at karunungan. Marunong siyang magbigay-kahulugan sa mga panaginip, magpaliwanag ng mga bugtong, at lumutas ng mahihirap na mga problema. Kaya ipatawag mo siya at ipapaliwanag niya ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa dingding.”
13 Daniel was brought before the king, who asked, "Are you Daniel, one of the Judean exiles my father the king brought from Judah? Kaya ipinatawag si Daniel. At nang siyaʼy dumating, sinabi sa kanya ng hari, “Ikaw pala si Daniel na isa sa mga bihag na Hudyo na dinala rito ng aking ama mula sa Juda.
14 I heard the spirit of the gods is in you—light, understanding, and rare wisdom found in you. Nabalitaan kong ang espiritu ng mga diyos ay nasa iyo at mayroon kang pambihirang kakayahan at karunungan.
15 The wise men and enchanters were brought before me to read this writing and tell me its meaning, but couldn't. Ipinatawag ko na ang marurunong, pati na ang mga engkantador, upang ipabasa at ipaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa dingding, pero hindi nila ito nagawa.
16 I've heard you can interpret and untie knots. If you read this writing and tell me its meaning, you'll wear purple, a gold chain on your neck, and rule third in the kingdom." Nabalitaan kong marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari at kaya mo ring lutasin ang mabibigat na mga problema. Kung mababasa mo at maipapaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyan, pabibihisan kita ng maharlikang damit at pasusuotan ng gintong kuwintas. At gagawin kitang pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian.”
17 Daniel answered the king, "Keep your gifts; give your rewards to another. Still, I will read the king the writing and tell him its meaning. Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng regalo; ibigay nʼyo na lamang sa iba. Ngunit babasahin ko pa rin para sa inyo ang nakasulat sa pader at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito.
18 Your Majesty, the Most High our Father gave your father Nebuchadnezzar the kingdom, greatness, glory, and majesty. “Mahal na Hari, ang inyong amang si Nebucadnezar ay ginawang hari ng Kataas-taasang Diyos. Naging makapangyarihan siya at pinarangalan.
19 Because of the greatness he gave him, all peoples, nations, and languages trembled and feared before him. He killed whom he wished, let live whom he wished, raised whom he wished, humbled whom he wished. Dahil sa kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa kanya, ang mga tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika ay natakot sa kanya. Nagagawa niyang patayin ang sinumang gusto niyang patayin. At nagagawa rin niyang huwag patayin ang gusto niyang huwag patayin. Itinataas niya sa tungkulin ang gusto niyang itaas, at ibinababa niya sa tungkulin ang gusto niyang ibaba.
20 When his heart grew proud and his spirit hardened into arrogance, he was deposed from his royal throne and his glory taken away. Ngunit siya ay naging mayabang at nagmataas, kaya pinaalis siya sa kanyang tungkulin bilang hari,
21 He was driven from people, his mind made like an animal's; he lived with wild donkeys, was fed grass like an ox, and the dew of heaven soaked him—until he knew the Most High our Father rules the kingdom of men and sets over it whomever he chooses. at itinaboy mula sa mga tao. Naging isip-hayop siya. Tumira siya kasama ng mga asnong-gubat at kumain ng damo na parang baka. Palaging basa ng hamog ang kanyang katawan. Ganoon ang kanyang kalagayan hanggang kilalanin niya na ang Kataas-taasang Diyos ang siyang may kapangyarihan sa mga kaharian ng mga tao at maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin.
22 But you, Belshazzar his son, have not humbled your heart, though you knew all this. “At ikaw, Haring Belshazar na anak niya, kahit na alam mo ang lahat ng ito, hindi ka pa rin nagpakumbaba,
23 Instead, you lifted yourself against heaven's Sovereign. You had his house's vessels brought before you, and you, your nobles, wives, and concubines drank wine from them. You praised gods of silver, gold, bronze, iron, wood, and stone—gods that cannot see, hear, or know anything. But the One holding your breath in his hand, who owns all your ways—our Father—you have not honored. sa halip itinuring mong mas mataas ka kaysa sa Panginoon. Ipinakuha mo ang mga tasang mula sa templo ng Diyos at ginamit ninyong inuman ng iyong marangal na mga bisita, mga asawa, at iba pang mga asawang alipin. Maliban diyan, sumamba ka pa sa mga diyos-diyosang gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal, kahoy, at bato. Itoʼy mga diyos na hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakaunawa. Ngunit hindi mo man lang pinuri ang Diyos na siyang may hawak ng iyong buhay at nakakaalam ng iyong landas na dadaanan.
24 Therefore he sent the hand that wrote this inscription. Kaya ipinadala niya ang kamay na iyon upang isulat ang mga katagang ito.
25 This is the writing that was inscribed: MENE, MENE, TEKEL, PARSIN. “Ito ang mga katagang nakasulat sa dingding: Mene, Mene, Tekel, Parsin.
26 This is what it means: MENE—our Father counted your kingdom's days and ended it. “Ang ibig sabihin ng mga salitang ito ay: “Mene, bilang na ng Diyos ang natitirang araw ng paghahari mo at wawakasan na niya ito.
27 TEKEL—you have been weighed on the scales and found wanting. “Tekel, tinimbang ka at nalamang ikaw ay nagkulang.
28 PERES—your kingdom has been divided and given to the Medes and Persians." “Parsin, hinati ang iyong kaharian at ibibigay sa Media at Persia.”
29 Then Belshazzar gave the order, and they clothed Daniel in purple, put a gold chain on his neck, and proclaimed him third ruler in the kingdom. Pagkatapos magsalita ni Daniel, iniutos ni Haring Belshazar na bihisan si Daniel ng maharlikang damit at suotan ng gintong kuwintas. At ipinahayag ng hari na siya ay magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Babilonia.
30 That very night Belshazzar, king of the Babylonians, was killed. Nang gabi ring iyon, pinatay si Belshazar na hari ng mga taga-Babilonia.
31 And Darius the Mede received the kingdom, being about sixty-two years old. At si Dario na taga-Media ang pumalit sa kanya, na nooʼy animnapuʼt dalawang taóng gulang na.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]