Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 King Nebuchadnezzar, to all peoples, nations, and languages living throughout the earth: May your peace be multiplied. Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang isang mensahe para sa lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika sa buong mundo: “Sumainyo nawa ang mabuting kalagayan.
2 I am glad to declare the signs and wonders the Most High God has done for me. “Ikinagagalak kong ipaalam sa inyo ang mga himala at kababalaghang ginawa sa akin ng Kataas-taasang Diyos.
3 How great are his signs, and how mighty are his wonders! His kingdom is an everlasting kingdom, and his dominion is from generation to generation. Kamangha-mangha at makapangyarihan ang mga himalang ipinakita ng Diyos. Ang paghahari niya ay walang hanggan.
4 I, Nebuchadnezzar, was at ease in my house and flourishing in my palace. “Akong si Nebucadnezar ay nasa aking tahanan sa palasyo, mabuti at namuhay ako sa kasaganaan.
5 I saw a dream that frightened me; thoughts on my bed and visions in my head terrified me. Ngunit nagkaroon ako ng nakakatakot na panaginip at pangitain na bumabagabag sa akin.
6 So I ordered all Babylon's wise men brought before me to tell me the dream's meaning. Kaya iniutos ko na dalhin sa akin ang lahat ng marurunong sa Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang kahulugan ng aking panaginip.
7 Then the magicians, enchanters, Babylonians, and astrologers entered. I told them the dream, but they could not interpret it for me. Nang dumating ang mga salamangkero, manghuhula at mga astrologo, sinabi ko sa kanila ang panaginip ko, pero hindi nila maipaliwanag ang kahulugan nito.
8 Finally Daniel came before me—named Belteshazzar after my god's name, the holy gods' spirit in him—and I told him the dream. Nang bandang huli, lumapit sa akin si Daniel. (Pinangalanan siyang Beltesazar na pangalan din ng aking diyos. Nasa kanya ang espiritu ng banal na mga diyos.) Isinalaysay ko sa kanya ang aking panaginip.
9 Belteshazzar, chief magician, I know the spirit of the holy gods is in you, and no mystery baffles you—tell me the visions of my dream that I saw, and their meaning. “Sinabi ko, ‘Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong nasa iyo ang espiritu ng mga diyos at nauunawaan mo agad ang kahulugan ng mga hiwaga. Sabihin mo sa akin ang kahulugan ng mga pangitaing nakita ko sa aking panaginip.
10 The visions in my mind while in bed: I saw a tree in the middle of the earth, very tall. Ito ang mga pangitaing nakita ko habang natutulog ako: Nakita ko ang isang napakataas na punongkahoy sa gitna ng mundo.
11 The tree grew and became strong, and its top reached to heaven, and it was visible to the ends of the whole earth. Lumaki at tumaas ito hanggang sa langit kaya kitang-kita ito kahit saang bahagi ng mundo.
12 Its leaves were beautiful and its fruit abundant, and in it was food for all. Wild animals found shade under it, and the birds of the heavens lived in its branches, and all flesh was fed from it. Mayabong ang kanyang mga dahon at marami ang kanyang bunga na maaaring kainin ng lahat. Ang mga hayop ay sumisilong dito at ang mga ibon ay namumugad sa kanyang mga sanga. At dito kumukuha ng pagkain ang lahat ng nilalang.
13 In my visions in bed I saw a watcher, a holy one, coming down from heaven. “ ‘Nakita ko rin sa panaginip ang isang anghel na bumaba mula sa langit.
14 He shouted: Cut down the tree, chop its branches, strip its leaves, scatter its fruit. Let animals flee from under it, birds from its branches. Sumigaw siya, “Putulin ninyo ang punongkahoy na iyan at ang mga sanga nito. Alisin ang mga dahon nito at itapon ang mga bunga. Bugawin ninyo ang mga hayop na sumisilong at ang mga ibon na namumugad sa mga sanga nito.
15 But leave the stump of its roots in the earth, bound with a band of iron and bronze, in the grass of the field. Let him be drenched with the dew of heaven, and let his portion be with the wild animals in the grass of the earth. Ngunit hayaan ninyo ang tuod sa gitna ng kaparangan upang maging talian ng bakal at tanso.” “ ‘Ang taong sinisimbolo ng punong iyon ay laging mababasa ng hamog at kakain ng damo kasama ng mga hayop.
16 Let his human mind be taken away and a beast's mind be given to him, and let seven periods of time pass over him. Sa loob ng pitong taon ay mawawala siya sa katinuan at magiging isip-hayop.
17 The sentence is by the decree of the watchers, the decision by the word of the holy ones, so that the living may know that the Most High rules over the kingdom of men and gives it to whom he will and sets over it the lowliest of men.' “ ‘Ito ang hatol na sinabi ng anghel upang malaman ng lahat na ang Kataas-taasang Diyos ang siyang may kapangyarihan sa kaharian ng mga tao. At maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin, kahit na sa pinakaabang tao.
18 This is the dream I, King Nebuchadnezzar, saw. Tell me its meaning, Belteshazzar, for my kingdom's wise men can't explain it, but you can—the spirit of the holy gods is in you. “ ‘Akong si Nebucadnezar ay nanaginip nang ganito, Beltesazar. Sabihin mo sa akin ang kahulugan nito dahil wala ni isa man sa mga marunong sa aking kaharian ang makapagpaliwanag sa akin ng kahulugan nito. Ngunit maipapaliwanag mo ito sapagkat nasa iyo ang espiritu ng mga diyos.’
19 Then Daniel, called Belteshazzar, was stunned briefly, alarmed by his thoughts. The king said, "Belteshazzar, don't let the dream or its meaning alarm you." Belteshazzar answered, "My lord, may the dream be for your haters, its meaning for your enemies!" “Nabagabag at natakot si Daniel (na tinatawag ding Beltesazar) nang marinig niya ito. Kaya sinabi sa kanya ng hari, ‘Beltesazar, huwag kang mabagabag sa panaginip ko at sa kahulugan nito.’ “Sumagot si Beltesazar, ‘Mahal na Hari, sana po ang inyong panaginip at ang kahulugan nito ay sa inyong mga kaaway mangyari at hindi sa inyo.
20 The tree you saw grew strong, its top reaching heaven, visible to all the earth, Ang napanaginipan ninyong punongkahoy na lumaki at tumaas hanggang langit na kitang-kita sa buong mundo,
21 beautiful leaves, abundant fruit, food for all—wild animals lived beneath it, birds of the sky nested in its branches. na may mayayabong na dahon at maraming bunga na maaaring kainin ng lahat, sinisilungan ng mga hayop at pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga,
22 It is you, king—you have grown and become strong; your greatness has grown, reaching heaven, your dominion to the ends of the earth. ay walang iba kundi kayo, Mahal na Hari. Sapagkat kayo po ay naging makapangyarihan; ang kapangyarihan ninyo ay abot hanggang langit, at ang inyong nasasakupan ay umabot sa ibaʼt ibang dako ng mundo.
23 Because the king saw a watcher, a holy one, come down from heaven, saying: Cut down the tree, destroy it—but leave the stump of its roots in the ground, bound with a band of iron and bronze in the field's grass. Let him be drenched with the dew of heaven; his portion with the wild animals, until seven periods of time pass over him. “ ‘Nakita nʼyo rin, Mahal na Hari, ang isang anghel na bumaba mula sa langit na sumisigaw, “Putulin ninyo ang punongkahoy pero hayaan ninyo ang tuod nito sa lupa na natatalian ng bakal at tanso. Hayaang mabasa ng hamog at kakain kasama ng mga hayop sa gubat sa loob ng pitong taon.”
24 This is the interpretation, my king: the Most High's decree has come upon my lord the king, “ ‘Mahal na Hari, ito po ang ibig sabihin ng pangitaing niloob ng Kataas-taasang Diyos na mangyari sa inyo:
25 you'll be driven from people to live among wild animals, eating grass like oxen, drenched with the dew of heaven, until seven times pass over you and you know the Most High rules the human kingdom, giving it to whoever he chooses. Itataboy kayo at ilalayo sa mga tao at maninirahan kayong kasama ng mga hayop sa gubat. Kakain kayo ng damo tulad ng baka at palagi kayong mababasa ng hamog. Pagkatapos ng pitong taon, kikilalanin nʼyo ang Kataas-taasang Diyos na siyang may kapangyarihan sa mga kaharian ng mga tao at maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin.
26 The command to leave the stump and its roots in the ground: your kingdom will be restored to you once you know Heaven rules. Tungkol naman po sa sinabi ng anghel na hayaan lang ang tuod, ang ibig sabihin noon ay ibabalik sa inyo ang kaharian nʼyo kung kikilalanin nʼyo na ang Diyos ang siyang naghahari sa lahat.
27 So, king, accept my advice: break from your sins through righteousness, your wrongdoing through mercy to the poor, so your prosperity may continue. Kaya Mahal na Hari, pakinggan nʼyo po ang payo ko: Tigilan nʼyo na po ang inyong kasamaan, gumawa kayo ng matuwid at maging maawain sa mga dukha. Kung gagawin nʼyo po ito, baka sakaling manatili kayong sagana.’
28 All this came upon King Nebuchadnezzar. “Ang lahat ng itoʼy nangyari sa buhay ni Haring Nebucadnezar.
29 Twelve months later, he was walking on the roof of Babylon's royal palace. Pagkalipas ng isang taon habang namamasyal si Haring Nebucadnezar sa bubong ng kanyang palasyo sa Babilonia
30 The king said, "Is this not great Babylon I built as a royal house by my mighty power, for the glory of my majesty?" sinabi ng hari, ‘Talagang makapangyarihan ang Babilonia, ang itinayo kong maharlikang bayan sa pamamagitan ng aking kapangyarihan at para sa aking karangalan.’
31 The words were still in the king's mouth when a voice fell from heaven: "King Nebuchadnezzar, this is said to you: the kingdom has left you. “Hindi pa siya halos natatapos sa pagsasalita, may tinig mula sa langit na nagsabi, ‘Haring Nebucadnezar, makinig ka: Binabawi ko na sa iyo ang iyong kapangyarihan bilang hari.
32 You'll be driven from people, living with wild animals, eating grass like an ox. Seven periods will pass over you, until you know the Most High rules mankind's kingdom and gives it to whomever he wills." Itataboy ka mula sa mga tao at maninirahan kang kasama ng mga hayop sa gubat. Kakain ka ng damo na parang baka. Pagkatapos ng pitong taon ay kikilalanin mo ang Kataas-taasang Diyos na siyang may kapangyarihan sa mga kaharian ng mga tao at maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin.’
33 At once the word came true against Nebuchadnezzar: driven from people, he ate grass like cattle, his body soaked by the dew of heaven, until his hair grew like eagle feathers, his nails like bird claws. “Nangyari nga agad kay Nebucadnezar ang sinabi ng tinig. Itinaboy siya mula sa mga tao at kumain ng damo na parang baka. Palaging basa ng hamog ang kanyang katawan, at humaba ang kanyang buhok na parang balahibo ng agila at ang kanyang kuko ay parang kuko ng ibon.
34 When the days ended, I, Nebuchadnezzar, raised my eyes to heaven, and my reason returned. I blessed the Most High, praised and honored the One who lives forever, whose rule is everlasting, whose kingdom spans every generation. “Pagkatapos ng pitong taon, ako, si Nebucadnezar ay lumapit sa Diyos at nanumbalik ang matino kong pag-iisip. Kaya pinuri ko at pinarangalan ang Kataas-taasang Diyos na buhay magpakailanman. Sinabi ko, ‘Ang paghahari niya ay walang katapusan.
35 All the inhabitants of the earth are counted as nothing, and he does according to his will among the host of heaven and among the inhabitants of the earth; and no one can hold back his hand or say to him, "What have you done?" Balewala ang mga tao sa mundo kung ikukumpara sa kanya. Ginagawa niya ang nais niya sa mga anghel sa langit at sa mga tao sa lupa. Walang makakatutol o makakahadlang sa kanya.’
36 Then my sanity returned; my majesty and splendor returned for my kingdom's glory. My advisers and nobles sought me; I was restored over my kingdom, and surpassing greatness was added to me. “Nang manumbalik na ang aking katinuan, ibinalik din sa akin ang karangalan at kapangyarihan bilang hari. Muli akong tinanggap ng aking mga opisyal at mga tagapayo, at akoʼy naging mas makapangyarihan kaysa dati.
37 Now I, Nebuchadnezzar, praise, exalt, and honor Heaven's King, for all his works are right, his ways just; those walking in pride he can humble. Kaya ngayon, akong si Nebucadnezar ay pinupuri at pinararangalan ang Hari ng langit, dahil matuwid at tama ang lahat niyang ginagawa at ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]