Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 But Saul, still breathing threats and murder against the Lord's disciples, went to the high priest, Samantala, patuloy pa rin ang pagbabanta ni Saulo sa buhay ng mga alagad ng Panginoon. Pinuntahan pa niya ang punong pari
2 and asked him for letters to Damascus's synagogues, so that if he found any of the Way, men or women, he could bring them bound to Jerusalem. at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang hulihin at dalhin sa Jerusalem ang sinumang makikita niya doon na sumusunod sa Daan, lalaki man o babae.
3 As he traveled and was approaching Damascus, suddenly a light from heaven flashed around him. Nang malapit na si Saulo sa lungsod ng Damasco, bigla siyang napalibutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit.
4 He fell to the ground and heard a voice saying, "Saul, Saul, why are you persecuting me?" Natumba siya, at may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?”
5 He said, "Who are you, Lord?" And he said, "I am Jesus, whom you are persecuting. Sumagot si Saulo, “Sino po kayo, Panginoon?” Sinagot siya ng tinig, “Ako si Hesus na iyong inuusig.
6 But rise and enter the city, and you will be told what you must do." Tumayo ka at pumunta sa lungsod, at doon ay may magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”
7 The men traveling with him stood speechless, hearing the voice but seeing no one. Ang mga kasama ni Saulo na naglalakbay ay natigilan at hindi nakapagsalita. Narinig nila ang tinig, ngunit wala silang nakita.
8 Saul got up from the ground, but with eyes open he saw nothing; they led him by the hand and brought him into Damascus. Tumayo si Saulo, ngunit pagmulat niya, hindi na siya makakita. Kaya inakay na lang siya ng mga kasama niya hanggang sa Damasco.
9 He was blind for three days and neither ate nor drank. Tatlong araw siyang hindi nakakita, at hindi siya kumain o uminom.
10 A disciple named Ananias lived in Damascus. In a vision the Lord said, "Ananias." He answered, "Here I am, Lord." Doon sa Damasco ay may isang alagad na ang pangalan ay Ananias. Nagpakita sa kanya ang Panginoon sa isang pangitain at sinabi, “Ananias!” Sumagot siya, “Narito po ang inyong lingkod, Panginoon.”
11 The Lord said to him, "Get up, go to the street called Straight, and look in Judas's house for a man from Tarsus named Saul—he is praying, Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Pumunta ka sa daang tinatawag na Matuwid, at doon sa bahay ni Judas ay hanapin mo ang taong taga-Tarso na ang pangalan ay Saulo. Nananalangin siya ngayon,
12 and in a vision has seen a man named Ananias come in and place his hands on him so he may see again." at ipinakita ko sa kanya sa isang pangitain na pumasok ang isang lalaking nagngangalang Ananias sa kinaroroonan niya at ipinatong ang mga kamay sa kanya upang muli siyang makakita.”
13 Ananias replied, "Lord, many have told me about this man—the harm he's done your holy ones in Jerusalem. Subalit sumagot si Ananias, “Panginoon, marami po akong nababalitaan tungkol sa taong iyon, na pinagmamalupitan niya ang inyong mga hinirang sa Jerusalem.
14 And here he has authority from the chief priests to bind all who call on your name." Narito siya ngayon sa Damasco at binigyan siya ng mga namamahalang pari ng kapangyarihang hulihin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.”
15 But the Lord said to him, "Go, for this man is my chosen instrument to carry my name before nations, kings, and Israel's people. Ngunit sinabi ng Panginoon kay Ananias, “Pumunta ka. Sapagkat siya ang pinili kong lingkod na magpapahayag tungkol sa akin sa mga Hentil at sa kanilang mga hari, at sa mga Israelita.
16 For I will show him how much he must suffer for the sake of my name." Ipapakita ko rin sa kanya ang mga paghihirap na dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”
17 Ananias went and entered the house. He laid hands on Saul and said, "Brother Saul, the Lord Jesus—who appeared to you on the road you traveled—sent me so you may see again and be filled with the Holy Spirit." Kaya pinuntahan ni Ananias si Saulo sa naturang bahay at pumasok siya rito. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay kay Saulo at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoong Hesus na nagpakita sa iyo sa daan habang papunta ka rito ang nagsugo sa akin. Inutusan niya ako rito upang muli kang makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
18 Immediately something like scales fell from his eyes, and he could see again. He got up and was baptized, Biglang may nahulog na parang mga kaliskis ng isda mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita siyang muli. Tumayo siya at nagpabautismo.
19 and after eating, he regained his strength. For some days he was with the disciples in Damascus, At pagkatapos, kumain siya at muling lumakas. Nanatili si Saulo ng ilang araw sa Damasco kasama ng mga alagad.
20 and immediately he began proclaiming Jesus in the synagogues, that he is the Son of our Father. Agad niyang ipinangaral sa mga sinagoga na si Hesus ang Anak ng Diyos.
21 All who heard were amazed and said, "Isn't this the man who caused such havoc in Jerusalem among those calling on this name? And hasn't he come here for this: to bring them bound before the chief priests?" Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. Sinabi nila, “Hindi baʼt ito ang lalaking nagpahirap sa mga sumasampalataya kay Hesus sa Jerusalem? Hindi baʼt naparito siya para hulihin sila at dalhin sa mga namamahalang pari?”
22 But Saul grew stronger still, bewildering the Jews living in Damascus by proving this one is the Christ. Lalo pang naging makapangyarihan ang pangangaral ni Saulo. At hindi makasagot sa kanya ang mga Hudyo sa Damasco nang patunayan niyang si Hesus ang Mesias.
23 After many days had passed, the Jews plotted to kill him, Pagkalipas ng ilang araw, nagtipon ang mga Hudyo at nagplanong patayin si Saulo.
24 but Saul learned of their plot; they watched the gates day and night to kill him, Araw-gabi nilang inaabangan si Saulo sa mga pintuan ng lungsod upang patayin. Ngunit may nakapagsabi kay Saulo tungkol sa plano nila.
25 but at night his disciples lowered him through the wall in a basket. Kaya isang gabi inilagay siya ng ibang mga alagad sa malaking tiklis at ibinaba sa labas ng pader ng lungsod.
26 Arriving in Jerusalem, he tried to join the disciples, but all feared him, not believing he was a disciple. Pagdating ni Saulo sa Jerusalem, gusto niya sanang makisalamuha sa mga alagad ni Hesus, pero takot sila sa kanya. Hindi sila naniniwala na siyaʼy alagad na rin ni Hesus.
27 But Barnabas took him to the apostles and explained how Saul had seen the Lord on the road, who spoke to him, and how in Damascus he had spoken boldly in Jesus' name. Ngunit isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ikinuwento ni Bernabe sa kanila kung paano nakita ni Saulo ang Panginoong Hesus sa daan at kung ano ang sinabi ni Hesus sa kanya. At sinabi rin niya ang katapangan ni Saulo sa pangangaral tungkol kay Hesus doon sa Damasco.
28 So he was with them, moving freely about Jerusalem, speaking boldly in the name of the Lord. Kaya mula noon, kasa-kasama na nila si Saulo sa Jerusalem, at buong tapang siyang nangangaral sa ngalan ng Panginoon.
29 He spoke and debated with the Hellenists, but they were seeking to kill him. Nakipag-usap din siya at nakipagdebate sa mga Helenista, kaya pinagsikapan nilang patayin siya.
30 When the brothers learned this, they brought him down to Caesarea and sent him off to Tarsus. Nang malaman ng mga mananampalataya ang plano nila, inihatid nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.
31 So the church throughout Judea, Galilee, and Samaria had peace and was strengthened; walking in the fear of the Lord and comforted by the Holy Spirit, it multiplied in number. Pagkatapos noon, naging matiwasay ang pamumuhay ng iglesya sa buong Judea, sa Galilea, at sa Samaria. Lalo pang lumakas ang kanilang pananampalataya at namuhay silang may takot sa Panginoon. Pinalalakas ng Banal na Espiritu ang kanilang loob, kaya lalo pa silang dumami.
32 As Peter traveled among all the believers, he also went down to the holy ones living in Lydda. Samantala, sa paglalakbay ni Pedro sa ibaʼt-ibang lugar para dalawin ang mga hinirang ng Diyos, dinalaw niya rin ang mga alagad na nasa Lida.
33 There he found a man named Aeneas, bedridden for eight years, who was paralyzed. Nakilala niya roon si Eneas na isang lalaking paralisado at hindi makabangon sa kanyang higaan sa loob ng walong taon.
34 Peter said to him, "Aeneas, Jesus Christ heals you. Get up, make your bed." He got up at once. Sinabi ni Pedro sa kanya, “Eneas, pinagaling ka ni Hesu-Kristo. Kaya bumangon ka at iligpit ang iyong higaan.” Agad namang bumangon si Eneas.
35 And all who lived in Lydda and Sharon saw him, and they turned to the Lord. Nakita ng lahat ng naninirahan sa Lida at sa Saron na gumaling na si Eneas, at sumampalataya rin sila sa Panginoon.
36 In Joppa lived a disciple named Tabitha, meaning Dorcas. She was full of good works and help for the poor. Sa lungsod naman ng Jopa ay may isang babaeng mananampalataya na ang pangalan ay Tabita (na sa Griyego ay Dorcas). Marami siyang nagawang mabuti lalong-lalo na sa mga dukha.
37 In those days she got sick and died; they washed her and laid her in an upstairs room. Nagkataon noon na nagkasakit siya at namatay. Nilinis nila ang kanyang bangkay at ibinurol sa isang kuwarto sa itaas.
38 Since Lydda was near Joppa, disciples who heard Peter was there sent two men to him, urging, "Don't delay coming to us." Ang Jopa ay malapit lang sa Lida. Kaya nang mabalitaan ng mga alagad ni Hesus na si Pedro ay naroon sa Lida, inutusan nila ang dalawang tao na pakiusapan si Pedro na pumunta agad sa Jopa.
39 So Peter got up and went with them. When he arrived, they brought him to the upper room. All the widows stood beside him crying, showing the tunics and cloaks Dorcas had made while with them. Agad namang sumáma si Pedro sa kanila. Pagdating nila sa Jopa, dinala siya sa kuwarto kung saan nakaburol ang patay. May mga biyuda roon na umiiyak. Ipinakita nila kay Pedro ang mga damit na tinahi ni Dorcas noong nabubuhay pa siya.
40 Peter sent everyone out, knelt, and prayed. Turning to the body, he said, "Tabitha, get up." She opened her eyes, saw Peter, and sat up. Pinalabas silang lahat ni Pedro sa kuwarto. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin. Humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita, at pagkakita niya kay Pedro, naupo siya.
41 Giving her his hand, he raised her up. Calling the holy ones and the widows, he presented her alive. Hinawakan siya ni Pedro sa kamay at tinulungang tumayo. Pagkatapos, tinawag ni Pedro ang mga biyuda at ang iba pang mga hinirang ng Diyos doon, at ipinakita sa kanila si Tabita na buháy na.
42 And it became known throughout all Joppa, and many believed in the Lord. Ang balitang itoʼy kumalat sa buong Jopa, at marami ang sumampalataya sa Panginoon.
43 And he stayed in Joppa for many days with a man named Simon, a tanner. Nanatili pa si Pedro nang mga ilang araw sa Jopa, sa bahay ni Simon na isang tagapagbilad ng balat ng hayop.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]