Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Saul approved of Stephen's killing. That day a great persecution erupted against the Jerusalem church, scattering everyone except the apostles through Judea and Samaria. At sinang-ayunan ni Saulo ang pagpatay kay Esteban. Mula sa araw na iyon, nagsimula ang matinding pag-uusig sa iglesya sa Jerusalem. Kaya nagkawatak-watak sila sa buong lalawigan ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol na hindi umalis sa Jerusalem.
2 Devout men buried Stephen and mourned loudly over him. Inilibing si Esteban ng mga taong may takot sa Diyos, at labis nila siyang ipinagluksa.
3 But Saul was destroying the church, entering house after house, dragging off men and women, throwing them in prison. Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya. Pinasok niya ang mga bahay-bahay at kinakaladkad ang mga lalaki at mga babae, at ibinilanggo.
4 So those scattered went everywhere, proclaiming the good news of the word. Ang mga mananampalatayang nagkawatak-watak ay nangangaral ng Magandang Balita saan man sila magpunta.
5 Philip went down to the city of Samaria and proclaimed Christ to them. Isa sa kanila ay si Felipe. Pumunta siya sa isang lungsod ng Samaria at ipinahayag sa mga tao ang tungkol sa Mesias.
6 The crowds paid attention together to Philip's words, hearing and seeing the signs he did. Nagkaisa ang mga taong bigyan ng pansin ang mga sinabi ni Felipe noong narinig nila siya at nakita ang mga tandang ginawa niya.
7 Unclean spirits came out of many who were possessed, screaming loudly, and many paralyzed and lame were healed. Sapagkat lumabas ang mga masasamáng espiritu na sumisigaw pa habang papaalis sa mga taong sinapian nila. Marami ring mga paralitiko at mga lumpo ang gumaling.
8 So there was great joy in that city. Kaya masayang-masaya ang mga tao sa lungsod na iyon.
9 A man named Simon had already practiced magic in that city, amazing Samaria's people and claiming to be someone great. May isang lalaki roon na nagngangalang Simon. Isa siyang salamangkero, at matagal na niyang pinapahanga ang mga taga-Samaria sa mga ginagawa niya. Ipinagyayabang niyang isa siyang dakilang tao.
10 Everyone, from least to greatest, listened to him, saying, "This man is God's power, called Great." Ang lahat ng tao sa lungsod, mahirap man o mayaman, ay nakikinig nang mabuti sa kanya. Sinasabi nila, “Ang taong ito ang tinatawag na Dakilang Kapangyarihan ng Diyos.”
11 They paid attention to him because for a long time he had amazed them with his magic. Patuloy silang nakikinig nang mabuti sa kanya dahil matagal na niya silang pinapahanga ng kanyang salamangka.
12 But when they believed Philip's good news about the kingdom of our Father and the name of Jesus Christ, men and women were baptized. Ngunit nang mangaral si Felipe sa kanila ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at tungkol kay Hesu-Kristo, sumampalataya sila. Kaya maraming lalaki at babae ang nagpabautismo.
13 Simon himself believed, was baptized, and stayed close to Philip, amazed at the signs and great miracles he saw. Pati si Simon ay sumampalataya rin at nagpabautismo. Mula noon, palagi na siyang sumasama kay Felipe kahit saan ito pumunta. Napapahanga siya sa mga tanda at kamangha-manghang bagay na ginagawa ni Felipe.
14 When the apostles in Jerusalem heard Samaria had received our Father's word, they sent Peter and John to them. Nabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga taga-Samaria ang salita ng Diyos, kaya ipinadala nila roon sina Pedro at Juan.
15 When they arrived, they prayed for them that they might receive the Holy Spirit, Pagdating nila sa Samaria, ipinanalangin nila ang mga mananampalataya roon upang matanggap din nila ang Banal na Espiritu.
16 for the Holy Spirit had not yet fallen on any of them; they were only baptized into the name of the Lord Jesus. Sapagkat hindi pa bumababa ang Banal na Espiritu sa kanila, kahit nabautismuhan na sila sa pangalan ng Panginoong Hesus.
17 Then they laid their hands on them, and they received the Holy Spirit. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa mga mananampalatayang Samaritano, at natanggap nila ang Banal na Espiritu.
18 When Simon saw the Spirit given through the apostles' laying on of hands, he offered them money, Nang makita ni Simon na ipinagkakaloob ang Espiritu sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay ng mga apostol, inalok niya ng pera sina Pedro at Juan,
19 saying, "Give me this power too, so whoever I lay hands on receives the Holy Spirit." at sinabi, “Bigyan nʼyo rin ako ng ganyang kapangyarihan, upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay matanggap din ang Banal na Espiritu.”
20 Peter said to him, "May your silver perish with you, since you thought you could buy our Father's gift with money! Ngunit sumagot si Pedro, “Mapahamak ka sana kasama ng iyong pera! Sapagkat inaakala mong mabibili ng pera ang kaloob ng Diyos.
21 You have no part or share in this matter, for your heart is not right before our Father. Wala kang bahagi o karapatan sa gawaing ito, dahil hindi tama ang puso mo sa paningin ng Diyos.
22 So turn from this evil, and pray to our Father that, if possible, your heart's intent may be forgiven you. Kaya magsisi ka sa iyong kasamaan at manalangin ka sa Panginoon na patawarin ka sa masamang hangarin ng iyong puso.
23 I see you poisoned by bitterness and bound by evil." Sapagkat nakikita kong puno ka ng pagka-inggit at alipin ka ng kasalanan.”
24 Simon answered, "Pray to God for me, that nothing you have said may come upon me." Sinabi ni Simon, “Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon upang hindi mangyari sa akin ang sinabi ninyo.”
25 So, having testified and spoken our Lord Jesus's word, they returned to Jerusalem, preaching the good news in many Samaritan villages. Pagkatapos makapagpatotoo at maipahayag ang salita ng Panginoon, bumalik sina Pedro at Juan sa Jerusalem. Habang dumadaan sila sa mga nayon ng Samaria, ipinapangaral nila ang Magandang Balita.
26 Then an angel of our Father told Philip, "Get up and go south to the road going down from Jerusalem to Gaza"—a desert road. May isang anghel ng Panginoon na nagsabi kay Felipe, “Pumunta ka sa timog, at sundan mo ang ilang na daan mula sa Jerusalem papuntang Gaza.”
27 He got up and went. There was an Ethiopian eunuch, a court official of Candace, queen of the Ethiopians, in charge of all her treasury, who had come to Jerusalem to worship, Kaya umalis agad si Felipe. Doon sa daan, nakasalubong niya ang isang eunuko na taga-Etiopia. Ito ang ingat-yaman ng Candace, ang reyna ng Etiopia. Nagpunta ito sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos.
28 and was returning, seated in his chariot and reading the prophet Isaiah. Pauwi na ito noon at nakaupo sa kanyang karwahe habang binabasa ang aklat ni Propeta Isaias.
29 And the Holy Spirit said to Philip, "Go over and catch up with that chariot." Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka sa karwaheng ʼyon at sabayan mo.”
30 Philip ran up, heard him reading the prophet Isaiah, and asked, "Do you understand what you're reading?" Kaya patakbong lumapit sa karwahe si Felipe, at narinig niyang binabasa ng lalaki ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?”
31 He said, "How can I, unless someone guides me?" and invited Philip up to sit with him. Sumagot ang eunuko, “Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?” Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.
32 Now the passage of Scripture he was reading was this: "Like a sheep he was led to the slaughter, and like a lamb silent before its shearer, so he did not open his mouth. Ito ang bahagi ng Kasulatan na kanyang binabasa: “Siya ay tulad ng isang tupa na inaakay patungo sa katayan; Gaya ng isang munting tupa wala siyang imik habang ginugupitan ni bibig niyaʼy ayaw buksan.
33 In his humiliation justice was denied him. Who can describe his generation? For his life is taken away from the earth." Hinamak siya at hinatulan nang hindi makatarungan. Walang makapagsalita tungkol sa kanyang lahi, sapagkat ang kanyang buhay dito sa lupaʼy pinaikli.”
34 The eunuch said to Philip, "Tell me, of whom does the prophet say this—himself, or someone else?" Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Maaari mo bang sabihin sa akin kung sino ang tinutukoy ng propeta, ang kanyang sarili ba o ibang tao?”
35 Philip opened his mouth and, starting from this Scripture, told him the good news about Jesus. Kaya simula sa bahaging iyon ng Kasulatan, ipinaliwanag sa kanya ni Felipe ang Magandang Balita tungkol kay Hesus.
36 Traveling the road, they reached water, and the eunuch said, "Look, water! What stops me from being baptized?" Habang patuloy silang naglalakbay, nakarating sila sa lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Tingnan mo, may tubig dito! May dahilan pa ba upang hindi ako mabautismuhan?” [
37 Not in this edition Sumagot si Felipe, “Wala. Maaari kang bautismuhan kung sumasampalataya ka nang buong puso.” Sinabi ng eunuko, “Oo, sumasampalataya ako na si Hesu-Kristo ang Anak ng Diyos.”]
38 He ordered the chariot to stop; both went down into the water, Philip and the eunuch, and Philip baptized him. Pinahinto ng eunuko ang karwahe. Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.
39 When they came up out of the water, the Spirit of our Father snatched Philip away; the eunuch never saw him again, but went on his way rejoicing. Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha si Felipe ng Espiritu ng Panginoon at hindi na siya nakita ng opisyal. Gayunman, masaya itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.
40 Philip found himself at Azotus. He traveled through, announcing the good news in every town until he reached Caesarea. Namalayan na lang ni Felipe na siyaʼy nasa lugar na ng Azoto. Nangaral siya ng Magandang Balita sa mga bayan na dinadaanan niya hanggang makarating siya sa Cesarea.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]