Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then the high priest asked, "Are these things true?" Tinanong ng punong pari si Esteban, “Totoo ba ang mga paratang saʼyo?”
2 Stephen said, "Brothers and fathers, listen: Our Father of glory appeared to our father Abraham in Mesopotamia, before he lived in Haran, Sumagot si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan nʼyo po ako. Noong unang panahon, ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ninunong si Abraham noong siyaʼy nasa Mesopotamia pa, bago siya lumipat sa Haran.
3 and told him, 'Leave your land and relatives, and go to the land I'll show you.' Sinabi ng Diyos sa kanya, ‘Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.’ ”
4 He left the Babylonians' land and settled in Haran. After his father died, our Father moved him from there into this land you now live in. “Kaya nilisan ni Abraham ang lupain ng Caldeo at doon siya nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinapunta siya ng Diyos sa lupaing ito na tinitirhan natin ngayon.
5 He gave him no inheritance in it, not even a foot of ground—yet promised it to him and his descendants after him as a possession, though he had no child. Noong panahong iyon, wala pang ipinamana ang Diyos sa kanya kahit na kapirasong lupa. Ngunit nangako ang Diyos na ibibigay niya ang lupaing ito sa kanya at sa kanyang magiging lahi, kahit na wala pa siyang anak noon.
6 And our Father said his offspring would be foreigners in a land not their own, enslaved and mistreated 400 years. Sinabi rin ng Diyos sa kanya, ‘Maninirahan sa ibang bansa ang iyong lahi. Gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon.
7 'I will judge the nation they serve,' our Father said, 'and after, they will come out and worship me in this place.' Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, lilisanin nila ang bansang iyon at babalik sa lugar na ito, at sasambahin nila ako dito.’
8 He gave him the covenant of circumcision. Abraham fathered Isaac and circumcised him on the eighth day; Isaac fathered Jacob, and Jacob the twelve ancestors. At bilang tanda ng kanilang kasunduan, iniutos ng Diyos kay Abraham na ang lahat ng lalaki ay dapat tuliin. Kaya nang isilang ang kanyang anak na si Isaac, tinuli niya ito nang walong araw na ang sanggol. Ganito rin ang ginawa ni Isaac sa kanyang anak na si Jacob. At ginawa rin ito ni Jacob sa kanyang labindalawang anak na mga ninuno nating mga Hudyo.”
9 The ancestors, jealous of Joseph, sold him into Egypt, but our Father was with him, “Ang mga ninuno natin ay nainggit sa kapatid nilang si Jose, kaya ipinagbili siya para maging alipin sa Ehipto. Subalit kasama niya ang Diyos
10 and rescued him from all his troubles, gave him favor and wisdom before Pharaoh king of Egypt, who made him ruler over Egypt and Pharaoh's whole household. na nagliligtas sa kanya sa lahat ng paghihirap na dinanas niya. Pinagkalooban siya ng Diyos ng karunungan, kaya nalugod sa kanya ang Faraon na hari ng Ehipto. Hinirang ng Faraon si Jose na maging gobernador ng buong Ehipto at tagapamahala ng buong sambahayan niya.”
11 A famine and great suffering struck all Egypt and Canaan, and our fathers found no food. “Dumating ang panahon na nagkaroon ng taggutom sa buong Ehipto at Canaan. Hirap na hirap ang mga tao, at ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain.
12 Hearing there was grain in Egypt, Jacob sent our fathers there first. Nang mabalitaan ni Jacob na may pagkain sa Ehipto, pinapunta niya doon ang ating mga ninuno. Iyon ang una nilang pagpunta doon.
13 On the second visit, Joseph made himself known to his brothers, and Pharaoh learned of Joseph's family. Sa pangalawang beses nilang pagpunta doon, nagpakilala na si Jose sa kanyang mga kapatid, at nakilala ni Faraon ang pamilya ni Jose.
14 And Joseph sent for his father Jacob and all his relatives, seventy-five persons in all. Pagkatapos, ipinasundo ni Jose ang ama niyang si Jacob kasama ang kanyang buong pamilya. Pitumpuʼt limang katao silang lahat.
15 And Jacob went down into Egypt, and he died, he and our fathers. Kayaʼt pumunta si Jacob sa Ehipto, at doon siya namatay, pati na rin ang lahat ng kanyang mga anak na ating mga ninuno.
16 They were taken back to Shechem, and buried in the tomb Abraham had bought for silver from Hamor's sons in Shechem. Dinala ang kanilang mga labí sa Shekem at inilibing sa libingang binili ni Abraham noon sa mga anak ni Hamor.”
17 As the time of the promise our Father gave Abraham neared, the people grew and multiplied in Egypt, “Nang malapit nang matupad ang pangako ng Diyos kay Abraham, lalo pang dumami ang ating mga ninuno sa Ehipto,
18 until there arose over Egypt another king who did not know Joseph. hanggang sa nagkaroon ng bagong hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose.
19 This king exploited our people and mistreated our fathers, forcing them to abandon their infants to die. Pinagsamantalahan at pinahirapan niya ang ating lahi. Pinilit niya silang itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay.
20 At that time Moses was born, beautiful in our Father's sight. He was raised three months in his father's house. “Sa panahong iyon isinilang si Moises na isang batang kinalugdan ng Diyos. Inalagaan siya ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay sa loob ng tatlong buwan.
21 And when he was abandoned, Pharaoh's daughter adopted him and brought him up as her own son. At nang napilitan na silang iwan siya, kinuha siya ng anak na babae ng Faraon at pinalaking parang tunay niyang anak.
22 Moses was trained in all Egyptian wisdom, and was strong in speech and action. Tinuruan si Moises ng lahat ng kaalaman ng Ehipto, at naging makapangyarihan sa salita at sa gawa.
23 When he was forty years old, he decided to visit his brothers, the sons of Israel. “Noong apatnapung taon na si Moises, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita.
24 Seeing one of them wronged, he defended the oppressed man and avenged him by striking down the Egyptian. Nakita niya ang isa sa kanila na pinagmamalupitan ng isang Ehipsiyo. Ipinagtanggol niya ito, at bilang paghihiganti, pinatay niya ang Ehipsiyo.
25 He thought his brothers would understand our Father was giving them salvation through his hand, but they didn't understand. Sa ginawa niyang iyon, inakala niyang mauunawaan ng mga kapwa niya Israelita na siya ang gagamitin ng Diyos upang palayain sila. Ngunit hindi nila ito naunawaan.
26 The next day he came upon them as they were fighting and tried to reconcile them, saying, 'Men, you are brothers. Why do you wrong each other?' Kinabukasan, bumalik si Moises at nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway. Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa, kaya sinabi niya sa kanila, ‘Mga ginoo, magkalahi kayo. Bakit kayo nag-aaway?’ ”
27 But the man wronging his neighbor shoved Moses aside, saying, 'Who made you ruler and judge over us? “Ngunit itinulak siya ng lalaking nananakit sa kapwa niya at sinabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin?
28 Do you want to kill me as you killed the Egyptian yesterday?' Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?’
29 At this word, Moses fled and lived as a foreigner in the land of Midian, where he fathered two sons. Nang marinig ito ni Moises, tumakas siya at pumunta sa lupain ng Midian. Doon siya nanirahan bilang isang dayuhan at doon din isinilang ang dalawa niyang anak na lalaki.”
30 Forty years later, an angel appeared to him in the wilderness of Mount Sinai, in a burning bush's flame. “Pagkalipas ng apatnapung taon, nagpakita ang isang anghel kay Moises sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai.
31 Moses saw it and was amazed; as he approached to look closer, our Father's voice came: Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang papalapit na siya para tingnan ito, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi,
32 'I am the God of your fathers—the God of Abraham, Isaac, and Jacob.' Moses trembled, not daring to look. ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’ Nanginig si Moises sa takot at hindi na nangahas pang tumingin.”
33 Then our Father told him, 'Take the sandals off your feet, for the place you're standing on is holy ground.' “Sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay sagradong lupa.
34 I have indeed seen my people's suffering in Egypt, heard their groaning, and come down to rescue them. Now go—I'm sending you to Egypt. Nakikita ko ang mga paghihirap na dinaranas ng aking bayan sa Ehipto, at naririnig ko rin ang kanilang mga hinaing. Kaya bumaba ako upang iligtas sila. Ngayon humanda ka, dahil isusugo kita sa Ehipto.’ ”
35 This Moses, whom they rejected, saying, 'Who made you ruler and judge?'—this is the one our Father sent as both ruler and redeemer, through the hand of the angel who appeared to him in the bush. “Ito ang Moises na itinakwil noon ng mga kapwa niya Israelita na nagsabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom?’ Ngunit siya ang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagligtas ng mga Israelita sa tulong ng anghel na nakita niya sa nagliliyab na mababang punongkahoy.
36 This man led them out, doing wonders and signs in the land of Egypt, at the Red Sea, and in the wilderness for forty years. Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto. Gumawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng apatnapung taon.”
37 This is the Moses who told Israel's sons, 'Our Father will raise up a prophet like me for you, from your brothers.' “Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga sa inyo ang Diyos ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo.’
38 This is the one who was in the wilderness assembly with the angel speaking to him at Mount Sinai, and with our fathers—he received living words to give us. Si Moises din ang kasama ng ating mga ninuno sa disyerto. Siya ang namagitan sa mga tao at sa anghel na nakipag-usap sa kanya sa Bundok ng Sinai; at doon niya tinanggap ang mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin.”
39 Our fathers refused to obey him; they rejected him and in their hearts turned back to Egypt, “Subalit ayaw sumunod ng ating mga ninuno sa kanya. Sa halip, itinakwil nila siya, at gusto nilang bumalik sa Ehipto.
40 telling Aaron, 'Make us gods to go ahead of us. As for this Moses who led us out of the land of Egypt, we don't know what happened to him.' Sinabi nila kay Aaron, ‘Ilikha mo kami ng diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa Moises na ʼyan na naglabas sa amin mula sa Ehipto.’
41 They made a calf in those days, offered a sacrifice to the idol, and celebrated what their hands had made. Pagkatapos, gumawa sila ng diyos-diyosang kaanyo ng guya. Naghandog sila rito, at ipinagdiwang nila ang gawa ng sarili nilang mga kamay.
42 But our Father turned away, giving them over to worship the host of heaven, as written in the prophets' book: 'Did you bring me slaughtered animals and sacrifices for forty years in the wilderness, house of Israel? Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay ng mga alay na hayop at mga handog sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?
43 You carried Moloch's tent and your god Rephan's star, the idols you fashioned to worship them; so I will banish you far beyond Babylon.' Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda ng inyong diyos-diyosan na si Molec, at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan. Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin. Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia.’”
44 Our ancestors had the tent of witness in the wilderness, as he who spoke to Moses directed him to make it, matching the pattern he'd seen. Sinabi pa ni Esteban, “Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya.
45 Our fathers in turn brought it in with Joshua when they dispossessed the nations that our Father drove out before them. So it was until the days of David, Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David.
46 who found favor with our Father and asked to find a dwelling place for our Father. Nalugod ang Diyos kay David, at humingi si David ng pahintulot na magpatayo ng bahay para sa Diyos ni Jacob.
47 But it was Solomon who built a house for him. Ngunit hindi siya ang nagpatayo ng bahay para sa Diyos kundi si Solomon na anak niya.
48 Yet the Most High does not live in houses made by human hands, as the prophet says: “Subalit ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng propeta,
49 'Heaven is my throne, and the earth is my footstool. What kind of house will you build for me, says our Father, or what is the place of my rest? ‘Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang aking apakan. Anong uri ng bahay ang gagawin nʼyo para sa akin? sabi ng Panginoon. Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?
50 Did not my hand make all these things?' Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito?’”
51 "You stubborn people, uncircumcised in heart and ears, always resist the Holy Spirit—like your fathers, so do you. Sinabi ni Esteban, “Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa salita ng Diyos at ayaw nʼyong sumunod dito. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa mga ninuno ninyo!
52 Which of the prophets did your fathers not persecute? They killed those who announced beforehand the Righteous One's coming—whom you have now betrayed and murdered. Sino ba sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo? Pinatay pa nga nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod. At ngayong dumating na siya, kayo ang trumaydor at pumatay sa kanya.
53 You who received the law through angels and yet did not keep it." Kayo ang tumanggap ng Kautusang ibinigay ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito sinunod.”
54 Now when they heard these things they were enraged, and they ground their teeth at him. Nang marinig iyon ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila kay Esteban at nagngalit pa ang kanilang mga ngipin.
55 But Stephen, full of the Holy Spirit, looked into heaven, saw the glory of our Father, and Jesus standing at the right hand of our Father. Ngunit si Esteban ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tumingala siya sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Hesus na nakatayo sa kanan ng Diyos.
56 And he said, "Look, I see the heavens opened and the Son of Man standing at our Father's right hand." Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukas ang langit at nakatayo ang Anak ng Tao sa kanan ng Diyos!”
57 But they cried out with a loud voice, covered their ears, and rushed at him. Kaya tinakpan nila ang kanilang mga tainga habang sumisigaw nang malakas, at sabay-sabay nilang sinugod si Esteban.
58 They threw him out of the city and stoned him. The witnesses laid their coats at the feet of a young man named Saul. Kinaladkad nila siya palabas ng lungsod at pinagbabato. Samantala, hinubad ng mga saksing laban kay Esteban ang kanilang balabal at iniwan sa paanan ng isang binatang ang pangalan ay Saulo.
59 And as they were stoning him, Stephen called out, "Lord Jesus, receive my spirit." Habang binabato nila si Esteban, nananalangin siya, “Panginoong Hesus, tanggapin nʼyo po ang aking espiritu.”
60 Kneeling, he cried out loudly, "Lord, do not hold this sin against them." Then he fell asleep. Pagkatapos, lumuhod siya at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag nʼyo po silang papanagutin sa kasalanang ito!” At pagkasabi nitoʼy namatay siya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]