Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In those days, as the disciples multiplied, the Greek-speaking Jews grumbled against the Hebrews because their widows were overlooked in the daily distribution of food. Nang mga panahong iyon, dumarami na ang mga alagad ni Hesus. Nagreklamo ang mga Hudyong nagsasalita ng Griyego laban sa mga Hudyong nagsasalita ng Hebreo. Itoʼy sa dahilang napapabayaan ang pang-araw-araw na rasyon para sa mga biyuda sa pangkat nila.
2 So the Twelve called all the disciples together and said, "It's not right for us to neglect our Father's word to serve tables. Kaya ipinatawag ng labindalawang apostol ang lahat ng alagad, at sinabihan sila, “Hindi tamang pabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mamahala ng mga rasyon.
3 So, brothers, pick seven men among you, well-respected, full of the Holy Spirit and wisdom, whom we'll appoint to this task. Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malilinis na pangalan, puspos ng Espiritu at karunungan. Sa kanila namin ibibigay ang tungkuling ito.
4 But we will devote ourselves to prayer and to the ministry of the word." At ilalaan naman namin ang aming oras sa pananalangin at sa pangangaral ng salita ng Diyos.”
5 The whole assembly approved, and chose Stephen—full of faith and the Holy Spirit—along with Philip, Prochorus, Nicanor, Timon, Parmenas, and Nicolaus, a convert from Antioch. Sumang-ayon ang lahat ng mga alagad sa sinabi ng mga apostol. Kaya pinili nila si Esteban na puno ng pananampalataya at puspos ng Banal na Espiritu, sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia. Si Nicolas ay isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo.
6 They presented these men to the apostles, who prayed and laid their hands on them. Dinala nila ang mga napiling ito sa mga apostol. Silaʼy ipinanalangin ng mga ito at pinatungan ng kamay bilang pagtatalaga sa tungkulin.
7 The word of our Father spread, and disciples in Jerusalem multiplied greatly; a great number of priests became obedient to the faith. Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at mabilis na dumami ang mga naging alagad sa Jerusalem, at maraming paring Hudyo ang sumampalataya sa kanya.
8 Now Stephen, full of grace and power, was performing great wonders and signs among the people. Si Esteban, na puno ng biyaya at kapangyarihang mula sa Diyos, ay gumawa ng mga kamangha-manghang himala at tanda sa harap ng mga tao.
9 Some from the so-called Synagogue of the Freedmen—Cyrenians, Alexandrians, and men from Cilicia and Asia—rose up to argue with Stephen. Subalit nakipagtalo sa kanya ang ilan sa mga Hudyong mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia na kasapi sa Sinagoga ng mga Pinalayang Alipin.
10 Yet they could not stand up against the wisdom and the Spirit with which he was speaking. Ngunit hindi nila siya kayang talunin dahil sa karunungang kaloob sa kanya ng Espiritu.
11 Then they secretly instructed men to say, "We heard him speak blasphemous words against Moses and God." Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin siyang nagsasalita ng kalapastanganan laban kay Moises at sa Diyos.”
12 They stirred up the people, elders, and scribes; came upon him, seized him, and brought him before the council. Sa ganitong paraan, naudyukan nilang magalit ang mga tao, ang mga pinuno ng mga Hudyo, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Dinakip nila si Esteban at iniharap sa Sanhedrin.
13 They brought in false witnesses, saying, "This man never stops speaking against this holy place and the law. Mayroon din silang iniharap na mga bulaang saksi na nagsabi, “Ang taong ito ay palaging nagsasalita laban sa ating banal na Templo at sa Kautusan.
14 For we heard him say this Jesus of Nazareth will destroy this place and change the customs Moses handed down to us." Narinig naming sinabi niya na gigibain nitong si Hesus na taga-Nazaret ang ating Templo at babaguhin niya ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.”
15 Everyone sitting in the council stared at him and saw his face was like an angel's face. Tinitigan si Esteban ng lahat ng miyembro ng Sanhedrin, at nakita nilang nagliliwanag ang kanyang mukha katulad ng sa anghel.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]