Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now a man named Ananias, together with his wife Sapphira, sold a piece of property. May isang lalaki namang nagngangalang Ananias, kasama ang kanyang asawang si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian.
2 He kept back part of the proceeds for himself, with his wife aware, and brought only a portion, laying it at the apostles' feet. Ngunit nagtago siya ng ilang bahagi ng pinagbilhan at sinang-ayunan naman ito ng kanyang asawa. Pagkatapos, dinala niya ang natirang halaga at ibinigay niya sa mga apostol.
3 But Peter said, "Ananias, why has Satan filled your heart to lie to the Holy Spirit and keep back part of the land's price? Nagtanong si Pedro, “Ananias, bakit ka nagpalinlang kay Satanas? Nagsinungaling ka sa Banal na Espiritu at itinago mo ang ilang bahagi ng pinagbilhan ng lupa ninyo.
4 Wasn't it yours while unsold? After selling, wasn't the money yours to control? Why did you plan this in your heart? You didn't lie to people, but to our Father." Hindi baʼt ikaw ang may-ari ng lupa bago mo ʼyon ipinagbili? At nang maipagbili na, hindi baʼt ikaw rin ang magpapasya kung ano ang gagawin mo sa pera? Paano mo nagawang magbalak ng ganito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos!”
5-6 Hearing these words, Ananias fell down and died; great fear seized all who heard. Nang marinig iyon ni Ananias, natumba siya at namatay. Lumapit ang mga binata at binalot ang bangkay. Pagkatapos, binuhat ito palabas at inilibing. At ang lahat ng nakarinig sa pangyayaring iyon ay lubhang natakot.
6 Then the young men rose, wrapped up his body, carried him out, and buried him. Not in this edition
7 About three hours later his wife came in, not knowing what had happened. Pagkaraan ng mga tatlong oras, pumasok ang asawa ni Ananias. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari sa asawa niya.
8 Peter asked her, "Tell me, did you sell the land for this much?" She said, "Yes, for that much." Tinanong siya ni Pedro, “Sabihin mo sa akin, ito ba ang halaga ng lupang ibinenta ninyo?” Sumagot si Safira, “Oo, iyan nga ang halaga.”
9 Then Peter said to her, "Why did you conspire to test the Spirit of our Father? Look, the feet of those who buried your husband are at the door, and they'll carry you out too." Kaya sinabi ni Pedro sa kanya, “Paano nʼyo napagkasunduang subukin ang Espiritu ng Panginoon? Nandiyan na ngayon sa pintuan ang mga binatang naglibing sa asawa mo, at bubuhatin ka na rin nila palabas.”
10 At once she fell at his feet and died. The young men came in, found her dead, carried her out, and buried her beside her husband. Noon din ay natumba si Safira sa harapan ni Pedro at namatay. Pumasok ang mga binata, at nang makitang patay na si Safira, binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kanyang asawa.
11 And great fear came upon the whole church and upon all who heard of these things. Dahil sa mga pangyayaring iyon, matinding takot ang bumalot sa buong iglesya at sa lahat ng nakabalita nito.
12 Many signs and wonders happened among the people through the apostles' hands. They all gathered together in Solomon's Portico. Maraming tanda at kababalaghang ginawa ang mga apostol sa kalagitnaan ng mga tao. At ang lahat ng mga mananampalataya ay laging nagtitipon sa Balkonahe ni Solomon.
13 None of the rest dared to join them, but the people held them in high honor. Ngunit, wala nang iba pang nangahas na sumáma sa kanila kahit mataas ang pagtingin sa kanila ng mga tao.
14 Even more believers were added to the Lord—crowds of men and women, Gayunmaʼy lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga lalaki at babaeng sumasampalataya sa Panginoon.
15 so they even carried the sick into the streets and put them on cots and mats, hoping that at least Peter's shadow might fall on some of them as he passed. Dahil sa mga himalang ginawa ng mga apostol, dinala ng mga tao ang mga maysakit sa lansangan. Inilagay nila ang mga ito sa mga higaan at banig, upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lang ng anino niya ang ilan sa kanila.
16 Crowds also came from towns around Jerusalem, bringing the sick and those tormented by unclean spirits, and all were healed. Bukod pa rito, marami ring mga tao mula sa mga karatig-nayon ang dumating sa Jerusalem dala ang mga maysakit at mga taong pinahihirapan ng masasamáng espiritu. At gumaling silang lahat.
17 The high priest rose up, and all with him, the Sadducee party, and they were filled with jealousy. Labis na nainggit ang punong pari at ang kanyang mga kasamahang miyembro ng grupong Saduceo.
18 They arrested the apostles and put them in the public prison. Kaya dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo.
19 But at night an angel of our Father opened the prison doors, led them out, and said, Ngunit kinagabihan, binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at pinalabas sila. Sinabi niya sa kanila,
20 "Go, stand in the temple and speak to the people all the words of this Life." “Pumunta kayo sa templo at sabihin ninyo sa mga tao ang mensaheng ito na nakapagbibigay-buhay.”
21 Hearing this, they went into the temple at dawn and began teaching. When the high priest and those with him arrived, they convened the council—the full assembly of elders of Israel—and sent to the jail to have them brought. Nakinig sila sa anghel, kaya pagsikat ng araw, pumasok sila sa Templo at nagsimulang magturo sa mga tao. Samantala, dumating ang punong pari at mga kasamahan niya at ipinatawag nila ang Sanhedrin: ang buong kapulungan ng mga pinuno ng Israel. May mga inutusan silang pumunta sa bilangguan para kunin ang mga apostol at dalhin sa kanila.
22 But the guards found no one there when they arrived; they returned and reported, Ngunit pagdating ng mga guwardiya ng Templo doon sa bilangguan, wala na roon ang mga apostol. Kaya bumalik sila kung saan naroon ang Sanhedrin at sinabi,
23 "We found the prison locked tight, guards standing at the doors, but opening them, found no one inside." “Pagdating namin sa bilangguan, nadatnan naming nakakandado pa ang mga pintuan, at nakabantay doon ang mga guwardiya. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob.”
24 Hearing this, the temple guard captain and chief priests were baffled, wondering where it would lead. Nang marinig ito ng kapitan ng mga guwardiya sa Templo at ng mga namamahalang pari, naguluhan sila at hindi maubos-maisip kung ano ang kahahantungan nito.
25 Someone came and reported, "Look, the men you jailed are standing in the temple teaching the people!" Siya namang pagdating ng isang taong nagbalita ng ganito, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.”
26 Then the captain and officers went and brought them, without force, fearing the people would stone them. Agad na pumunta sa templo ang kapitan ng mga guwardiya at ang kanyang mga tauhan. Dinakip nila ang mga apostol pero hindi sila gumamit ng dahas dahil natatakot silang batuhin ng mga tao.
27 When they had brought them, they set them before the council. And the high priest questioned them, Dinala nila ang mga apostol at iniharap sa Sanhedrin. Tinanong sila ng punong pari,
28 saying, "We strictly ordered you not to teach in this name, yet you've filled Jerusalem with your teaching and intend to bring this man's blood on us." “Hindi baʼt pinagbawalan na namin kayong magturo tungkol sa pangalang ito? Ngunit tingnan ninyo ang ginawa nʼyo! Kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem, at kami pa ang pinagbibintangan ninyong pumatay sa kanya!”
29 But Peter and the apostles answered, "We must obey our Father rather than men. Sumagot si Pedro at ang ibang apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.
30 The God of our fathers raised Jesus, whom you killed by hanging him on a tree. Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na ipinapatay ninyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus.
31 Our Father exalted him to his own right hand as Ruler and Savior, to give Israel repentance and forgiveness of sins. Itinaas ng Diyos si Hesus, at iniluklok sa kanyang kanan bilang Pinuno at Tagapagligtas, upang tayong mga Israelita ay mabigyan ng pagkakataong magsisi at talikuran ang ating mga kasalanan, at mapatawad.
32 We are witnesses of these things, and so is the Holy Spirit, whom our Father gave to those who obey him." Saksi kami na ang lahat ng ito ay totoo, at ganoon din ang Banal na Espiritu na ibinigay ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa kanya.”
33 When they heard this, they were enraged and wanted to kill them. Nang marinig ito ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila at binalak nilang patayin ang mga apostol.
34 But a Pharisee named Gamaliel, a law teacher honored by all the people, stood up in the council and ordered the men taken outside briefly. Ngunit tumayo ang isa sa kanila na nagngangalang Gamaliel, isang Pariseo at tagapagturo ng Kautusan na iginagalang ng lahat. Ipinag-utos niya na ilabas muna ang mga apostol.
35 He told them, "Israelites, think carefully about what you're about to do with these men. Pagkatapos, sinabi ni Gamaliel sa Sanhedrin, “Mga kababayan kong Israelita, pag-isipan ninyong mabuti ang binabalak ninyong gawin sa mga taong iyan.
36 Before this, Theudas appeared, claiming to be somebody; about 400 men followed him. He was killed, his followers all scattered, and it came to nothing. Sapagkat noong araw ay may isang taong ang pangalan ay Teudas na nagpanggap na isang importanteng tao. Mga 400 katao ang naging alagad niya. Ngunit sa bandang huli, pinatay siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak, at walang kinahinatnan ang grupo niya.
37 After him, Judas the Galilean rose up during the census and drew people away after him. He too died, and all who followed him were scattered. Pagkatapos, noong panahon ng sensus, si Judas naman na taga-Galilea ang nakahikayat ng mga alagad. Ngunit pinatay din siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak.
38 Now I tell you: stay away from these men and leave them alone. If this plan or work is from men, it will fail. Kaya ito ang masasabi ko sa inyo: Pabayaan na lang ninyo ang mga taong ito, at huwag na silang pakialaman. Sapagkat kung ang mga binabalak at ginagawa nila ay galing lamang sa tao, hindi rin ito magtatagumpay.
39 But if it's from our Father, you won't be able to overthrow them; you might even find yourselves fighting our Father." So they were persuaded by him. Ngunit kung galing ito sa Diyos, hindi ninyo sila mapipigilan. Baka lumabas pa na ang Diyos na mismo ang inyong kinakalaban.”
40 Persuaded by him, they called in the apostles, beat them, ordered them not to speak in the name of Jesus, and released them. Kaya sinunod ng mga kasamahan ni Gamaliel ang kanyang payo. Ipinatawag nilang muli ang mga apostol at ipinahagupit. Pagkatapos, binalaan sila na huwag nang magturo pa tungkol kay Hesus, at pinalaya sila.
41 So they left the council, rejoicing they'd been counted worthy to be shamed for the name. Umalis doon ang mga apostol na masayang-masaya, dahil binigyan sila ng Diyos ng pagkakataon na dumanas ng kahihiyan alang-alang sa pangalan ni Hesus.
42 Every day, in the temple and house to house, they never stopped teaching and proclaiming the good news: the Christ is Jesus. Araw-araw, sa Templo at sa mga bahay-bahay, patuloy silang nagtuturo at nangangaral ng Magandang Balita na si Hesus ang Mesias.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]