Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 While Peter and John were speaking to the people, the priests, the temple captain, and the Sadducees came up to them, Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga tao, nilapitan sila ng mga pari, ng kapitan ng mga guwardiya sa Templo, at ng mga Saduceo.
2 greatly annoyed because they were teaching the people and proclaiming the resurrection from the dead in Jesus. Lubhang nayamot ang mga ito dahil nangangaral ang dalawa na muling nabuhay si Hesus, at itoʼy nagpapatunay na muling mabubuhay ang mga patay.
3 They arrested them and put them in custody until the next day, since it was already evening. Kaya dinakip nila sina Pedro at Juan, at dahil gabi na, ikinulong muna sila pansamantala hanggang mag-umaga.
4 But many who heard the message believed, and the men's number reached about 5,000. Gayunman, marami sa mga nakarinig ng kanilang ipinangaral ang sumampalataya. Umabot sa limang libo ang bilang ng mga sumampalatayang lalaki.
5 The next day their rulers, elders, and teachers of the law gathered together in Jerusalem, Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at mga tagapagturo ng Kautusan.
6 with Annas the high priest, Caiaphas, John, Alexander, and all who were of the high-priestly family. Naroon si Anas na punong pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang iba pang kamag-anak ng punong pari.
7 They stood them in the middle and asked, "By what power or by what name did you do this?" Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at inusisa nila ang mga ito, “Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginawa ang bagay na ito?”
8 Then Peter, filled with the Holy Spirit, said to them, "Rulers of the people and elders, Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay sumagot, “Kayong mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo,
9 if we're questioned today about a good deed to a sick man, how he was healed. tinatanong ba ninyo kami dahil sa kabutihang ginawa namin sa lalaking lumpo? Nais nʼyo bang malaman kung paano siya gumaling?
10 Know this, all of you and all Israel's people: by the name of Jesus Christ of Nazareth, whom you crucified, whom our Father raised from the dead—by him this man stands before you well. Nais kong ipaalam sa inyong lahat at sa buong sambayanang Israel, na ang taong ito ay pinagaling sa pamamagitan ng pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos.
11 This Jesus is "the stone you builders rejected, which has become the cornerstone." Siya, ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ang siyang naging batong-panulukan.’
12 Salvation is in no one else; no other name under heaven is given among people by which we must be saved." Walang sinuman ang makapagliligtas sa atin kundi siya lang, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayoʼy maligtas.”
13 Seeing Peter and John's boldness, and realizing they were uneducated, ordinary men, they were amazed and recognized they had been with Jesus. Namangha ang mga miyembro ng Sanhedrin sa lakas ng loob nina Pedro at Juan, lalo na nang malaman nila na mga karaniwang tao lamang sila at hindi mataas ang pinag-aralan. At nabatid nilang silaʼy mga kasamahan ni Hesus noon.
14 Seeing the healed man standing with them, they had nothing to say against it. Wala na silang masabi pa laban kina Pedro at Juan, dahil ang taong pinagaling ay nakatayo mismo sa tabi ng dalawa.
15 So they ordered them to leave the council, and then they conferred among themselves, Kaya pinalabas muna nila sina Pedro at Juan sa kanilang pinagtitipunan at nag-usap-usap sila.
16 saying, "What should we do with these men? A notable sign has happened through them, plain to all who live in Jerusalem, and we cannot deny it. Sinabi nila, “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito? Sapagkat kumalat na ang balita sa buong Jerusalem na nakagawa sila ng himala, at hindi na natin ito maitatanggi.
17 But to stop this from spreading further among the people, let's warn them to speak to no one in this name again." Ngunit upang hindi na kumalat ang ipinapangaral nila sa mga tao, pagbawalan natin silang magsalita kaninuman tungkol sa pangalang ito.”
18 They called them and ordered them not to speak or teach at all in Jesus' name. Ipinatawag nila sina Pedro at Juan at sinabihang huwag nang magsalita o magturo tungkol kay Hesus.
19 Peter and John answered them, "You judge whether it's right before our Father to listen to you rather than to him. Ngunit sumagot sina Pedro at Juan, “Alin sa palagay ninyo ang tama sa paningin ng Diyos, ang sundin kayo o ang sundin siya? Kayo ang humusga!
20 For we cannot help speaking about what we have seen and heard." Ngunit kami, hindi namin kayang tumigil sa pagpapahayag tungkol sa aming nakita at narinig.”
21 After more threats, they released them, finding no way to punish them because of the people, since all were glorifying our Father for what happened. Kaya lalo pa silang pinagbawalan nang mahigpit bago sila pinakawalan. Hindi sila magawang parusahan sapagkat lahat ng mga tao dooʼy nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyaring himala,
22 For the man who had received this sign of healing was over forty years old. ang pagpapagaling sa lalaking lumpo na mahigit nang apatnapung taóng gulang.
23 Once released, they went to their own people and reported all the chief priests and elders had said to them. Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita kung ano ang sinabi sa kanila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo.
24 Hearing this, they raised their voices together to our Father and said, "Sovereign Father, you made heaven, earth, sea, and everything in them. Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng nasa mga ito,
25 You spoke by the Holy Spirit through the mouth of our father David, your servant: "Why did the nations rage and the peoples plot in vain?" nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan?
26 The kings of the earth took their stand, and the rulers gathered together against our Father and against his Anointed." Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.’
27 For truly, in this city, Herod and Pontius Pilate gathered with the Gentiles and peoples of Israel against your holy servant Jesus, whom you anointed, Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang.
28 to do whatever your hand and your plan had decided beforehand should happen. Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.
29 Now, Father, see their threats, and let your servants speak your word with all boldness, At ngayon, Panginoon, tingnan nʼyo po kung paano nila kami pagbantaan. Tulungan nʼyo po kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita.
30 as you reach out your hand to heal, and signs and wonders occur through the name of your holy servant Jesus. Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan na magpagaling at gumawa ng mga tanda at kababalaghan sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Hesus.”
31 After they prayed, the place they were gathered in shook; all were filled with the Holy Spirit and spoke the word of our Father boldly. Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.
32 All the believers were one in heart and soul; no one called any possession their own, but held everything in common. Nagkaisa ang mga mananampalataya sa damdamin at isipan. Itinuring ng bawat isa na ang kanilang mga ari-arian ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa lahat.
33 With great power the apostles testified to the Lord Jesus's resurrection, and great grace rested on them all. Nagpatotoo nang may kapangyarihan ang mga apostol na ang Panginoong Hesus ay muling nabuhay. At sumakanilang lahat ang dakilang biyaya ng Diyos.
34 No one among them was needy: all who owned land or houses sold them and brought the price of what was sold, Wala ni isa sa kanila ang kinakapos, dahil ipinagbibili ng mga may lupa o bahay ang kani-kanilang ari-arian,
35 and laid it at the apostles' feet, and it was distributed to each according to their need. at ang pinagbilhan ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol upang ipamahagi sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.
36 Joseph, a Levite from Cyprus, whom the apostles called Barnabas (which means Son of Encouragement), Ganoon din ang ginawa ni Jose na isang Levitang ipinanganak sa Cyprus. Tinatawag siya ng mga apostol na Bernabe (na ang ibig sabihin ay “Tagapagpalakas ng Loob”).
37 sold a field he owned, brought the money, and laid it at the apostles' feet. Ipinagbili ni Jose ang kanyang lupa at ibinigay ang pera sa mga apostol.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]