Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Peter and John were going up to the temple at around three in the afternoon, the hour of prayer. Isang araw, bandang alas tres ng hapon, pumunta sina Pedro at Juan sa Templo. Oras noon ng pananalangin.
2 A man lame from birth was carried and placed daily at the temple gate called Beautiful, to beg from those entering the temple. Samantala, may isang lalaking lumpo mula pagkasilang ang buhat-buhat papuntang Templo. Araw-araw siyang dinadala sa pintuang tinatawag na Maganda, para makapanglimos sa mga taong pumapasok sa Templo.
3 Seeing Peter and John about to go into the temple, he asked them for money. Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasók, humingi siya ng limos.
4 And Peter, gazing at him with John, said, "Look at us." Tinitigan siya nina Pedro at Juan. Pagkatapos, sinabi ni Pedro sa kanya, “Tumingin ka sa amin.”
5 And he fixed his attention on them, expecting to receive something from them. Tumingin ang lalaki sa kanila na naghihintay na malimusan.
6 Peter said, "I own no silver or gold, but I give you what I have: in the name of Jesus Christ of Nazareth, rise and walk." Ngunit sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala ako ni isang kusing. Ngunit ibibigay ko saʼyo kung anoʼng mayroon ako. Sa pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad!”
7 Taking his right hand, he raised him up; instantly his feet and ankles grew strong. At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito upang tulungang tumayo. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong.
8 Jumping up, he stood, began walking, and entered the temple with them, walking, jumping, and praising our Father. Palukso siyang tumayo at nagsimulang maglakad-lakad. Pagkatapos, pumasok siya sa Templo kasama nina Pedro at Juan habang palakad-lakad at patalon-talon na nagpupuri sa Diyos.
9 And all the people saw him walking and praising our Father. Nakita siya ng lahat ng tao roon na naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
10 They recognized him as the beggar who sat at the temple's Beautiful Gate, and were filled with wonder and amazement at what had happened to him. Nang mapansin nila na siya pala iyong palaging nakaupo at namamalimos doon sa pintuan ng Templo na tinatawag na Maganda, lubos silang namangha.
11 As he held on to Peter and John, all the people ran to them at the portico called Solomon's, utterly astonished. Samantala, habang nakakapit ang lalaking iyon kina Pedro at Juan, nagtakbuhan ang mga tao palapit sa kanila sa bahagi ng Templo na tinatawag na Balkonahe ni Solomon dahil manghang-mangha sila.
12 Seeing this, Peter said to the people, "Israelites, why does this amaze you? Why stare at us, as if by our own power or godliness we made him walk? Pagkakita ni Pedro sa mga tao, sinabi niya sa kanila, “Mga kapwa ko Israelita, bakit kayo namamangha sa pangyayaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan na para bang napalakad namin ang taong ito dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan?
13 The God of Abraham, Isaac, and Jacob, the God of our fathers, glorified his servant Jesus, whom you handed over and denied before Pilate, when Pilate decided to release him. Ang Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob ang siyang gumawa nito upang luwalhatiin ang kanyang lingkod na si Hesus. Ang Hesus na ito ang isinakdal at itinakwil ninyo sa harapan ni Pilato, kahit napagpasyahan na niyang pakawalan siya.
14 But you denied the Holy and Righteous One, asking that a murderer be given to you. Siya ang Banal at Matuwid, ngunit itinakwil ninyo siya, at sa halip mas pinili pa ninyong hilingin na pakawalan ang isang mamamatay-tao.
15 You killed the Author of life; our Father raised him from the dead. To this we are witnesses. Pinatay nʼyo ang nagbibigay ng buhay, ngunit binuhay siyang muli ng Diyos. Kami ay saksi sa muli niyang pagkabuhay.
16 His name, through faith in his name, has made this man strong—the very man you see and know. And faith in Jesus has given him this complete health right before your eyes. Ang pananampalataya sa pangalan ni Hesus ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong nakikita at nakikilala. Kayo rin ay mga saksi na gumaling siya. Ang pananampalataya kay Hesus ang nagpagaling sa kanya nang ganap gaya ng nakikita ninyo ngayon.
17 "And now, brothers, I know that you acted in ignorance, as did also your rulers. “Mga kapatid, alam kong ginawa ninyo iyon kay Hesus dahil hindi nʼyo alam kung sino talaga siya, gayundin ang inyong mga pinuno.
18 But our Father fulfilled what he predicted through all the prophets: his Christ would suffer. Ngunit sa ganitong paraan, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta, na ang Mesias ay kinakailangang magdusa.
19 Repent, then, and turn back, so your sins are wiped out, Kaya ngayon, magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin niya ang inyong mga kasalanan.
20 that times of refreshing may come from our Father's presence, and that he may send the Christ appointed for you, Jesus, Kapag ginawa ninyo ito, mararanasan ninyo ang panahon ng kaginhawahang mula sa Panginoon, at isusugo niya si Hesus, ang Mesias na itinalaga niya noon para sa inyo.
21 whom heaven must receive until all things are restored, about which our Father spoke through his holy prophets long ago. Ngunit kinakailangang manatili muna si Hesus sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay. Iyan ang ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.
22 Moses said, 'Your Father will raise up a prophet like me for you, from your brothers. Listen to him in everything he tells you.' Katulad ng sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon na inyong Diyos ay magpapadala sa inyo ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo. Makinig kayo sa lahat ng sasabihin niya.
23 Anyone who does not listen to that prophet will be utterly destroyed from among the people.' Ang taong hindi nakikinig sa sinasabi ng propetang ito ay tuluyang ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’
24 All the prophets who spoke, from Samuel onward, also announced these days. “Ang lahat ng mga propeta – simula kay Samuel at ang mga sumunod sa kanya – ay nagpahayag din tungkol sa mga bagay na nangyayari ngayon.
25 You are the sons of the prophets and of the covenant our Father made with your fathers, telling Abraham, 'By your offspring all the families of the earth will be blessed.' Kayo ay mula sa lahi ng mga propeta, at kabilang kayo sa kasunduang ginawa ng Diyos sa inyong mga ninuno, noong sinabi niya kay Abraham, ‘Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.’
26 Our Father raised up his servant and sent him to you first, to bless you by turning each of you from your evil." Nang muling binuhay ng Diyos ang kanyang lingkod, sa inyo niya ito unang isinugo, upang pagpalain kayoʼt talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]