Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When the day of Pentecost arrived, they were all together in one place. Pagdating ng araw ng pista ng Pentecostes, nagtipon ang lahat ng mananampalataya sa isang bahay.
2 Suddenly a sound like a violent, rushing wind came from heaven and filled the entire house where they sat. Habang nagtitipon sila, bigla na lang silang nakarinig ng ugong na mula sa langit, na katulad ng malakas na hangin. At napuno nito ang buong bahay na kanilang kinaroroonan.
3 What looked like divided tongues of fire appeared and rested on each one of them. Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila.
4 All were filled with the Holy Spirit and began speaking in other tongues, as the Spirit gave them words to say. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wika ayon sa kakayahang ibinigay sa kanila ng Espiritu.
5 At that time devout Jews from every nation under heaven were living in Jerusalem. Nang panahon ding iyon, doon sa Jerusalem ay may mga relihiyosong Hudyo na nanggaling sa ibaʼt ibang bansa sa buong mundo.
6 When this sound rang out, a crowd gathered, confused, since each one heard them speak in his own language. Pagkarinig nila sa ugong na iyon, nagmadali silang pumunta sa pinagtitipunan ng mga mananampalataya. Namangha sila dahil narinig nila ang kani-kanilang wika na sinasalita ng mga mananampalataya.
7 They were amazed and astonished, saying, "Are not all these who are speaking Galileans? Sinabi nila, “Aba, hindi baʼt mga taga-Galilea silang lahat?
8 How is it, then, that each of us hears them in our own native language? Bakit sila nakakapagsalita ng sarili nating wika?
9 Parthians, Medes, and Elamites; those who live in Mesopotamia, Judea and Cappadocia, Pontus and Asia, Ang iba sa atin ay taga-Partia, Media at Elam. Mayroon ding mga taga-Mesopotamia, Judea, Capadocia, Ponto at Asia.
10 Phrygia, Pamphylia, Egypt, the parts of Libya near Cyrene; visitors from Rome, Jews and converts to Judaism; Ang iba ay taga-Frigia, Pamfilia, Ehipto, at mula sa mga lugar na sakop ng Libya na malapit sa Cirene. Mayroon ding mga taga-Roma
11 Cretans and Arabs—we hear them telling in our own tongues the mighty works of our Father!" (mga Hudyo at mga Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo). At ang iba ay mula sa Creta at Arabia. Ngunit naririnig natin sila na nagsasalita sa mga wika natin tungkol sa mga kamangha-manghang ginawa ng Diyos!”
12 They were all amazed and perplexed, saying to one another, "What does this mean?" Manghang-mangha silang lahat at hindi nila maunawaan ang mga pangyayari. Kaya tinanong nila ang isaʼt isa, “Anong ibig sabihin nito?”
13 But others mocked and said, "They are full of sweet wine." Ngunit may ilang nanuya sa kanila at sinabing, “Lasing lang sa bagong alak ang mga iyan!”
14 But Peter stood with the eleven, raised his voice, and declared to them: "Men of Judea, everyone living in Jerusalem—know this and listen carefully to my words. Kaya tumayo si Pedro kasama ang Labing-isa, at nagsalita nang malakas sa mga taong nandoon, “Mga kababayan kong mga Hudyo, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, makinig kayong mabuti sa akin, dahil ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito.
15 These people are not drunk, as you suppose, for it is only nine o'clock in the morning. Hindi lasing ang mga taong ito gaya ng inaakala ninyo, dahil alas nuwebe pa lang ng umaga.
16 No, this is what was spoken through the prophet Joel: Ang pangyayaring itoʼy katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel noon:
17 'And in the last days, says our Father, I will pour out my Spirit on all people; your sons and your daughters will prophesy, your young men will see visions, and your old men will dream dreams. ‘Sinabi ng Diyos, “Sa mga huling araw, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng mga propesiya; ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain; at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18 Even on my male servants and my female servants in those days I will pour out my Spirit, and they will prophesy. Oo, sa mga araw na iyon, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa aking mga lingkod, maging lalaki man o babae, at magpapahayag sila ng mga propesiya.
19 I will show wonders in the heavens above and signs on the earth below—blood and fire and billows of smoke. Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at mga tanda sa lupa sa pamamagitan ng dugo, apoy, at makapal na usok.
20 The sun will be turned to darkness and the moon to blood, before the great and glorious day of the Lord comes. Magdidilim ang araw, at magkukulay-dugo ang buwan. Mangyayari ito bago dumating ang dakila at kamangha-manghang araw ng Panginoon.
21 And everyone who calls on the name of the Lord will be saved.'" Ngunit ang sinumang tatawag sa ngalan ng Panginoon ay maliligtas.” ’
22 "Men of Israel, hear these words: Jesus of Nazareth—a man our Father attested to you through miracles, wonders, and signs our Father did through him among you, as you yourselves know. “Mga kababayan kong Israelita, makinig kayo sa akin! Pinatotohanan ng Diyos sa inyo na si Hesus na taga-Nazaret ay sinugo niya nang gumawa siya ng mga himala, kababalaghan, at tanda sa pamamagitan ni Hesus – alam na alam nʼyo ito dahil naganap ang lahat ng ito sa kalagitnaan ninyo.
23 This man, handed over by our Father's set plan and foreknowledge, you crucified and killed by the hands of lawless men. Itong si Hesus, na sa simula paʼy ipinasya na ng Diyos na ibibigay sa inyo, ayon sa kanyang plano, ay inyong ipinapatay sa mga makasalanang taong nagpako sa kanya sa krus.
24 But our Father raised him, freeing him from death's agony, since death could not hold him. Ngunit pinalaya siya ng Diyos sa pagdurusa at muling binuhay, dahil ang totoo, kahit ang gapos ng kamatayan ay hindi siya kayang pigilan.
25 For David says of him: 'I saw our Father always before me, for he's at my right hand, so I won't be shaken.' Ito ang sinabi ni David patungkol sa kanya: ‘Alam kong ang Panginoon ay palagi kong kasama at hindi niya ako pinapabayaan, kaya hindi ako nangangamba.
26 Therefore my heart was glad and my tongue rejoiced; moreover, my body also will rest in hope. Kaya ang puso koʼy nagagalak, at hindi mapigil ang aking pagpupuri sa Diyos. At ang katawan koʼy mahihimlay na may pag-asa.
27 For you will not abandon my soul to the grave, nor let your Holy One see decay. Sapagkat alam ko pong hindi nʼyo ako pababayaan sa mundo ng mga patay. Hindi nʼyo rin hahayaang mabulok ang inyong Banal na Lingkod.
28 You have shown me the paths of life; you will fill me with gladness in your presence." Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay, at dahil kayo ay palagi kong kasama, lubos ang aking kaligayahan.’
29 "Brothers, I can tell you plainly: our ancestor David died, was buried, and his tomb remains with us to this day. “Mga kababayan, malinaw na hindi tinutukoy ng ating ninunong si David ang kanyang sarili, dahil namatay siya at inilibing, at hanggang ngayon ay alam natin kung saan siya nakalibing.
30 Since he was a prophet, he knew our Father had sworn an oath to seat one of his descendants on his throne, Si David ay propeta at alam niyang nangako ang Diyos sa kanya na ang isa sa kanyang mga lahi ay magmamana ng kanyang trono.
31 he foresaw and spoke of the Christ's resurrection, that he was not abandoned to the grave, nor his body saw decay. At dahil alam niya kung ano ang mangyayari, ipinahayag niya ang muling pagkabuhay ng Mesias, na hindi siya pinabayaan sa mundo ng mga patay at hindi nabulok ang kanyang katawan.
32 This Jesus our Father raised up, and we are all witnesses of it. Siyaʼy walang iba kundi si Hesus na muling binuhay ng Diyos, at kaming lahat ay saksi rito.
33 So, lifted up to our Father's right hand, having received the promised Holy Spirit from the Father, he poured out what you now see and hear. Iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang Banal na Espiritung ipinangako sa kanya. Ibinuhos naman niya sa amin ang Banal na Espiritu na siyang nakikita at naririnig ninyo ngayon.
34 For David never went up into heaven, but he himself says: "Our Father said to my Lord, 'Sit at my right hand, Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, ngunit sinabi niya, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan
35 until I make your enemies a footstool for your feet.'" hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’
36 "So let the whole house of Israel know for certain: our Father made this Jesus, whom you crucified, both Lord and Christ." “Kaya ngayon, dapat talagang malaman ng lahat ng Israelita na itong si Hesus na ipinapako nʼyo sa krus ang itinalaga ng Diyos na Panginoon at Mesias.”
37 Cut to the heart at this, they asked Peter and the other apostles, "Brothers, what should we do?" Nang marinig iyon ng mga tao, tumagos ito sa kanilang puso. Kaya sinabi nila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?”
38 Peter said to them, "Repent, and each of you be baptized in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins, and you will receive the gift of the Holy Spirit. Sumagot si Pedro sa kanila, “Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.
39 For the promise is for you, your children, and all far off—as many as the Sovereign our Father will call to himself." Sapagkat ang pangakong ito ay para sa inyo, para sa inyong mga anak, at maging sa lahat ng taong nasa malayo – sa lahat ng tatawagin ng Panginoon nating Diyos.”
40 And with many other words he warned and urged them, saying, "Save yourselves from this corrupt generation." Marami pang ipinahayag si Pedro upang patunayan sa kanila ang kanyang sinabi. At pinakiusapan niya sila, “Iligtas ninyo ang inyong sarili sa suwail na henerasyong ito.”
41 So those who welcomed his message were baptized, and about 3,000 people were added that day. Marami ang naniwala sa kanyang mensahe at nagpabautismo agad sila. Sa araw na iyon, mga tatlong libong tao ang nadagdag sa kanila.
42 They devoted themselves to the apostles' teaching and deep communion, to the breaking of bread and the prayers. Ang mga mananampalataya ay masigasig sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa pagpira-piraso ng tinapay upang gunitain ang Panginoon, at sa pananalangin.
43 Awe came over everyone, and many wonders and signs were done through the apostles. Namangha ang lahat ng tao dahil sa maraming kababalaghan at tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga apostol.
44 All who believed were together and had all things in common. Palaging nagsasama-sama ang mga mananampalataya, at ibinabahagi ang kanilang ari-arian sa isaʼt isa.
45 They sold their property and possessions and distributed the proceeds to all, as anyone needed. Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
46 Every day, devoting themselves together in the temple, breaking bread house to house, they shared food with joyful, sincere hearts, Araw-araw, nagtitipon sila sa Templo at nagsasalo-salo sa pagkain upang gunitain ang Panginoon sa kanilang mga bahay na may lubos na kagalakan at malinis na kalooban.
47 praising our Father, with favor among all the people. The Lord added to their number daily those being saved. Palagi silang nagpupuri sa Diyos at ang mga taoʼy nalulugod sa kanila. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]