Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In my first book, Theophilus, I wrote about everything Jesus began to do and teach, Minamahal kong Teofilo: Sa aking unang aklat, isinulat ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus mula nang magsimula siya sa kanyang gawain
2 until the day he was taken up, having given commands through the Holy Spirit to the apostles he had chosen. hanggang sa araw na dinala siya sa langit. Subalit bago siya bumalik sa langit, nag-iwan siya ng mga utos sa kanyang mga piniling apostol, sa pangunguna ng Banal na Espiritu.
3 After his suffering, he showed himself alive to them through many proofs, appearing to them forty days, speaking of our Father's kingdom. Matapos siyang maghirap at mamatay, nagpakita siya sa kanila nang maraming beses sa loob ng apatnapung araw upang patunayan na muli siyang nabuhay. At nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.
4 While staying with them, he ordered them not to leave Jerusalem but to wait for my Father's promise—"which," he said, "you heard from me; Minsan, habang kumakain sila, sinabi niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang ipinangako ng Ama. Sinabi ko na ito sa inyo noon.
5 for John baptized with water, but within a few days you will be baptized with the Holy Spirit." Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit ilang araw lamang mula ngayon ay babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.”
6 So, gathered together, they asked, "Lord, will you restore the kingdom to Israel now?" Minsan habang nagtitipon sila, tinanong nila si Hesus, “Panginoon, ito na po ba ang panahon na itatatag ninyong muli ang kaharian ng Israel?”
7 He said to them, "You're not to know times or seasons that my Father has set by his own authority. Sumagot si Hesus, “Hindi pinahihintulutan ng Ama na malaman ninyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na itinakda niya ayon sa kanyang awtoridad.
8 But when the Holy Spirit falls on you, you'll gain power to be my witnesses—in Jerusalem, all Judea, Samaria, and earth's farthest reaches." Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu ay tatanggap kayo ng kapangyarihan; at kayoʼy magiging saksi ko na magpapahayag ng mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kasuluksulukang bahagi ng daigdig.”
9 After he said these things, as they watched, he was lifted up, and a cloud took him from their sight. Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.
10 As they stared into heaven while he went, suddenly two men in white clothes stood beside them. Habang nakatitig sila sa langit, may dalawang lalaking nakaputi na biglang tumayo sa tabi nila
11 They said, "Galileans, why stare at the sky? This Jesus, taken from you into heaven, will return exactly as you saw him go." at nagsabi, “Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Hesus na nakita ninyong dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya dinala sa langit ay ganoon din siya babalik.”
12 Then they returned to Jerusalem from the Mount called Olivet, near Jerusalem, about a half-mile away. Pagkatapos noon, bumalik ang mga apostol sa lungsod ng Jerusalem galing sa Bundok ng mga Olibo na may isang kilometro ang layo sa lungsod.
13 Entering, they went up to the upstairs room where they stayed: Peter, John, James, Andrew, Philip, Thomas, Bartholomew, Matthew, James son of Alphaeus, Simon the Zealot, and Judas son of James. Pagdating nila sa Jerusalem, dumiretso sila sa kuwarto sa itaas ng bahay na tinutuluyan nila. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na makabayan, at si Judas na anak ni Santiago.
14 All these persisted together in prayer, with the women, Mary the mother of Jesus, and his brothers. Palagi silang nagtitipon para manalangin, kasama ang ilang mga babae, pati si Maria na ina ni Hesus, at ang mga lalaking kapatid ni Hesus.
15 In those days Peter stood up among the brothers (about 120 in all) and said, Nang mga araw na iyon, nagtipon ang mga 120 mananampalataya. Tumayo si Pedro at nagsalita:
16 "Brothers, the Scripture the Holy Spirit spoke beforehand through the mouth of David about Judas—who became guide to those who arrested Jesus—had to be fulfilled. “Mga kapatid, kailangang matupad ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Judas na nanguna sa mga dumakip kay Hesus. Ipinahayag ito ng Banal na Espiritu noong unang panahon sa pamamagitan ni David.
17 For he was numbered among us and was allotted his share in this ministry." Datiʼy kabilang siya sa amin, at nakibahagi siya sa aming gawain.”
18 (This man bought a field with the pay for his wrongdoing, then fell headfirst, burst open in the middle, and all his insides spilled out. (Ngunit bumili si Judas ng lupa mula sa perang ibinayad sa kanya sa pagtatraydor kay Hesus. Doon ay nahulog siyang patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka.
19 This became known to everyone living in Jerusalem, so the field was named in their language Akeldama, that is, Field of Blood.). Nalaman ito ng lahat ng tao sa Jerusalem, kaya tinawag nila ang lugar na iyon na Akeldama, na ang ibig sabihin ay “Bukid ng Dugo”.)
20 "For it's written in the Book of Psalms: 'Let his camp become empty, with no one living there,' and 'Let another take his position.' Sinabi pa ni Pedro, “Nasusulat sa Aklat ng mga Salmo: ‘Pabayaan na lang ang kanyang tirahan, at dapat walang tumira doon.’ At nasusulat din, ‘Ibibigay na lang sa iba ang kanyang tungkulin.’
21 So one of the men who accompanied us all along, while the Lord Jesus went in and out among us, Kaya nararapat na pumili ng isa sa mga nakasama namin sa buong panahong nabubuhay ang Panginoong Hesus sa piling namin,
22 from John's baptism until the day he was taken up from us—one of these must become with us a witness to his resurrection." simula noong nagbabautismo si Juan hanggang sa panahong dinala si Hesus sa langit. Ang sinumang pipiliin ay magiging saksi kasama namin sa muling pagkabuhay ni Hesus.”
23 And they put forward two—Joseph called Barsabbas, who was also called Justus, and Matthias. Kaya dalawang lalaki ang kanilang pinagpilian: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas (na tinatawag ding Justo).
24 They prayed and said, "You, Lord Jesus, who know all hearts, show which one of these two you chose, At bago sila pumili, nanalangin sila, “Panginoon, ikaw ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao. Kaya ipaalam nʼyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang pipiliin nʼyo
25 to take the place in this ministry and apostleship that Judas left to go to his own place. na maging apostol bilang kapalit ni Judas. Sapagkat tinalikuran ni Judas ang kanyang gawain bilang isang apostol, at pumunta siya sa lugar na nararapat sa kanya.”
26 They cast lots for them; the lot fell to Matthias, and he was counted with the eleven apostles." Pagkatapos nilang manalangin, nagpalabunutan sila. Si Matias ang nabunot nila kaya siya ang idinagdag sa labing-isang apostol.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]