Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 There was a man in Caesarea named Cornelius, a centurion of what was called the Italian Cohort. Doon sa Cesarea ay may isang lalaking ang pangalan ay Cornelio. Siyaʼy isang kapitan ng batalyon ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyong Italyano.
2 He was devout, feared our Father with his whole household, gave many gifts to the people, and prayed to our Father constantly. Siya at ang kanyang buong pamilya ay sumasamba at may takot sa Diyos. Marami siyang naibigay na tulong sa mga mahihirap na Hudyo, at palagi siyang nananalangin sa Diyos.
3 About three in the afternoon he saw clearly in a vision an angel of our Father come to him and say, "Cornelius." Isang araw, bandang alas tres ng hapon, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nakita niya ang isang anghel ng Diyos na pumasok at tinawag siya, “Cornelio!”
4 Staring at him, terrified, he said, "What is it, sir?" The angel replied, "Your prayers and gifts to the poor have risen as a memorial before our Father." Tumitig siya sa anghel at takot na takot na nagsabi, “Ano po ʼyon, Panginoon?” Sumagot ang anghel, “Ang iyong mga panalangin at tulong sa mga mahihirap ay tinanggap ng Diyos bilang handog.
5 Now send men to Joppa and bring a man named Simon, who is called Peter. Ngayon, magsugo ka ng mga tao sa lungsod ng Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro.
6 He is lodging with a tanner named Simon, whose house is by the sea. Doon siya nakatira kay Simon na isang tagapagbilad ng balat ng hayop. Nasa tabi ng dagat ang bahay niya.”
7 When the angel who spoke to him left, Cornelius called two of his household servants and a devout soldier from among his regular attendants, Nang makaalis na ang anghel, tinawag ni Cornelio ang dalawa niyang utusan at isang katiwalang sundalo na sumasamba at may takot sa Diyos.
8 and after explaining everything to them, he sent them to Joppa. Isinalaysay ni Cornelio sa kanila ang lahat ng nangyari, at pagkatapos ay inutusan niya silang pumunta sa Jopa.
9 The next day, as they journeyed and neared the city, Peter went up on the roof to pray, about noon. Kinabukasan, nang malapit na sila sa Jopa, umakyat si Pedro sa bubong ng bahay para manalangin. Tanghaling-tapat noon
10 He grew hungry and wanted to eat, but while they prepared food, a trance came over him, at gutom na siya, kaya gusto na niyang kumain. Ngunit habang inihahanda ang pagkain, nakakita siya ng pangitain mula sa Diyos.
11 and saw heaven opened, and something like a large sheet coming down, lowered by its four corners to the earth. Nakita niyang bumukas ang langit at may ibinababa sa lupa na tila isang malaking kumot at nakatali ang apat na sulok nito.
12 It held all kinds of four-footed animals and reptiles of the earth and birds of the air. At sa kumot na ito, nakita niya ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad.
13 And a voice came to him: "Rise, Peter; kill and eat." Pagkatapos, may narinig siyang tinig na nagsasabi, “Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.”
14 But Peter said, "Absolutely not, Lord; for I have never eaten anything common or unclean." Sumagot si Pedro, “Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.”
15 The voice came to him again, a second time: "What I have made clean, don't call common." Muling sinabi ng tinig, “Huwag mong ituring na marumi ang kahit anong bagay na nilinis na ng Diyos.”
16 This happened three times, and at once the sheet was taken up to heaven. Tatlong beses naulit ang pangitain, at pagkatapos, hinila agad ang bagay na iyon papunta sa langit.
17 While Peter was puzzled over what the vision meant, suddenly the men sent by Cornelius, having asked the way to Simon's house, stood at the gate, Habang naguguluhan pa si Pedro at pinag-iisipan kung ano ang ibig sabihin ng nakita niya, dumating naman sa lugar na iyon ang mga taong inutusan ni Cornelio. Nang malaman nila kung saan ang bahay ni Simon, pumunta sila roon. At pagdating nila sa tarangkahan,
18 and called out to ask whether Simon who was called Peter was lodging there. tumawag sila at nagtanong kung doon nanunuluyan si Simon na tinatawag na Pedro.
19 As Peter thought about the vision, the Holy Spirit said to him, "Three men are looking for you. Habang pinag-iisipan ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita, sinabi ng Espiritu sa kanya, “May tatlong taong naghahanap sa iyo.
20 Get up, go downstairs, and go with them without hesitation, for I have sent them." Tumayo ka at bumabâ. Huwag kang mag-alinlangang sumáma sa kanila, dahil ako ang nagsugo sa kanila.”
21 Peter went down to the men and said, "I'm the one you're looking for. Why have you come?" Bumaba si Pedro at sinabi sa mga tao, “Ako ang hinahanap ninyo. Ano ang kailangan ninyo sa akin?”
22 They said, "Cornelius, a centurion, upright, fears our Father, and respected by the whole Jewish nation, was told by a holy angel to summon you to his house and hear what you have to say." Sumagot sila, “Inutusan kami rito ni Kapitan Cornelio. Matuwid siyang tao at may takot sa Diyos. Iginagalang siya ng lahat ng Hudyo. Sinabihan siya ng isang banal na anghel na anyayahan ka sa kanyang bahay upang marinig niya kung ano ang iyong sasabihin.”
23 So he invited them in and hosted them. Next day he set out with them, joined by some brothers from Joppa. Kaya pinatuloy sila ni Pedro upang doon magpalipas ng gabi. Kinabukasan, sumáma si Pedro sa kanila, kasama ang ilang kapatid na taga-Jopa.
24 The next day he entered Caesarea. Cornelius, expecting them, had gathered his relatives and close friends. Dumating sila sa Cesarea pagkaraan ng isang araw. Naghihintay sa kanila si Cornelio, kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigang tinipon niya.
25 When Peter entered, Cornelius met him and fell down at his feet and worshiped him. Pagdating ni Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at nagpatirapa para sambahin siya.
26 But Peter lifted him up, saying, "Stand up! I'm a man too." Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi, “Tumayo ka, dahil akoʼy tao ring katulad mo.”
27 While talking with Cornelius, Peter went in and found many people gathered. At patuloy ang kanilang pag-uusap habang papasok sila sa bahay. Sa loob ng bahay, nakita ni Pedro na maraming tao ang nagkakatipon doon.
28 He said to them, "You yourselves know it's unlawful for a Jew to associate with or visit someone of another nation. But our Father showed me I should call no one common or unclean. Nagsalita si Pedro sa kanila, “Alam ninyo na kaming mga Hudyo ay pinagbabawalan ng aming relihiyon na dumalaw o makisama sa mga Hentil. Ngunit ipinaliwanag sa akin ng Diyos na hindi ko dapat ituring na marumi o di-malinis ang sinuman.
29 So, sent for, I came without objection. Now, why did you send for me?" Kaya nang ipasundo ninyo ako, hindi ako nag-atubiling sumáma. Kaya ngayon nais kong malaman kung bakit nʼyo ako ipinatawag.”
30 Cornelius said, "Four days ago at this hour, three in the afternoon, I was praying in my house, and suddenly a man in bright clothing stood before me, Sumagot si Cornelio, “Tatlong araw na ngayon ang lumipas nang nananalangin ako rito sa bahay, at ganito ring oras, mga alas tres ng hapon. Habang nananalangin ako, biglang nagpakita sa akin ang isang lalaking may damit na nakakasilaw.
31 and said, 'Cornelius, your prayer was heard and your gifts to the poor remembered before our Father. Sinabi niya sa akin, ‘Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at hindi niya nakalimutan ang pagtulong mo sa mga mahihirap.
32 So send to Joppa and call for Simon, known as Peter. He's staying in Simon the tanner's house, by the sea.' Magsugo ka ngayon ng mga tao sa Jopa at ipasundo si Simon na tinatawag na Pedro. Doon siya nakatira sa bahay ni Simon na tagapagbilad ng balat ng hayop. Nasa tabi ng dagat ang bahay niya.’
33 So I sent for you at once, and you did well to come. Now we're all here before God, to hear all the Lord has commanded you." Kaya ipinatawag kita agad. Salamat naman at dumating ka. At ngayon, narito kami sa presensya ng Diyos upang pakinggan ang ipinasasabi sa inyo ng Panginoon.”
34 Peter spoke up: "I truly see our Father shows no favoritism, Kaya nagsalita si Pedro, “Napatunayan ko ngayon na walang pinapaboran ang Diyos.
35 but in every nation anyone who fears him and does what is right is acceptable to him. Tinatanggap niya ang sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng tama kahit ano pang bansa niya.
36 He sent his word to the Israelites, announcing good news of peace through Jesus Christ—he is Lord of all. Narinig ninyo ang Magandang Balita na ipinahayag ng Diyos sa aming mga Israelita, na ang taoʼy magkakaroon na ng magandang kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, na siyang Panginoon ng lahat.
37 You yourselves know what happened throughout all Judea, beginning from Galilee after the baptism that John proclaimed: Alam din ninyo ang mga nangyari sa buong Judea tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Nagsimula ito sa Galilea matapos mangaral ni Juan tungkol sa pagpapabautismo.
38 how our Father anointed Jesus of Nazareth with the Holy Spirit and power, how he went about doing good and healing all oppressed by the devil, for our Father was with him. Ipinagkaloob ng Diyos kay Hesus na taga-Nazaret ang Banal na Espiritu at kapangyarihan. At dahil kasama niya ang Diyos, pumunta siya sa ibaʼt ibang lugar at gumawa ng kabutihan. Pinagaling niya ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo.”
39 We are witnesses of all he did in the Jews' land and Jerusalem—they killed him, hanging him on a tree, “Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa Jerusalem at sa iba pang mga bayan ng mga Hudyo. Pinatay siya ng mga Hudyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus.
40 but our Father raised him on the third day and made him appear, Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ipinakita sa amin na siyaʼy buháy.
41 not to all the people but to us, witnesses whom our Father chose beforehand, who ate and drank with him after he rose from the dead. Hindi siya nagpakita sa lahat kundi sa amin lamang na mga pinili ng Diyos na maging saksi upang ipamalita sa iba ang tungkol sa kanya. Nakasama pa nga namin siyang kumain at uminom pagkatapos na siyaʼy muling nabuhay.
42 He commanded us to preach to the people and testify: our Father appointed him judge of the living and the dead. Inatasan niya kaming mangaral ng Magandang Balita sa mga tao at magpatotoo na siya ang tunay na pinili ng Diyos na maging tagahatol ng mga buhay at ng mga patay.
43 To him all the prophets testify that everyone believing in him receives forgiveness of sins through his name." Si Hesu-Kristo ang tinutukoy ng lahat ng propeta nang ipahayag nila na ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”
44 While Peter was still saying these things, the Holy Spirit fell on all who heard the word. Habang nagsasalita pa si Pedro, napuspos ng Banal na Espiritu ang lahat ng nakikinig.
45 The circumcised believers who came with Peter were amazed that the gift of the Holy Spirit was poured out on Gentiles too. Ang mga mananampalatayang Hudyo na sumáma kay Pedro mula sa Jopa ay namangha dahil ipinagkaloob din ng Diyos ang Banal na Espiritu sa mga Hentil.
46 For they heard them speaking in tongues and praising our Father. Then Peter declared, Sapagkat narinig nilang nagsasalita sila sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan at nagpupuri sila sa Diyos. Kaya sinabi ni Pedro,
47 "Can anyone refuse water to baptize these people, who received the Holy Spirit as we did?" “Wala nang makakahadlang sa kanila upang bautismuhan sila sa tubig sapagkat tulad natin, natanggap na nila ang Banal na Espiritu.”
48 He ordered them baptized in Jesus Christ's name. Then they asked him to stay several days. At iniutos ni Pedro na bautismuhan sila sa pangalan ni Hesu-Kristo. Pagkatapos noon, pinakiusapan nila si Pedro na manatili pa roon ng ilang araw.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]