Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Acts 11 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The apostles and brothers in Judea heard that Gentiles too had received our Father's word. Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa Judea na tinanggap din ng mga Hentil ang salita ng Diyos.
2 So when Peter went up to Jerusalem, those of the circumcision party criticized him, Kaya pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga mananampalatayang Hudyong naniniwala na kinakailangang magpatuli ng mga Hentil.
3 saying, "You visited uncircumcised men and ate with them." Sinabi nila kay Pedro, “Bakit ka tumuloy sa bahay ng mga hindi tuli at nakikain pa sa kanila?”
4 But Peter explained it to them step by step: Kaya ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang buong pangyayari mula sa umpisa.
5 Praying in the city of Joppa, I fell into a trance and saw a vision: a huge sheet-like object, lowered from heaven by its four corners, reaching me. Sinabi niya, “Habang nananalangin ako sa lungsod ng Jopa, nawalan ako ng malay at may ipinakitang pangitain ang Diyos sa akin. Nakakita ako ng tila malapad na kumot na bumababa mula sa langit. May tali ito sa apat na sulok, at ibinababa sa kinaroroonan ko.
6 Looking closely at it, I saw four-legged animals, wild beasts, reptiles, and birds. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, kasama na rito ang mababangis, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad.
7 And I heard a voice saying to me, 'Get up, Peter; kill and eat.' At narinig ko ang boses na nagsasabi sa akin, ‘Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.’
8 But I said, 'By no means, Lord; for nothing impure or unclean has ever entered my mouth.' “Ngunit sumagot ako, ‘Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.’
9 But the voice answered a second time from heaven, 'What our Father has made clean, do not call impure.' “Pagkatapos, muling nagsalita ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang kahit na anong bagay na nilinis na ng Diyos.’
10 This happened three times, and all of it was drawn up again into heaven. Tatlong beses naulit ang pangyayaring ito, at pagkatapos ay hinila na papunta sa langit ang kumot.
11 Right then three men, sent to me from Caesarea, arrived at the house where we stayed. “Nang mga oras ding iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaki na galing sa Cesarea. Inutusan sila na sunduin ako.
12 The Spirit told me to go with them, making no distinction. These six brothers also went with me, and we entered the man's house. Sinabi ng Espiritu sa akin na huwag akong mag-alinlangang sumáma sa kanila. At nang umalis na kami papunta sa bahay ni Cornelio sa Cesarea, sumáma sa akin itong anim na kapatid natin na taga-Jopa.
13 He told us how he saw the angel standing in his house and saying, 'Send to Joppa and bring Simon called Peter; Pagdating namin doon, ikinuwento ni Cornelio sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka ng susundo kay Simon na tinatawag na Pedro, doon sa Jopa.
14 he will bring you a message by which you will be saved, you and all your household.' Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong sambahayan.’
15 When I began speaking, the Holy Spirit fell on them just as on us at first. “Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.
16 Then I remembered what our Lord Jesus said: 'John baptized with water, but you will be baptized with the Holy Spirit.' At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’
17 If our Father gave them the same gift he gave us who believed in the Lord Jesus Christ, who was I to stand in our Father's way? Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Diyos sa ating mga Hudyo, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Hesu-Kristo ay ibinigay din niya sa mga Hentil. At kung ganoon ang gusto ng Diyos, sino ba ako para hadlangan siya?”
18 Hearing this, they quieted down and praised our Father, saying, "So our Father has granted repentance that leads to life even to the Gentiles." Nang marinig ito ng mga kapatid na Hudyo, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Kung ganoʼn, ibinigay din ng Diyos sa mga Hentil ang pagkakataong magsisi upang silaʼy mabuhay.”
19 Those scattered by the persecution over Stephen traveled as far as Phoenicia, Cyprus, and Antioch, speaking the message to no one but Jews. Dahil sa pag-uusig na naranasan ng mga mananampalataya pagkatapos mamatay ni Esteban, nagkawatak-watak sila at napunta sa ibaʼt ibang lugar hanggang sa Fenicia, Cyprus, at Antioquia. Ipinapangaral nila ang Magandang Balita pero sa mga Hudyo lamang.
20 But some of them—men from Cyprus and Cyrene—reached Antioch and spoke to Hellenists too, telling the good news about the Lord Jesus. Ngunit ang ibang mananampalataya na taga-Cyprus at taga-Cirene ay pumunta sa Antioquia at nagsimulang mangaral ng Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesus maging sa mga Hentil.
21 The hand of our Lord Jesus was with them, and many believed and turned to the Lord. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanila at marami ang sumampalataya at nagbalik-loob sa Panginoon.
22 The church in Jerusalem heard about this and sent Barnabas to Antioch. Ang pangyayaring ito ay nabalitaan ng iglesya sa Jerusalem, kaya pinapunta nila si Bernabe sa Antioquia.
23 Arriving, he saw our Father's grace and rejoiced, urging all to remain devoted to the Lord with firm hearts. Pagdating niya doon, natuwa siya dahil nakita niya ang mga kabutihang ginawa ng Diyos sa mga tao roon. At pinayuhan niya sila na maging matapat at matatag sa kanilang pananampalataya sa Panginoon.
24 For he was a good man, full of the Holy Spirit and faith, and a large crowd was added to the Lord. Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Banal na Espiritu, at matatag ang pananampalataya kaya marami ang nahikayat na sumampalataya sa Panginoon.
25 So Barnabas went to Tarsus to look for Saul, Pagkatapos, pumunta si Bernabe sa Tarso para hanapin si Saulo.
26 finding him, he brought him to Antioch. For a full year they met with the church and taught a large crowd, and in Antioch the disciples were first called Christians. Nang makita niya si Saulo, isinama niya ito pabalik sa Antioquia. At isang taon silang nakasama ng iglesya roon, at maraming tao ang kanilang tinuruan. Sa Antioquia unang tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad.
27 In these days prophets came down from Jerusalem to Antioch. Nang panahong iyon, may mga propeta sa Jerusalem na pumunta sa Antioquia.
28 One of them, named Agabus, stood up and predicted through the Spirit that a great famine would come over the whole world—it happened in Claudius's days. Ang pangalan ng isa sa kanila ay Agabo. Tumayo siya at nagpahayag sa pamamagitan ng Espiritu na may darating na matinding taggutom sa buong mundo. (Nangyari ito sa panahon ni Claudio na Emperador ng Roma.)
29 The disciples decided, each according to ability, to send relief to the brothers living in Judea. Kaya nagpasya ang mga alagad sa Antioquia na ang bawat isa sa kanila ay magpapadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kanilang makakaya.
30 And they did so, sending it to the elders through Barnabas and Saul. Ipinadala nila ito sa pamamagitan nina Bernabe at Saulo upang ibigay sa mga pinuno ng iglesya sa Jerusalem.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]