Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Timothy 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 But understand this: in the last days there will come times of difficulty. Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw,
2 For people will be self-lovers, money-lovers, boastful, arrogant, abusive, disobedient to parents, ungrateful, unholy. dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapanlait, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi maka-Diyos.
3 Heartless, unforgiving, slanderous, without self-control, brutal, hating what is good, Wala silang pagmamahal sa kapwa, ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti.
4 treacherous, reckless, swollen with conceit, lovers of pleasure rather than lovers of our Father. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan, sa halip na maibigin sa Diyos.
5 They keep the shape of devotion to God but deny its power—turn from them. Ipinapakita nilang maka-Diyos sila ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.
6 For among these are those who slip into homes and trap weak women weighed down with sins, driven by various desires. May ilan sa kanilang gumagawa ng paraan para makapasok sa mga tahanan at manloko ng mga babaeng mahihina ang loob, na lulong na sa kasalanan at alipin ng sari-saring pagnanasa.
7 Always learning but never able to come to a knowledge of the truth. Nais laging matuto ng mga babaeng ito, pero hindi nila mauunawaan ang katotohanan kailanman.
8 As Jannes and Jambres opposed Moses, these also oppose the truth—minds corrupted, disqualified regarding the faith. Ang pagsalungat sa katotohanan ng mga lalaking nangangaral sa kanila ay gaya ng pagsalungat nina Janes at Jambres kay Moises. Hindi matino ang pag-iisip nila, at ang sinasabi nilang pananampalataya ay walang kabuluhan.
9 But they won't get far, for their foolishness will be clear to all, as with those two men. Ngunit hindi rin magpapatuloy ang ginagawa nila dahil mahahalata ng lahat ang kahangalan nila, gaya ng nangyari kina Jannes at Jambres.
10 You, however, have followed my teaching, conduct, purpose, faith, patience, love, endurance, Ngunit ikaw, Timoteo, alam mo lahat ang itinuturo ko, ang aking pamumuhay, layunin, pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at pagtitiis.
11 my persecutions and suffering—at Antioch, at Iconium, at Lystra, what persecutions I endured! Yet the Lord rescued me from them all. Alam mo rin ang mga dinanas kong pag-uusig at paghihirap, katulad ng nangyari sa akin sa Antioquia, Iconio at Listra. Ngunit iniligtas ako ng Panginoon sa lahat ng mga iyon.
12 Indeed, all who desire to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted, Ang totoo, lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang alagad ni Kristo Hesus ay daranas ng pag-uusig.
13 while evil people and impostors will go on from bad to worse, deceiving and being deceived. Ang masasama at manlilinlang namaʼy lalo pang sásama at patuloy na manlilinlang. Maging sila mismoʼy malilinlang.
14 But you—stay with what you learned and became convinced of, knowing from whom you learned it, Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutunan mo at pinanaligan, dahil alam mo kung kanino mo ito natutunan.
15 and that from infancy you have known the sacred writings, able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus.
16 All Scripture is breathed out by our Father—useful for teaching, exposing wrong, correcting, and training in right living, Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay,
17 so that the person of our Father may be complete, equipped for every good work. upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]