Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Timothy 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 I solemnly charge you before our Father and Christ Jesus, who will judge the living and the dead, by his appearing and his kingdom: Inaatasan kita sa presensya ng Diyos at ni Kristo Hesus, na siyang hahatol sa mga buháy at mga patay, at muling babalik at maghahari:
2 Preach the word; stand ready in season and out; correct, rebuke, and encourage, with complete patience and teaching. Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
3 For a time will come when they won't tolerate sound teaching, but will pile up teachers to fit their own desires, since their ears itch, Sapagkat darating ang panahon na ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral. Sa halip, hahanap sila ng mga gurong magtuturo lamang ng gusto nilang marinig para masunod nila ang kanilang layaw.
4 and will turn their ears away from the truth and wander off into myths. Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan at babaling sila sa mga aral na gawa-gawa lang ng tao.
5 But you: stay clear-headed in everything, endure hardship, do an evangelist's work, fulfill your service. Ngunit ikaw, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras; magtiis ka sa mga paghihirap. Gawin mo ang tungkulin mo bilang tagapangaral ng Magandang Balita, at tuparin mo ang mga tungkulin mo bilang lingkod ng Diyos.
6 For I am already being poured out like a drink offering; my time to depart has come. Ang buhay ko ay iaalay na, dahil dumating na ang panahon ng pagpanaw ko.
7 I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith. Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya.
8 Now a crown of righteousness awaits me, which the Lord, the righteous judge, will give me on that day—not only to me but to all who have loved his appearing. At ngayon, may inilaan ang Diyos sa akin na korona ng katuwiran. Ibibigay ito sa akin ng makatarungang Panginoon sa araw ng paghuhukom niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi maging ang lahat ng nananabik sa pagbabalik niya.
9 Do your best to come to me soon. Pagsikapan mong makadalaw rito sa akin sa lalong madaling panahon
10 Demas loved this present world, abandoned me, went to Thessalonica. Crescens went to Galatia, Titus to Dalmatia. dahil iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito. Si Cresente naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmatia.
11 Only Luke is with me. Pick up Mark and bring him with you—he's useful to me for service. Si Lucas lang ang kasama ko. Kaya isama mo na rin si Marcos sa pagpunta mo rito dahil malaki ang maitutulong niya sa mga gawain ko.
12 I have sent Tychicus to Ephesus. Si Tiquico namaʼy pinapunta ko sa Efeso.
13 When you come, bring the coat I left with Carpus at Troas, and the scrolls, especially the parchments. Pagpunta mo ritoʼy dalhin mo ang balabal ko na iniwan ko kay Carpo sa Troas. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong mga gawa sa balat ng hayop.
14 Alexander the coppersmith did me great harm; the Lord will repay him according to his deeds. Napakasamá ng ginawa sa akin ng panday na si Alejandro. Ang Panginoon na ang bahalang magparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa.
15 Watch out for him yourself, for he strongly opposed our message. Mag-ingat ka rin sa kanya dahil sinasalungat niya nang husto ang mga ipinangangaral natin.
16 No one stood with me at my first defense—all abandoned me. May it not be charged against them. Walang sumáma sa akin sa unang paglilitis sa akin; iniwan ako ng lahat. Patawarin sana sila ng Diyos.
17 But the Lord stood with me and strengthened me, so through me the message would be fully proclaimed and all nations would hear it. I was rescued from the lion's mouth. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas na maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Hudyo. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.
18 The Lord will rescue me from every evil deed and carry me safely into his heavenly kingdom. Glory to him forever and ever. Amen. Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen!
19 Greet Prisca and Aquila, and the household of Onesiphorus. Ikumusta mo ako kina Priscila at Aquila at sa pamilya ni Onesiforo.
20 Erastus stayed at Corinth, and I left Trophimus, who was ill, at Miletus. Si Erasto ay nanatili sa Corinto, at si Trofimo namaʼy iniwan ko sa Mileto dahil may sakit siya.
21 Try hard to come before winter. Eubulus, Pudens, Linus, Claudia, and all the brothers and sisters greet you. Sikapin mong makarating dito bago magtaglamig. Kinukumusta ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia at ng lahat ng mga kapatid dito.
22 The Lord be with your spirit. Grace be with you all. Sumainyong lahat nawa ang Panginoon at ang biyaya niya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]