Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Timothy 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So then, my child, draw your strength from the grace that is in Christ Jesus. Kaya ikaw Timoteo, bilang aking anak sa pananampalataya, magpakatatag ka sa tulong ni Kristo Hesus.
2 And what you heard from me in the presence of many witnesses, entrust to faithful people able to teach others too. Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.
3 Take your share of suffering like a good soldier of Christ Jesus. Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Kristo Hesus.
4 No soldier on duty gets tangled in civilian affairs—he wants to please the one who enlisted him. Katulad ka dapat ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal.
5 And an athlete is not crowned unless he competes according to the rules. Ganoon din naman, katulad ka dapat ng isang manlalaro; hindi siya makakakuha ng gantimpala kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro.
6 The hard-working farmer ought to be the first to receive a share of the crops. At katulad ka rin dapat ng isang masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani?
7 Think over what I am saying, for the Lord will give you understanding in everything. Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Panginoon ang lahat ng ito.
8 Remember Jesus Christ, risen from the dead, a descendant of David, as told in my gospel, Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristo, na muling binuhay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko
9 for which I suffer, chained like a criminal. But the word of our Father is not chained! na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Ngunit hindi nakakadenahan ang salita ng Diyos.
10 So I endure everything for the sake of the chosen, so they too may gain the salvation in Christ Jesus, with eternal glory. Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Diyos, upang makamtan din nila ang kaligtasang nakay Kristo Hesus at ang buhay na walang hanggan.
11 This saying is trustworthy: If we have died with him, we will also live with him; Totoo ang kasabihang: “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya.
12 if we endure, we will also reign with him; if we disown him, he also will disown us; Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo.
13 if we are faithless, he remains faithful, for he cannot disown himself. Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”
14 Remind them of these things, and warn them before our Father not to quarrel over words—useless, and ruins those who listen. Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Diyos na iwasan ang walang kuwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig.
15 Do your best to present yourself to our Father approved, a worker unashamed, rightly handling the word of truth. Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
16 But avoid empty, godless chatter; it leads people further into wickedness, Iwasan mo ang makamundo at walang kuwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Diyos ang mga gumagawa nito.
17 and their talk will spread like gangrene. Among them are Hymenaeus and Philetus, Ang mga aral nilaʼy parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang na sina Himeneo at Fileto sa mga taong ito.
18 who wandered away from the truth, claiming the resurrection already happened, and are undermining some people's faith. Lumihis sila sa katotohanan dahil itinuturo nilang naganap na ang muling pagkabuhay ng mga patay, at ginugulo tuloy nila ang pananampalataya ng iba.
19 Yet our Father's firm foundation stands, sealed: "He knows those who are his," and "Let all who name his name turn from evil." Ganoon pa man, nananatiling matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at may nakasulat na “Alam ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at “Dapat lumayo sa kasamaan ang bawat taong nagsasabi na siyaʼy sa Panginoon.”
20 In a large house there are vessels not only of gold and silver, but also of wood and clay—some for honor, some for dishonor. Sa isang malaking bahay, may mga kasangkapang yari sa ginto at pilak, at mayroon ding yari sa kahoy at putik. Ginagamit sa mahahalagang okasyon ang mga kasangkapang yari sa ginto at pilak, at ang mga kasangkapang yari naman sa kahoy at putik ay sa pang-araw-araw na gamit.
21 So if anyone purifies himself from these, he becomes a vessel of honor: holy, useful to the Master, ready for every good work. Ang mga taong lumalayo sa kasamaan ay nabibilang sa mga kasangkapang ginagamit sa mahahalagang okasyon. Nakatalaga sila sa Panginoon, kapaki-pakinabang sa kanya, at laging handa sa lahat ng mabubuting gawain.
22 Flee youthful cravings; pursue righteousness, faith, love, and peace with those who call on the Lord from a pure heart. Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
23 Have nothing to do with foolish, ignorant controversies; you know they breed quarrels. Iwasan mo ang mga walang kuwentang pakikipagtalo at kalokohan lamang, dahil alam mong hahantong lang ito sa alitan.
24 The Lord's servant must not be quarrelsome, but be gentle to all, able to teach, patient when wronged. Ang lingkod ng Panginoon ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat, marunong magturo at mapagtimpi.
25 Gently correcting those who oppose him. Perhaps our Father will grant them repentance to know the truth, Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Diyos ng pagkakataong magsisi at malaman ang katotohanan.
26 and they may sober up, escaping the devil's trap where he has held them captive to do his will. Sa ganoon, maliliwanagan ang isip nila at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila para gawin ang nais nito.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]