Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Timothy 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Paul, apostle of Christ Jesus by the will of our Father, by the promise of life in Christ Jesus, Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos. Sinugo ako ng Diyos upang ipahayag ang tungkol sa buhay na ipinangako niyang makakamtan nating mga nakay Kristo Hesus,
2 to Timothy, my beloved child: Grace, mercy, and peace from our Father and Christ Jesus our Lord. Kay Timoteo na minamahal kong anak: Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.
3 I thank our Father, whom I serve with a clear conscience as my ancestors did, remembering you constantly in my prayers, night and day. Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensiya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi.
4 Remembering your tears, I long to see you, so that I may be filled with joy. Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, nasasabik akong makita ka upang maging lubos ang aking kagalakan.
5 I recall your sincere faith—alive first in your grandmother Lois and mother Eunice, and now, I'm convinced, in you too. Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya na naunang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ito ngayon.
6 So I remind you to fan into flame the gift of our Father in you, through the laying on of my hands. Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay.
7 For our Father gave us no spirit of fear, but the Spirit of power, love, and self-control. Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
8 So don't be ashamed of our Lord's testimony, nor of me his prisoner, but share in suffering for the gospel by our Father's power. Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na isang bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Diyos ay makibahagi ka sa mga pagtitiis dahil sa Magandang Balita.
9 He saved and called us with a holy calling, not by our works but by his own purpose and grace, given us in Christ Jesus before time began, Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo.
10 and now made known through the appearing of our Savior Christ Jesus, who ended death and illuminated life and immortality through the gospel. Ngunit nahayag lang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.
11 For this gospel I was appointed a preacher and an apostle and a teacher. Pinili ako ng Diyos na maging apostol at guro para ipahayag ang Magandang Balitang ito.
12 That's why I suffer this way. But I'm not ashamed, for I know whom I've believed, and am convinced he can guard what's entrusted to me until the day he returns. Ito ang dahilan kaya ako dumaranas ng mga paghihirap. Ngunit hindi ko ito ikinakahiya, dahil kilala ko kung sino ang sinasampalatayanan ko at natitiyak kong maiingatan niya hanggang sa huling araw ang ipinagkatiwala ko sa kanya.
13 Hold the pattern of sound words you heard from me, in faith and love in Christ Jesus. Ituro mo ang tamang aral na natutunan mo sa akin, nang may pananampalataya at pag-ibig dahil ito ang karapat-dapat gawin ng mga nakay Kristo Hesus.
14 Guard the good deposit entrusted to you, through the Holy Spirit who lives within us. Sa tulong ng Banal na Espiritu na nasa atin, ingatan mo ang tamang aral na ipinagkatiwala ko sa iyo.
15 You know this: everyone in the province of Asia turned away from me, including Phygelus and Hermogenes. Alam mong tinalikuran ako ng halos lahat ng mga kapatid sa probinsya ng Asia, pati na sina Figelo at Hermogenes.
16 May our Lord Jesus grant mercy to Onesiphorus's household, for he often refreshed me and wasn't ashamed of my chains. Kaawaan sana ng Panginoon si Onesiforo at ang pamilya niya, dahil palagi niya akong tinutulungan, at hindi niya ako ikinahiya kahit na akoʼy isang bilanggo.
17 On the contrary, when he arrived in Rome he searched eagerly for me until he found me. Sa katunayan, nang dumating siya sa Roma, sinikap niya akong hanapin hanggang sa matagpuan niya ako.
18 May our Lord Jesus grant that he finds mercy from the Lord on that day. You know very well how much he served in Ephesus. At alam na alam mo kung paano niya ako tinulungan noong nasa Efeso ako. Kaawaan sana siya ng Panginoon sa Araw ng Paghuhukom.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]