Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jehoshaphat rested with his ancestors, buried with them in the City of David; his son Jehoram reigned instead. Nang mamatay si Jehoshafat, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.
2 Jehoram's brothers, sons of Jehoshaphat: Azariah, Jehiel, Zechariah, Azariah, Michael, Shephatiah. All these were sons of Jehoshaphat king of Israel. Ang mga kapatid ni Jehoram ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Silang lahat ang anak ni Haring Jehoshafat ng Juda.
3 Their father gave them many gifts—silver, gold, precious things—and fortified cities in Judah, but gave the kingdom to Jehoram, because he was firstborn. Binigyan sila ni Jehoshafat ng maraming regalo na pilak at ginto, mahahalagang bagay at mga napapaderang lungsod sa Juda. Ngunit si Jehoram ang kanyang ipinalit bilang hari dahil siya ang panganay.
4 Once Jehoram rose over his father's kingdom, he grew strong and killed all his brothers with the sword, and also some of Israel's officials. Nang matatag na ang paghahari ni Jehoram sa kaharian ng kanyang ama, ipinapatay niya ang lahat ng kanyang kapatid, pati ang ibang mga opisyal ng Juda.
5 Jehoram was thirty-two years old when he became king, and he reigned eight years in Jerusalem. Si Jehoram ay tatlumpuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng walong taon.
6 He walked in the way of Israel's kings, as Ahab's house had done, for Ahab's daughter was his wife, and he did evil in our Father's eyes. Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, gaya ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil ang kanyang napangasawa ay anak ni Ahab. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon.
7 Yet our Father would not destroy the house of David, because of the covenant he made with David, and his promise to give him and his sons a lamp forever. Gayunpaman, ayaw wasakin ng Panginoon ang Juda dahil sa kasunduan niya noon kay David na magpapatuloy ang paghahari ng kanyang angkan magpakailanman.
8 In Jehoram's days Edom rebelled against Judah's rule and set up their own king. Nang panahon ng paghahari ni Jehoram, nagrebelde ang Edom sa Juda, at pumili sila ng sarili nilang hari.
9 Jehoram crossed with his commanders and all his chariots. He rose at night and struck the Edomites surrounding him and the chariot commanders. Kaya pumunta si Jehoram at ang kanyang mga opisyal sa Edom dala ang lahat niyang karwahe. Pinalibutan siya at ang kumander ng kanyang mga mangangarwahe ng mga taga-Edom, ngunit kinagabihan ay sinalakay nila ang mga Edomita, nakalusot sila at nakatakas.
10 Edom rebelled against Judah's rule to this day; Libnah also rebelled then, because he had abandoned our Father, the God of his ancestors. Hanggang ngayon, nagrerebelde pa rin ang Edom sa Juda. Sa panahon ding iyon, nagrebelde rin ang Libna sa Juda, dahil itinakwil ni Jehoram ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.
11 He built high places on Judah's hills, led Jerusalem's people to prostitute themselves, and drew Judah astray. Nagpatayo siya ng mga sambahan sa mga bulubundukin ng Juda na siyang dahilan ng pagsamba ng mga taga-Jerusalem at taga-Juda sa mga diyos-diyosan.
12 A letter came to him from Elijah the prophet: Your Father, God of your ancestor David, says: Because you haven't walked in the ways of your father Jehoshaphat, or the ways of Asa king of Judah, Pinadalhan ni Propeta Elias si Jehoram ng sulat na nagsasabi: “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng iyong ninunong si David: Hindi mo sinunod ang pamumuhay ng iyong amang si Jehoshafat o ng iyong lolo na si Asa na naging hari rin ng Juda.
13 but walked like Israel's kings, led Judah and Jerusalem's people to be unfaithful, as Ahab's house led Israel, and killed your brothers—your father's house—men better than you, Sa halip, sinunod mo ang pamumuhay ng mga hari ng Israel. Hinikayat mo ang mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem sa pagsamba sa mga diyos-diyosan gaya ng ginawa ni Ahab. Pinatay mo rin ang iyong sariling mga kapatid na mas mahusay pa sa iyo.
14 now your Father will strike your people, children, wives, and all your goods with a great plague. Kaya ngayon parurusahan ka ng Panginoon, ikaw at ang iyong mamamayan, mga anak, mga asawa at ang lahat ng iyong ari-arian. Matinding parusa ang ipapadala niya sa inyo.
15 You will have a severe intestinal disease, until day by day your intestines come out. Ikaw mismo ay magtitiis ng malubhang karamdaman sa tiyan, hanggang sa lumabas ang iyong bituka.”
16 Our Father stirred up against Jehoram the spirit of the Philistines and Arabs near the Cushites. Pagkatapos, pinalusob ng Panginoon laban kay Jehoram ang mga Filisteo at ang mga Arabo, na nakatira malapit sa Etiopia.
17 They attacked Judah, invaded it, and seized all the goods found in the king's palace, plus his sons and wives, leaving him no son except Jehoahaz, his youngest. Nilusob nila ang Juda at sinakop, at sinamsam ang mga ari-arian sa palasyo ng hari, pati ang kanyang mga asawaʼt anak. Ang bunso lang niyang anak na si Ahazias ang hindi nadala.
18 After all this, our Father struck him with an incurable disease in his intestines. Pagkatapos noon, pinahirapan ng Panginoon si Jehoram ng karamdaman sa tiyan na walang kagalingan.
19 In time, after two years, his intestines came out because of his disease, and he died in agony. His people made no fire for him, as they had for his ancestors. At pagkalipas ng dalawang taon, lumabas ang kanyang bituka dahil sa karamdaman, at namatay siya sa sobrang sakit. Hindi nagsindi ng apoy ang kanyang mamamayan sa pagpaparangal sa kanya, tulad ng kanilang ginawa sa kanyang mga ninuno.
20 He was thirty-two when crowned king; he reigned eight years in Jerusalem. He died unmourned, buried in the City of David, but not among the kings' tombs. Si Jehoram ay tatlumpuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng walong taon. Nang mamatay siya, walang nagluksa sa kanya. Inilibing siya sa Lungsod ni David, pero hindi sa libingan ng mga hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]