Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The people of Jerusalem made his youngest son Ahaziah king in his place, since the raiders who came with the Arabs into the camp had killed all the older sons. So Ahaziah son of Jehoram king of Judah became king. Si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram ang iniluklok ng mga mamamayan ng Jerusalem na kanilang hari. Sapagkat ang ibang mga anak ni Jehoram ay pinagpapatay ng mga tulisang Arabo na lumusob sa Juda. Kaya naghari sa Juda si Ahazias na anak ni Haring Jehoram.
2 Ahaziah became king at twenty-two and reigned one year in Jerusalem. His mother was Athaliah, granddaughter of Omri. Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Omri.
3 He too followed the ways of Ahab's house, for his mother counseled him to do evil. Sumunod din si Ahazias sa pamumuhay ng sambahayan ni Ahab, dahil hinikayat siya ng kanyang ina sa paggawa ng kasamaan.
4 He did evil in our Father's eyes, like Ahab's house, for after his father's death they were his counselors, to his ruin. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil pagkatapos mamatay ng kanyang ama, naging tagapayo niya ang mga miyembro ng sambahayan ni Ahab.
5 He followed their advice too, joining Joram son of Ahab, Israel's king, to fight Hazael king of Aram at Ramoth-gilead, where the Arameans wounded Joram. Sinunod niya ang payo nila na kumampi kay Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel. Sumama siya kay Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead, at nasugatan si Joram.
6 So he returned to Jezreel to recover from the wounds he received at Ramah fighting Hazael king of Aram. Ahaziah son of Jehoram king of Judah went down to Jezreel to see Joram son of Ahab, because he was wounded. Kaya umuwi siya sa Jezreel upang magpagaling ng sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban kay Haring Hazael Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel. Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.
7 Ahaziah's downfall came from our Father when he visited Joram. On arriving, he went out with Jehoram against Jehu son of Nimshi, whom our Father had anointed to destroy the house of Ahab. Ang pagdalaw ni Ahazias kay Joram ay ginamit ng Diyos upang lipulin si Ahazias. Nang naroon si Ahazias, tinulungan niya si Joram upang makipaglaban kay Jehu na anak ni Nimsi. Si Jehu ang pinili ng Panginoon upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.
8 As Jehu carried out judgment on Ahab's house, he found Judah's officials and Ahaziah's nephews who served Ahaziah, and killed them. Habang nililipol ni Jehu ang sambahayan ni Ahab, nakita niya ang mga opisyal ng Juda at ang mga anak ng mga kamag-anak ni Ahazias na sumáma kay Ahazias. At pinagpapatay niya sila.
9 He searched for Ahaziah, who was captured while hiding in Samaria. They brought him to Jehu and killed him, then buried him, saying, "He is Jehoshaphat's son, who sought our Father with all his heart." So Ahaziah's house had no one strong enough to hold the kingdom. Pagkatapos, hinanap ng mga tauhan ni Jehu si Ahazias, at nakita nila ito na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu na siyang pumatay dito. Inilibing nila si Ahazias dahil sabi nila, “Apo siya ni Jehoshafat, ang taong dumulog sa Panginoon nang buong puso.” Wala ni isang naiwan sa mga miyembro ng pamilya ni Ahazias ang may kakayahang maghari.
10 When Athaliah, Ahaziah's mother, saw her son was dead, she set out to destroy all the royal offspring of Judah's house. Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.
11 But Jehoshabeath the king's daughter took Joash son of Ahaziah, stealing him from among the royal sons about to be killed, and hid him with his nurse in a bedroom. So Jehoshabeath, King Jehoram's daughter, Jehoiada the priest's wife and Ahaziah's sister, hid him from Athaliah, so she did not kill him. Ngunit iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosabet ay kapatid ni Ahazias at anak na babae ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada. Itinago niya si Joas at ang kanyang yaya sa isang silid, kaya hindi siya napatay ni Atalia.
12 He stayed hidden with them in the house of our Father six years while Athaliah reigned over the land. Sa loob ng anim na taon, nakatago sa Templo ng Panginoon si Joas habang si Atalia ang namamahala sa lupain.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]