Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 20 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Later, Moabites and Ammonites, with some Meunites, came to make war on Jehoshaphat. Pagkatapos, nakipaglaban ang mga Moabita at mga Amonita, kasama ng ibang mga Meunita, kay Jehoshafat.
2 Messengers came and reported to Jehoshaphat, "A vast army comes against you from beyond the Dead Sea, from Edom, already at Hazazon-tamar" (En-gedi). May mga taong pumunta kay Jehoshafat at nagsabi, “Napakarami pong sundalo ang papalapit upang lusubin kayo. Silaʼy galing sa Edom, sa kabilang bahagi ng Dagat na Patay. Naroon sila sa Hazazon-tamar” (na tinatawag ding En-gedi).
3 Jehoshaphat was afraid, so he set himself to seek our Father, and proclaimed a fast throughout Judah. Natakot si Jehoshafat at dumulog siya sa Panginoon. At nag-utos siya na mag-ayuno ang lahat ng taga-Juda.
4 Judah gathered to seek our Father; from every town of Judah they came to seek him. Kaya nagtipon ang mga tao mula sa lahat ng bayan ng Juda upang humingi ng tulong sa Panginoon.
5 Then Jehoshaphat stood up in the assembly of Judah and Jerusalem, in our Father's house, before the new courtyard. Tumayo si Jehoshafat sa harapan ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem doon sa harap ng Templo ng Panginoon, sa harapan ng bagong bakuran nito,
6 He said: "O our Father, God of our ancestors, are you not our Father in heaven? You rule all kingdoms of nations. Power and might are in your hand; none can stand against you. at nagsabi, “O Panginoon, Diyos ng aming mga ninuno, kayo po ang Diyos na nasa langit. Kayo ang namamahala sa lahat ng kaharian sa mundo. Makapangyarihan po kayo dahil walang makakalaban sa inyo.
7 Our Father, didn't you drive out this land's people before your people Israel, giving it forever to Abraham your friend's descendants? O Diyos namin, hindi baʼt itinaboy nʼyo po ang mga nakatira sa lupaing ito sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan? At hindi ba ibinigay nʼyo po ito sa kanila na mga lahi ni Abraham na inyong kaibigan, upang maging kanila magpakailanman?
8 They have lived in it and have built you a sanctuary in it for your name, saying, Nakatira po sila rito at nagpatayo ng Templo para sa karangalan ng inyong pangalan. Sinabi nila,
9 if disaster comes on us—sword of judgment, plague, or famine—we'll stand before this house and before you, for your name is in this house, and cry out to you in our distress, and you'll hear and save. ‘Kung may sakunang darating sa amin gaya ng labanan, kasamaan, o taggutom, tatayo kami sa inyong presensya sa harap ng Templong ito kung saan pinararangalan kayo. Hihingi kami ng tulong sa inyo sa aming kahirapan, at pakikinggan nʼyo kami at ililigtas.’
10 Now: Ammon, Moab, and Mount Seir—you would not let Israel invade them when they came from Egypt; Israel turned away from them and did not destroy them. “Ngayon, nilulusob kami ng mga tao mula sa Amon, Moab at Bundok ng Seir. Noon, ang mga teritoryo nila ay hindi nʼyo pinapayagang sakupin ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Kaya umiwas ang mga Israelita sa kanila at hindi sila nilipol.
11 See how they repay us, coming to drive us from the possession you gave us to inherit. Ngunit ngayon, masdan nʼyo po ang iginanti nila sa amin. Nilulusob nila kami upang itaboy kami sa lupain na inyo pong ibinigay sa amin bilang mana.
12 Our Father, won't you judge them? We're powerless against this vast army coming against us; we don't know what to do, but our eyes are on you." O Diyos namin, hindi nʼyo po ba sila parurusahan? Sapagkat wala kaming kakayahang humarap sa napakaraming sundalo na lumulusob sa amin. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin namin, pero nagtitiwala po kami sa inyo.”
13 All Judah stood there before our Father, with their little ones, their wives, and their children. Nakatayo roon ang lahat ng lalaking taga-Juda sa harap ng Panginoon, kasama ang kanilang mga asawaʼt anak, at kanilang mga sanggol.
14 Then our Father's Spirit came on Jahaziel son of Zechariah, son of Benaiah, son of Jeiel, son of Mattaniah, a Levite of Asaph's line, amid the assembly. Pinatnubayan ng Espiritu ng Panginoon si Jahaziel na nakatayo roon kasama nila. Si Jahaziel ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Benaias. Si Benaias ay anak ni Jeiel. At si Jeiel ay anak ni Matanias na Levita at mula sa angkan ni Asaf.
15 He said: "Listen, all Judah, Jerusalem's residents, and King Jehoshaphat. This is what our Father says to you: Do not fear or be terrified by this vast army—the battle isn't yours but our Father's. Sinabi ni Jahaziel, “Makinig po kayo, Haring Jehoshafat, at lahat kayong nakatira sa Juda at Jerusalem! Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa napakaraming sundalong ito, dahil ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo kundi sa Diyos.
16 Tomorrow go down against them: they're climbing the Ziz ascent; you'll find them at the valley's end, facing the Jeruel wilderness. Bukas, puntahan nʼyo sila. Makikita nʼyo sila na aahon sa ahunan ng Ziz, sa dulo ng kapatagan na papuntang ilang ng Jeruel.
17 You won't need to fight this battle. Take your places, stand firm, and watch our Father rescue you, Judah and Jerusalem. Don't fear or lose heart. March out against them tomorrow, for our Father is with you.'" Hindi na kailangan na makipaglaban pa kayo. Maghanda lang kayo at magpakatatag, at masdan nʼyo ang katagumpayan na gagawin ng Panginoon para sa inyo. Kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, huwag kayong matakot o manghina. Harapin nʼyo sila bukas at ang Panginoon ay sasáma sa inyo.’ ”
18 Jehoshaphat bowed face-down, and all Judah and Jerusalem's people fell in worship before our Father. Lumuhod si Jehoshafat at ang lahat ng taga-Juda at taga-Jerusalem sa pagsamba sa Panginoon.
19 Then the Levites from the Kohathites and Korahites stood to praise our Father, Israel's God, with a loud voice raised high. Pagkatapos, tumayo ang ibang mga Levita mula sa mga pamilya nina Kohat at Kora at nagpuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, sa napakalakas na tinig.
20 At dawn they went out to Tekoa's wilderness. As they went out, Jehoshaphat stood and said, "Hear me, Judah and people of Jerusalem. Trust your Father and you'll stand firm; trust his prophets and you'll succeed." Kinabukasan nang maagang-maaga pa, pumunta sina Jehoshafat sa disyerto ng Tekoa. Habang naglalakad sila, huminto si Jehoshafat at nagsabi, “Pakinggan nʼyo ako, kayong taga-Juda at taga-Jerusalem! Maniwala kayo sa Panginoon na inyong Diyos, at maging matatag kayo. Maniwala kayo sa kanyang propeta, at magtatagumpay kayo.”
21 After consulting the people, Jehoshaphat appointed singers to our Father to praise his holy splendor, marching ahead of the army: "Give thanks to our Father, for his faithful love endures forever." Pagkatapos niyang makipag-usap sa mga tao, pumili siya ng mga mang-aawit upang mauna sa kanila at umawit sa Panginoon upang papurihan siya sa kanyang banal na presensya. Ito ang kanilang inaawit: “Pasalamatan ang Panginoon dahil ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.”
22 As they began to sing and praise, our Father set ambushes against the Ammonites, Moabites, and the people of Mount Seir who were attacking Judah, and they were struck down. At nang nagsimula silang umawit ng mga papuri, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Moabita, Amonita at mga taga-Bundok ng Seir.
23 Ammon and Moab turned against Mount Seir's people to destroy and annihilate them; once Seir's people were finished, Ammon and Moab turned and slaughtered each other. Nilusob ng mga Amonita at Moabita ang mga sundalo ng mga taga-Bundok ng Seir at nilipol silang lahat. Pagkatapos nilang pumatay, sila naman ang nagpatayan.
24 When Judah reached the wilderness lookout and looked toward the vast army, they saw only corpses fallen on the ground—no one had escaped. Pagdating ng mga sundalo ng Juda sa mataas na bahagi ng disyerto, nakita nila ang mga bangkay ng mga kalaban nila na nakahandusay sa lupa. Wala kahit isang buhay.
25 Jehoshaphat and his people came to plunder the dead, finding abundant goods, clothing, and valuables—too much to carry, so gathering it took three days. Kaya pinuntahan ito ni Jehoshafat at ng mga tauhan niya, at sinamsam ang kanilang mga ari-arian. Marami ang kanilang nasamsam na mga gamit, mga damit, at iba pang mahahalagang bagay na halos hindi na nila madala. Inabot sila ng tatlong araw sa pagsamsam dahil sa sobrang dami ng mga ari-arian.
26 On day four, they gathered at the Valley of Beracah and praised our Father there—so it's named Valley of Beracah to this day. Nang ikaapat na araw, nagtipon sila sa Lambak ng Beraca kung saan nagpuri sila sa Panginoon. Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong Lambak ng Beraca hanggang ngayon.
27 All the men of Judah and Jerusalem, Jehoshaphat leading, returned there with joy, for our Father gave them joy over their enemies. Pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem na pinangunahan ni Jehoshafat. Masaya sila dahil pinagtagumpay sila ng Panginoon sa kanilang mga kalaban.
28 They entered Jerusalem with harps, lyres, and trumpets, and went to the house of our Father. Pagdating nila sa Jerusalem, dumiretso sila sa Templo ng Panginoon, na tumutugtog ng mga alpa, lira at mga trumpeta.
29 Fear of our Father fell on all the surrounding kingdoms when they heard our Father fought Israel's enemies. Nang marinig ng lahat ng kaharian kung paano nakipaglaban ang Panginoon sa mga kalaban ng Israel, natakot sila.
30 So Jehoshaphat's kingdom was at peace, for his Father gave him rest on every side. Kaya may kapayapaan ang kaharian ni Jehoshafat dahil binigyan siya ng kanyang Diyos ng kapayapaan sa kanyang paligid.
31 Jehoshaphat reigned over Judah, crowned at thirty-five, twenty-five years in Jerusalem; his mother, Azubah daughter of Shilhi. Iyon ang paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Siyaʼy tatlumpuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt limang taon. Ang kanyang ina ay si Azuba na anak ni Silhi.
32 He walked in his father Asa's ways, never turning aside, doing right in our Father's eyes. Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang kanyang ginawa sa paningin ng Panginoon.
33 Yet the high places stayed; the people still had not set their hearts on their ancestors' God. Ngunit hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, at ang mga tao ay hindi pa rin naging tapat sa pagsunod sa Diyos ng kanilang ninuno.
34 Jehoshaphat's other acts, first to last, are in Jehu son of Hanani's records, found in the Book of Kings of Israel. Ang iba pang salaysay sa paghahari ni Jehoshafat, mula simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Mga Aklat ni Jehu na anak ni Hanani, na kasama sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
35 Later Jehoshaphat king of Judah allied with Ahaziah king of Israel, who did evil. Ngunit sa mga huling bahagi ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda, nakipag-alyansa siya kay Haring Ahazias ng Israel, na isang masamang tao.
36 He joined with him to build a fleet of trading ships to go to Tarshish, built at Ezion-geber. Nagkasundo sila na magpagawa ng mga barko na pang-negosyo. Ipinagawa nila ito sa piyer ng Ezion-geber.
37 Eliezer son of Dodavahu of Mareshah prophesied against Jehoshaphat: "For allying with Ahaziah, our Father broke your work apart." The ships wrecked and couldn't sail to Tarshish. Kaya si Eliezer na anak ni Dodavahu na taga-Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat, “Dahil kumampi ka kay Ahazias, gigibain Panginoon ang ipinagawa ninyo.” Kaya nagiba ang barko at hindi ito nakapaglakbay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]