Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Solomon son of David strengthened his hold on his kingdom; our Father was with him, making him very great. Naging matatag ang paghahari ni Solomon na anak ni David sa kaharian niya dahil kasama niya ang Panginoon na kanyang Diyos, at siyaʼy ginawa niyang makapangyarihan.
2 Solomon spoke to all Israel—the commanders of thousands and hundreds, the judges, and every leader in Israel, the family heads. Nakipag-usap si Solomon sa lahat ng mga Israelita, sa mga kumander ng mga libo-libo at daan-daang mga sundalo, sa mga hukom, sa lahat ng pinuno ng Israel, at sa mga pinuno ng mga pamilya.
3 Solomon and the whole assembly went to the high place at Gibeon, where our Father's tent of meeting stood, which Moses, our Father's servant, made in the wilderness. Pagkatapos, umalis si Solomon at ang lahat ng naroon, at pumunta sila sa sambahan sa mataas na lugar sa Gibeon, dahil naroon ang Toldang Tipanan ng Diyos. Ito ang toldang itinayo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa ilang noon.
4 But David had brought the ark of our Father up from Kiriath-jearim to the place he prepared for it, pitching a tent for it in Jerusalem. Nang panahong iyon, nailipat na ni David ang Kahon ng Diyos mula sa Kiriat-jearim papunta sa toldang inihanda niya para dito, doon sa Jerusalem.
5 The bronze altar Bezalel son of Uri, son of Hur, made was there before the tabernacle of our Father; so Solomon and the assembly sought our Father there. Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng Panginoon. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao upang magtanong sa Panginoon.
6 Solomon went up to the bronze altar before our Father at the tent of meeting and offered 1,000 burnt offerings on it. Pagkatapos, umakyat si Solomon sa tansong altar sa presensya ng Panginoon sa Toldang Tipanan, at naghandog ng isang libong handog na sinusunog.
7 That night our Father appeared to Solomon and said to him, "Ask what I should give you." Nang gabing iyon, nagpakita ang Diyos kay Solomon at sinabi sa kanya, “Humingi ka ng kahit ano at ibibigay ko ito sa iyo.”
8 Solomon said to our Father, "You showed great covenant love to David my father, and made me king in his place. Sumagot si Solomon, “Ipinakita po ninyo ang inyong dakilang kabutihan sa aking amang si David. At ngayon, ipinalit nʼyo ako sa kanya bilang hari.
9 Now, my Father, confirm your promise to my father David, for you made me king over a people as many as the earth's dust. Kaya ngayon, Panginoong Diyos, tuparin nʼyo po ang pangako nʼyo sa aking amang si David, dahil ginawa nʼyo po akong hari ng mga taong kasindami ng buhangin.
10 Give me wisdom and knowledge now to lead this people, for who can govern this great people of yours?" Bigyan nʼyo po ako ng karunungan at kaalaman upang mapamahalaan ko ang mga taong ito. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa mga mamamayan ninyo na napakarami?”
11 Our Father said to Solomon, "Because this was in your heart—you asked not for riches, wealth, or honor, nor your enemies' lives, nor long life, but for wisdom and knowledge to govern my people, over whom I made you king, Sinabi ng Diyos kay Solomon, “Dahil iyan ang iyong kagustuhan na matulungan ang iyong mga mamamayan at hindi ka humingi ng kayamanan, o karangalan, o kamatayan ng iyong mga kalaban, o ng mahabang buhay, kundi humingi ka ng karunungan at kaalaman para sa maayos na pamamahala ng aking mga mamamayan na kung saan ginawa kitang hari,
12 wisdom and knowledge are given you. I will also give you riches, wealth, and honor no king before you had, and none after you will." ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi. At hindi lang iyan, bibigyan din kita ng mga kayamanan, ari-arian at karangalan na hindi pa nakamtan ng sinumang hari noon at sa darating na panahon.”
13 So Solomon went from Gibeon's high place, from before the tent of meeting, to Jerusalem, and reigned over Israel. Pagkatapos, umalis si Solomon sa Toldang Tipanan doon sa sambahan sa matataas na lugar na nasa Gibeon, at bumalik sa Jerusalem. At naghari siya sa Israel.
14 Solomon gathered chariots and horsemen; he had 1,400 chariots and 12,000 horsemen, which he stationed in the chariot cities and with the king in Jerusalem. Nakapagtipon si Solomon ng isang libo at apatnaraang karwahe at labindalawang libong kabayo. Inilagay niya ang iba nito sa mga lungsod na taguan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.
15 In Jerusalem the king made silver and gold like stones, and cedar as plentiful as foothill sycamore-figs. Noong panahong siya ang hari, ang pilak at ginto sa Jerusalem ay kasing-ordinaryo lang ng bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.
16 Solomon's horses came from Egypt and Kue; the king's traders bought them from Kue at market price. Ang mga kabayo ni Solomon ay inangkat pa sa Ehipto at sa Cilicia. Binili ito sa Cilicia ng kanyang mga tagabili sa tamang halaga.
17 They imported a chariot from Egypt for about fifteen pounds of silver, a horse for about four; through them they exported these to all the kings of the Hittites and Aram. Nang panahong iyon, ang halaga ng karwahe na mula sa Ehipto ay animnaraang pirasong pilak at ang kabayo ay 150 pirasong pilak. Ipinagbili rin nila ito sa lahat ng hari ng mga Heteo at mga Arameo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]