Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Solomon resolved to build a house for our Father's name, and a royal palace for himself. Nag-utos si Solomon na magtayo ng Templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon, at ng palasyo para sa kanyang sarili.
2 Solomon assigned 70,000 carriers, 80,000 stonecutters in the mountains, and 3,600 overseers over them. Nagpatawag siya ng pitumpung libong lalaking tagahakot, walumpung libong lalaking tagatabas ng mga bato sa mababang bahagi ng bundok, at tatlong libo at animnaraang kapatas.
3 Solomon sent to Huram king of Tyre: "Deal with me as you did with my father David, sending him cedar to build his house to live in. Nagpadala si Solomon ng ganitong mensahe kay Haring Hiram ng Tiro: “Padalhan mo ako ng mga kahoy na sedro gaya ng ipinadala mo sa aking amang si David nang nagpatayo siya ng palasyo niya.
4 I am building a house for the name of my Father, to dedicate it to him—to burn fragrant incense before him, set out the bread of the Presence continually, offer burnt offerings morning and evening, on sabbaths, new moons, and appointed feasts of our Father. Israel must do this forever. Magpapatayo ako ng templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Diyos. Magiging banal ang lugar na ito na pinagsusunugan ng mabangong insenso, pinaghahandugan ng tinapay, at pinag-aalayan ng mga handog na sinusunog tuwing umaga at gabi at sa Araw ng Pamamahinga, sa Pista ng Bagong Buwan at sa iba pang mga pista sa pagpaparangal sa Panginoon na aming Diyos. Ipinatutupad ang tuntuning ito sa lahat ng mga Israelita magpakailanman.
5 The house I am building will be great, for our Father is greater than all gods. “Napakalaki ng Templo na itatayo ko dahil mas makapangyarihan ang aming Diyos kaysa sa ibang mga diyos.
6 But who can build him a house, when heaven and the highest heavens cannot contain him? And who am I to build him one, except to burn sacrifices before him? Ngunit sino nga ba ang makakapagpatayo ng Templo para sa kanya? Ang langit, kahit ang pinakamataas na langit, ay hindi sapat para sa kanya. Kaya sino naman ako para magpatayo ng Templo para sa kanya? Ang maipatatayo ko lang ay isang lugar na pagsusunugan ng mga handog sa harapan niya.
7 Now send me a craftsman skilled in gold, silver, bronze, iron, purple, crimson, and blue yarn, and in engraving, to work with my skilled workers in Judah and Jerusalem, whom my father David provided. “Kaya ngayon, padalhan mo ako ng taong mahusay sa mga ginto, pilak, tansoʼt bakal, at mahusay gumawa ng telang kulay ube, pula at asul, at mahuhusay na mang-uukit. Gagawa siya kasama ng aking mahuhusay na manggagawang taga-Juda at taga-Jerusalem, na pinili ng aking amang si David.
8 Send me also cedar, cypress, and red sandalwood from Lebanon, for I know your servants skillfully cut Lebanon's timber; my servants will join yours. “Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum mula sa Lebanon, dahil alam kong mahusay ang mga tauhan mo sa pagputol ng kahoy. Tutulong ang mga tauhan ko sa mga tauhan mo
9 Prepare plenty of timber for me, for the house I am building will be great and wonderful. sa paghahanda ng maraming kahoy, dahil malaki at maganda ang Templong itatayo ko.
10 For your servants who cut the timber I will give about 125,000 bushels of crushed wheat, 125,000 of barley, 115,000 gallons of wine, and 115,000 of oil." Babayaran ko ang iyong mga tagaputol ng kahoy ng isandaang libong takal ng trigo, isandaang libong takal ng sebada, 110,000 galon ng alak at 110,000 galon ng langis ng olibo.”
11 Huram king of Tyre wrote Solomon: "Because the LORD loves his people, he made you their king." Ito ang sulat na isinagot ni Haring Hiram ng Tiro kay Solomon: “Dahil iniibig ng Panginoon ang kanyang bayan, ginawa ka niyang hari nila.
12 Huram said: "Blessed be the LORD, God of Israel, maker of heaven and earth! He gave King David a wise son with insight and understanding, to build a house for the LORD and a royal palace for himself. Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel na gumawa ng langit at lupa! Binigyan niya si Haring David ng matalinong anak na puno ng kaalaman at pang-unawa, na magtatayo ng Templo para sa Panginoon at ng palasyo para sa kanyang sarili.
13 Now I am sending you a skilled craftsman, gifted with understanding, Huram-abi, “Ipapadala ko sa iyo si Huram-abi na isang mahusay na manggagawa.
14 son of a woman of Dan's daughters, his father a man of Tyre—skilled in gold, silver, bronze, iron, stone, wood, purple, blue, and crimson yarn, and fine linen. He can do any engraving and carry out any design assigned to him, working with your craftsmen and those of my lord David, your father. Ang kanyang ina ay mula sa Dan at ang kanyang amaʼy mula sa Tiro. Dalubhasa siya sa paggawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, bato at kahoy, at sa paggawa ng telang kulay ube, pula at asul, at pinong lino. Dalubhasa siya sa kahit anong uri ng pag-ukit, at makakagawa siya ng anumang uri ng disenyo na ipapagawa mo sa kanya. Gagawa siya kasama ng iyong manggagawa at ng mga manggagawa na pinili ng kagalang-galang na si David, na iyong ama.
15 So let my lord send his servants the wheat, barley, oil, and wine he promised, “Kaya ngayon, ipadala ninyo sa amin ang trigo, sebada, alak at langis ng olibo na inyong ipinangako,
16 and we'll cut all the timber you need from Lebanon, float it to you as rafts by sea to Joppa, and you can haul it up to Jerusalem." at ipapaputol na rin namin ang maraming kahoy na kailangan ninyo mula sa Lebanon. Pagkatapos, idudugtong namin na parang balsa at palulutangin sa dagat papunta sa Joppa. At kayo na ang magdadala nito sa Jerusalem.”
17 Solomon counted all the foreigners residing in the land of Israel, as his father David had; they numbered 153,600. Sinensus ni Solomon ang lahat ng dayuhang nakatira sa Israel katulad ng ginawa ni David na kanyang ama, at ang bilang ay 153,600.
18 He assigned 70,000 as carriers, 80,000 as stonecutters in the mountains, and 3,600 as overseers to keep the people working. Ginawa niya ang pitumpung libo sa kanila na tagahakot, walumpung libo na tagatabas ng bato sa mababang bahagi ng bundok, at ang 3,600 bilang kapatas na mamamahala sa mga manggagawa.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]