Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 29 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 David the king told the whole assembly: My son Solomon, the one our Father has chosen, is young and inexperienced, and the task is great, for the temple is not for man but for our Father. Pagkatapos, sinabi ni Haring David sa lahat ng mamamayan, “Ang anak kong si Solomon na pinili ng Diyos na hahalili sa akin bilang hari ng Israel ay bata pa at wala pang karanasan. Malaki ang gawain na ito, dahil ang ipapatayong gusali ay hindi para sa tao kundi para sa Panginoong Diyos.
2 With all my strength I have provided for my Father's house: gold for the gold, silver for the silver, bronze for the bronze, iron for the iron, wood for the wood; onyx stones and stones for settings, stones of antimony and varied colors, every kind of precious stone, and marble in abundance. Ginawa ko ang lahat upang maihanda ang mga materyales para sa templo ng aking Diyos gaya ng maraming ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, mamahaling bato na onise, at iba pang mamahaling hiyas at mga batong may ibaʼt ibang kulay, at marami ring marmol.
3 Because I delight in my Father's house, I give my personal treasure of gold and silver to my Father's house, beyond all I've provided for the holy house: At dahil sa kagustuhan kong maitayo ang Templo ng aking Diyos, ibibigay ko pati ang personal kong mga ginto at pilak, bukod pa ang mga materyales na naipon ko para sa banal na Templo.
4 about 112 tons of gold, gold of Ophir, and about 262 tons of refined silver, to overlay the buildings' walls. Magbibigay ako ng mahigit isandaang toneladang ginto mula sa Ofir, at 250 toneladang pilak. Ito ay gagamiting pantapal sa mga dingding ng Templo,
5 Gold for the gold, silver for the silver, and every task for craftsmen's hands. Now who is willing to dedicate himself today to our Father? at para sa mga gawaing nangangailangan ng ginto at pilak at sa lahat ng gagawin ng mga platero. Sino ngayon ang kusang-loob na magtatalaga ng kanilang sarili sa Panginoon?”
6 Then the clan leaders, the tribal leaders of Israel, the commanders of thousands and hundreds, and the officials over the king's work offered willingly. Pagkatapos, kusang-loob na nagbigay ang mga pinuno ng mga pamilya, mga pinuno ng mga lahi ng Israel, mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, at ang mga opisyal na itinalaga sa pamamahala ng mga ari-arian ng hari.
7 For the service of our Father's house, they gave about 188 tons of gold and 10,000 darics, 375 tons of silver, 675 tons of bronze, and 3,750 tons of iron. Nagbigay sila para sa pagpapagawa ng templo ng Diyos ng 175 toneladang ginto, sampung libong perang ginto, 350 toneladang pilak, 630 toneladang tanso, at 3,500 toneladang bakal.
8 Whoever had precious stones gave them to our Father's house treasury, under Jehiel the Gershonite's care. May mga nagbigay din ng mga mamahaling bato, at itinabi ito sa bodega ng templo ng Panginoon na pinamamahalaan ni Jehiel na mula sa angkan ni Gerson.
9 The people rejoiced at their willing gifts, offered freely to our Father with a whole heart; King David also rejoiced greatly. Nagalak ang mga tao sa mga pinuno nila dahil kusang-loob at taos-puso silang nagbigay para sa Panginoon. Labis din ang kagalakan ni Haring David.
10 So David blessed our Father before the whole assembly. And David said, "Blessed are you, the Father of Israel our father, from everlasting to everlasting. Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Diyos ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman!
11 Yours, our Father, are the greatness, the power, the glory, the victory, and the majesty—for everything in the heavens and on earth is yours. Yours is the kingdom, our Father; you are lifted up as head over all. Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan ang kapurihan, katagumpayan at karangalan! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!
12 Riches and honor come from you; you rule over all. Power and might are in your hand; it is in your hand to make great and to give strength to all. Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.
13 And now, our Father, we give thanks to you and praise your glorious name. Ngayon, O aming Diyos, pinasasalamatan namin kayo at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan.”
14 Who am I, and who are my people, that we could offer so willingly? Everything comes from you—we have only given you what's from your own hand. “Ngunit sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nʼyo sa amin.
15 We are foreigners and guests before you, as all our ancestors were; our days on earth are like a shadow, with no hope of staying. Nalalaman nʼyo, na pansamantala lang kami rito sa mundo gaya ng aming mga ninuno. Ang buhay namin ay gaya ng anino na hindi nananatili.
16 O our Father, all this wealth we gathered to build you a house for your holy name comes from your hand, and all of it is yours. O Panginoon naming Diyos, ang lahat ng ibinigay namin sa pagpapatayo ng templo para sa karangalan ng inyong banal na pangalan ay nagmula sa inyo. Pagmamay-ari nʼyo ang lahat ng ito!
17 I know, my Father, you test the heart and delight in integrity. In my heart's integrity I have freely given all this, and now I see your people found here, giving to you with joy. O aking Diyos, alam ko pong sinasaliksik nʼyo ang aming puso at nasisiyahan kayo kapag nakikita nʼyong tapat ito. Tapat at kusang-loob ang pagbibigay ko sa inyo ng mga bagay na ito. At nagagalak po ako dahil nakita kong kahit ang mga mamamayan ninyong narito ay kusang-loob na nagbigay.
18 O God of Abraham, Isaac, and Israel, our fathers, keep this intent forever in your people's hearts, and direct their hearts toward you. O Panginoon, ang Diyos ng aming mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, palagi nʼyo po sanang ilagay sa puso ng mga mamamayan ninyo ang naising ito at tulungan nʼyo po sila na maging tapat sa inyo.
19 Give my son Solomon a whole heart to keep your commands, testimonies, and statutes, to do all this, and build the temple I have provided for." Tulungan nʼyo rin po ang anak kong si Solomon na lalong maging tapat sa pagsunod sa inyong mga utos, katuruan at mga tuntunin, at sa paggawa ng lahat ng ipinatutupad ninyo tungkol sa pagpapatayo ng templo na aking inihanda.”
20 David told the whole assembly, "Bless your Father now." So they all blessed the God of their fathers, bowed their heads, and fell facedown before our Father and the king. Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “Purihin nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari.
21 They sacrificed sacrifices to our Father and offered burnt offerings to our Father the next day: 1,000 bulls, 1,000 rams, 1,000 lambs, with their drink offerings, and abundant sacrifices for all Israel. Nang sumunod na araw, nag-alay sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog: isang libong toro, isang libong lalaking tupa at isang libong batang tupa. Nag-alay din sila ng mga handog na inumin at iba pang mga handog para sa mga Israelita.
22 They ate and drank before our Father that day with great joy, made Solomon son of David king again, anointed him ruler for our Father, and Zadok priest. Masaya silang nagkainan at nag-inuman sa presensya ng Panginoon nang araw na iyon. Muli, idineklara nilang hari si Solomon na anak ni David. Binuhusan si Solomon ng langis sa presensya ng Panginoon bilang hari, at binuhusan din ng langis si Sadoc bilang pari.
23 Solomon sat on our Father's throne as king in place of David his father. He thrived, and all Israel obeyed him. Kaya umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari, kapalit ng ama niyang si David. Naging maunlad si Solomon, at sumunod sa kanya ang buong Israel.
24 Also all the leaders and mighty warriors, and also all King David's sons, submitted to King Solomon. Nangako ang lahat ng opisyal, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng anak na lalaki ni Haring David na magpapasakop sila kay Haring Solomon.
25 And our Father made Solomon exceedingly great in the sight of all Israel, giving him royal majesty beyond any king before him in Israel. Niloob ng Panginoon na maging tanyag si Solomon sa buong Israel at binigyan ng karangalang hindi nakamit ng ibang hari sa Israel.
26 David son of Jesse reigned over all Israel. Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.
27 His reign over Israel lasted forty years—seven in Hebron, thirty-three in Jerusalem. Ang kabuuan ng kanyang paghahari ay apatnapung taon, pitong taon sa Hebron at tatlumpuʼt tatlong taon sa Jerusalem.
28 He died at a good old age, full of days, wealth, and honor; Solomon his son reigned in his place. Nabuhay siya nang matagal, mayaman at marangal. Namatay siya nang matandang-matanda na at ang anak niyang si Solomon ang pumalit sa kanya bilang hari.
29 Now the acts of King David, first and last, are written in the records of Samuel the seer, the records of Nathan the prophet, and the records of Gad the seer, Ang kasaysayan tungkol sa paghahari ni Haring David, mula sa simula hanggang katapusan ay nakasulat sa mga aklat ng mga propeta na sina Samuel, Natan at Gad.
30 with all his reign and might, and the events that came upon him, Israel, and all the kingdoms of the lands. Naisulat dito kung paano siya naghari, at kung gaano siya naging makapangyarihan, at ang lahat ng nangyari sa kanya at sa Israel, at sa mga nakapaligid na kaharian.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]