Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 David assembled at Jerusalem all Israel's officials: officials of the tribes, commanders of the divisions serving the king, commanders of thousands and hundreds, stewards over all the king's and his sons' property and livestock, with the court officials, the mighty men, and all valiant warriors. Ipinatawag ni Haring David sa Jerusalem ang lahat ng opisyal ng Israel: Ang mga opisyal ng mga lahi, ang mga kumander ng bawat grupo ng mga sundalo na naglilingkod sa hari, ang iba pang mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo, ang mga opisyal na namamahala sa lahat ng ari-arian at mga hayop ng hari at ng kanyang mga anak, ang mga opisyal ng palasyo, ang mga makapangyarihang tao, at ang lahat ng mahuhusay na sundalo.
2 King David rose to his feet and said, "Listen to me, my brothers and my people. I had it in my heart to build a house of rest for the ark of our Father's covenant, the footstool for his feet, and I prepared to build it. Tumayo si David at sinabi, “Makinig kayo, aking mga kapatid at tauhan. Gusto ko sanang magpatayo ng bahay upang paglagyan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na ating Diyos, upang magkaroon ng tuntungan ang kanyang mga paa. At nakapagplano na ako para sa pagpapatayo nito.
3 But our Father told me, 'You won't build a house for my name, because you're a man of war who has shed blood.' Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, ‘Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay para parangalan ang aking pangalan dahil isa kang sundalo at marami kang napatay.’
4 Yet our Father of Israel chose me, from my whole father's house, to reign over Israel forever. For our Father chose Judah to lead, and within Judah's house, chose my father's house; and of my father's sons he delighted to make me king over all Israel. “Ngunit sa kabila nito, pinili ako ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, mula sa aming pamilya na maging hari ng Israel magpakailanman. Pinili niya ang lahi ni Juda bilang pinuno ng mga lahi. At mula sa lahing ito, pinili niya ang aking pamilya, at mula sa aking pamilya ikinalugod niya ang pagpili sa akin bilang hari ng buong Israel.
5 Of all my sons—our Father has given me many—he chose Solomon my son to sit on the throne of our Father's kingdom over Israel. Binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak na lalaki, at mula sa kanila, pinili niya si Solomon na maghari sa kanyang kaharian, ang Israel.
6 He told me, 'Solomon your son will build my house and my courts, for I chose him as my son, and I will be his father.' Sinabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking bahay, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak, at akoʼy magiging kanyang ama.
7 I will establish his kingdom forever if he stays firm to keep my commands and judgments, as he does today. At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’
8 "So now, before all Israel, the assembly of our Father, and in his hearing, keep and seek out every command of your Father, so you may possess this good land and leave it to your children after you forever. “Kaya ngayon, inuutusan ko kayo sa harap ng lahat ng Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, at sa presensya ng ating Diyos, na maingat nʼyong sundin ang lahat ng utos ng Panginoon na inyong Diyos. Kung gagawin nʼyo ito, patuloy na kayo ang magmamay-ari ng magandang lupaing ito, at ipamamana ninyo ito sa inyong mga angkan magpakailanman.
9 You, Solomon my son, know the God of your father, and serve him with a whole heart and willing mind—our Father searches every heart, understands every plan and thought. Seek him and you'll find him; abandon him and he'll reject you forever. “At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Diyos ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman.
10 Take note, since our Father chose you to build a house for the sanctuary. Be strong, act." Kaya pag-isipan mo itong mabuti. Pinili ka ng Panginoon upang ipatayo ang templo upang roon siya sambahin. Magpakatatag ka, at gawin mo ang gawaing ito.”
11 David gave Solomon his son the plan of the portico of the temple, its buildings, its storerooms, its upper rooms, its inner rooms, and the room of the mercy seat, Pagkatapos, ibinigay ni David kay Solomon ang lahat ng plano sa pagpapatayo ng Templo at ng mga balkonahe nito, mga gusali, mga bodega, mga silid sa itaas, mga silid sa loob, at ang silid kung saan ang mga kasalanan ay pinapatawad.
12 and the plan of all he had in mind for the courts of our Father's house, for all the surrounding rooms, for the storerooms of his house, and for the storerooms of the dedicated gifts; Ibinigay niya ang lahat ng plano na itinuro sa kanya ng Espiritu para sa pagpapatayo ng mga bakuran ng Templo ng Panginoon, sa lahat ng silid sa paligid nito, sa mga bodega ng Templo ng Diyos, kasama na ang mga bodega para sa mga bagay na inihandog.
13 for the divisions of the priests and Levites, for all the work of service in our Father's house, and all the vessels for service in his house. Tinuruan din niya si Solomon kung paano igugrupo ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng gawain sa paglilingkod sa Templo ng Panginoon, ganoon din ang lahat ng mga gagamitin sa paglilingkod.
14 He gave gold by weight for each gold article for every kind of service, and silver by weight for each silver article for every kind of service. Itinuro rin niya kung gaano karaming pilak at ginto ang gagamitin sa paggawa ng mga gamit na ito:
15 The weight for the gold lampstands and their gold lamps, the weight of gold for each gold lampstand and its lamps, and the weight of silver for each silver lampstand and its lamps, according to each lampstand's use. ang timbang ng ginto para sa mga ilawang ginto at mga lagayan nito; sa mga ilawang pilak at mga lagayan nito;
16 Gold's weight for each table of the bread of the Presence; and silver for the silver tables. ang timbang ng ginto para sa mga mesang ginto kung saan ilalagay ang tinapay na inihahandog sa Diyos; sa mesang pilak;
17 The forks, basins, and pitchers of pure gold; the weight for each gold dish; the weight for each silver dish; ang timbang ng purong ginto para sa mga malaking gintong tinidor; sa mga mangkok at mga pitsel; sa mga platong ginto at pilak;
18 refined gold by weight for the incense altar; gold for the design of the chariot—the cherubim spreading their wings and covering the ark of the covenant of our Father. at ang timbang ng purong ginto para sa gintong altar na pagsusunugan ng insenso. Tinuruan din ni David si Solomon kung paano gawin ang gintong kerubin na nakalukob ang mga pakpak sa itaas ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.
19 "All this," David said, "I have in writing from our Father's hand, who gave me understanding of all the plan's details." Sinabi ni Haring David, “Ang mga planong ito ay isinulat ayon sa gabay ng Panginoon, at tinuruan niya ako kung paano gawin ang lahat ng ito.”
20 David told his son Solomon, "Be strong and courageous; do the work. Don't fear or be discouraged, for my Father is with you. He won't fail or abandon you until all the work for the service of the house of our Father is finished. Sinabi rin ni David sa anak niyang si Solomon, “Magpakatatag ka at magpakatapang. Simulan mo na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manlupaypay, dahil ang Panginoong Diyos, ang aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa Templo ng Panginoon.
21 Look—the priests and Levites are divided, ready for all the service of our Father's house. Every skilled, willing man will join you in any task, with the officials and all the people, fully at your command." Nakahanda na ang grupo ng mga pari at mga Levita para sa lahat ng gawain sa Templo ng Diyos, at may mga tao rin na may kakayahang gumawa ng anumang gawain na handang tumulong sa iyo. Ang mga opisyal at ang lahat ng tao ay handang sumunod sa iyo.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]