Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Zechariah 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then I looked up and saw a man with a measuring line in his hand. Nang muli akong tumingin, may nakita akong lalaking may dalang panukat.
2 I asked, "Where are you going?" He said to me, "To measure Jerusalem, to see how wide and how long it is." Tinanong ko siya, “Saan ka pupunta?” Sumagot siya, “Sa Jerusalem, susukatin ko ang luwang at haba nito.”
3 The angel speaking with me left, and another angel came out to meet him, Pagkatapos, umalis ang anghel na nakikipag-usap sa akin at sinalubong siya ng isa pang anghel
4 and said to him, "Run, tell this young man: 'Jerusalem will settle like open country, with so many people and livestock in her.' at sinabi sa kanya, “Magmadali ka, sabihin mo sa lalaking may dalang panukat na ang Jerusalem ay magiging lungsod na walang pader dahil sa sobrang dami ng kanyang mga mamamayan at mga hayop.
5 I myself will be a wall of fire around her, declares our Father, and I will be the glory within her.'" Sinabi ng Panginoon na siya mismo ang magiging pader na apoy sa paligid ng lungsod ng Jerusalem, at siya rin ang magiging dakila sa bayan na ito.”
6 "Come! Come! Flee from the land of the north, declares our Father, for I scattered you like the four winds of heaven, declares our Father. “Sinabi ng Panginoon, Sige na! Magmadali kayong tumakas sa Babiloniang nasa hilaga, sapagkat katulad ng apat na hangin ng langit ay ikinalat ko kayo sa lahat ng sulok ng mundo.
7 Come, Zion! Escape, you who live with the daughter of Babylon. “Halikayo! Tumakas na kayo, kayong mga taga-Zion na binihag at dinala sa Babilonia.”
8 This is what the Father of heaven's armies says—after his glory sent me against the nations who plundered you: whoever touches you touches the apple of his eye: Pagkatapos kong makita ang pangitaing iyon, sinugo ako ng Panginoon na magsalita laban sa mga bansang sumalakay sa inyo at sumamsam ng inyong mga ari-arian. Sapagkat ang sinumang gumagawa ng masama sa inyo ay para na ring gumagawa ng masama sa mahal ng Panginoon. At ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo:
9 For look, I will wave my hand over them, and they will become plunder for those who served them. Then you will know the Father of heaven's armies sent me. “Parurusahan ko sila; sasalakayin sila ng kanilang mga alipin at sasamsamin ang kanilang mga ari-arian.” At kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin.
10 Sing and rejoice, daughter of Zion! For look, I am coming to live among you, declares our Father. Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga taga-Zion, dahil darating ako at maninirahang kasama ninyo.
11 "Many nations will join our Father that day and become my children. I will live among you, and you will know the Father of heaven's armies sent me to you. At sa panahong iyon, maraming bansa ang magpapasakop sa akin. At sila rin ay magiging mga mamamayan ko.” Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin dito sa inyo.
12 And our Father will claim Judah as his portion in the holy land, and again choose Jerusalem. At muling aangkinin ng Panginoon ang Juda bilang kanyang bahagi sa banal na lupain. At ang Jerusalem ay muli niyang ituturing na kanyang piniling lungsod.
13 Be silent, all flesh, before our Father, for he stirs himself from his holy dwelling." Manahimik kayong lahat ng tao sa harapan ng Panginoon, dahil kumikilos siya mula sa kanyang banal na tahanan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]