Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Zechariah 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then he showed me Joshua the high priest standing before the messenger of our Father, with the Accuser at his right hand to accuse him. Ipinakita sa akin ng Panginoon ang punong pari na si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon. Nakatayo naman sa gawing kanan niya si Satanas upang paratangan siya.
2 And our Father said to the Accuser, "May he rebuke you, Accuser! May he who has chosen Jerusalem rebuke you! Is this man not a burning stick snatched from the fire?" Ngunit sinabi ng anghel ng Panginoon kay Satanas, “Ayon sa Panginoon na pumili sa Jerusalem, mali ka Satanas. Hindi baʼt ito ang taong tulad ng nagniningas na panggatong na hinila mula sa apoy?”
3 Now Joshua was dressed in filthy garments as he stood before the messenger. Marumi ang damit ni Josue habang nakatayo siya sa harapan ng anghel.
4 He said to those standing before him, "Remove his filthy clothes." Then to Joshua: "See, I've taken your guilt away, and I'll dress you in fine robes." Kaya sinabi ng anghel sa iba pang mga anghel na nakatayo sa harapan ni Josue, “Hubarin ninyo ang kanyang maruming damit.” Pagkatapos, sinabi ng anghel kay Josue, “Inalis ko na ang iyong mga kasalanan. Ngayon, bibihisan kita ng bagong damit.”
5 Then I said, "Put a clean turban on his head." So they put it on his head and dressed him, while the messenger of our Father stood by. At sinabi ko, “Suotan din ninyo siya ng malinis na turban sa ulo.” Kaya binihisan nila siya ng bagong damit at nilagyan ng malinis na turban habang nakatayo at nakatingin ang anghel ng Panginoon.
6 Then the messenger of our Father solemnly charged Joshua: Pagkatapos, ibinilin ng anghel ng Panginoon kay Josue ang sinabi
7 "This is what the Father of heaven's armies says: If you walk in my ways and keep my requirements, you will govern my house and oversee my courts, and I will give you a place among these standing here. ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kung susunod ka sa akin at gagawin ang aking mga iniuutos, ikaw ang mamamahala sa aking templo at sa mga bakuran nito. At papayagan kitang lumapit sa aking harapan kasama ng mga nakatayo rito.
8 Listen now, Joshua the high priest, you and your companions seated before you, for they are men who are a sign: I am about to bring my servant, the Branch. “Ngayon, makinig ka, Josue na punong pari: Ikaw at ang mga kapwa mo pari ay larawan ng mga darating na pangyayari. Dadalhin ko ang aking lingkod, ang tinatawag na Sanga.
9 Look at the stone I set before Joshua: seven eyes on that one stone. I will engrave its inscription, declares the Father of heaven's armies, and I will remove this land's guilt in one day. Tingnan mo ang batong inilagay ko sa iyong harapan, mayroon itong pitong mata. Uukitan ko ito, at aalisin ang kasalanan ng lupain ng Israel sa loob lamang ng isang araw, sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
10 In that day, declares the Father of heaven's armies, each will invite his neighbor under his vine and under his fig tree." “Sa araw na iyon, aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang inyong mga kapitbahay na umupo sa ilalim ng inyong mga ubasan at puno ng igos. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]