Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Obadiah 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The vision of Obadiah. This is what the Sovereign Father says about Edom: We have heard a message from our Father, and an envoy sent among the nations—"Rise up! Let us rise against her for battle!" Ito ang mga pangitain ni Obadias. Ganito ang sinabi ng Panginoong Diyos tungkol sa bansang Edom: Narinig namin mula sa Panginoon na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa, “Tumindig kayoʼt salakayin natin ito!”
2 Look, I will make you small among the nations; you will be utterly despised. “Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at kayoʼy labis na hahamakin.
3 The pride of your heart has deceived you, you who live in the clefts of the rock, whose home is the heights, who say to yourself, "Who can bring me down to the ground?" Sinasabi ninyong walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili.
4 Though you soar like the eagle, though you set your nest among the stars, from there I will bring you down, declares our Father. Sapagkat kahit lumipad pa kayong tulad ng agila at magpugad sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa,” sabi ng Panginoon.
5 If thieves came to you, if plunderers came by night—how you have been destroyed!—wouldn't they steal only what they wanted? If grape-pickers came to you, wouldn't they leave some grapes behind? “Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nag-iiwan ng ilang bunga? Ngunit kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway.
6 How Esau has been ransacked, his hidden treasures plundered! Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng nakatagong kayamanan ng mga lahi ni Esau.
7 All your allies have driven you to the border; those who were at peace with you have deceived you and overpowered you; those who shared your table have set a trap beneath you—and you don't even see it. Lilinlangin kayo ng mga kakampi ninyong bansa. Ang mga bansang nakipagkaibigan sa inyo ay siya ring sasalakay sa inyo, at palalayasin nila kayo sa inyong bayan. Silang mga nakisalo sa inyo ang siya pang palihim na maglalagay ng bitag laban sa inyo.
8 Will I not on that day, declares our Father, destroy the wise men of Edom and wipe out understanding from the mountain of Esau? “Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi na sa araw ng paghatol ko sa inyo, lilipulin ko ang marurunong sa inyo. Mawawala ang karunungan sa Edom na tinatawag na Bundok ni Esau.
9 Your warriors will be shattered, Teman, so that everyone on the mountain of Esau will be cut down in the slaughter. Manginginig sa takot ang inyong mga sundalo sa lungsod ng Teman, kaya mamamatay kayong lahat na nakatira sa Bundok ni Esau.”
10 Because of the violence you did to your brother Jacob, shame will cover you, and you will be cut off forever. Dahil sa inyong pagmamalupit sa lahi ni Jacob na inyong kapatid, malalagay kayo sa kahihiyan at lilipulin magpakailanman.
11 On the day you stood by and did nothing, on the day strangers carried off his wealth and foreigners entered his gates and cast lots for Jerusalem—you too were like one of them. Pinabayaan lamang ninyo ang Jerusalem nang salakayin ito ng ibang bansa. Pinabayaan ninyong kunin ang kanilang mga ari-arian at paghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Kayoʼy tulad nila na mga kaaway ng Israel.
12 But do not gloat over your brother in the day of his misfortune; do not rejoice over the people of Judah in the day of their ruin; do not boast loudly in the day of distress. Hindi sana ninyo ikinatuwa ang panahon ng kapahamakan ng mga taga-Juda na inyong kalahi. Hindi sana kayo nagalak sa panahon ng kanilang pagkawasak. At hindi sana kayo nagmayabang sa panahon ng kanilang kahirapan.
13 Do not enter the gate of my people in the day of their calamity; you of all people, do not gloat over his disaster in the day of his calamity; do not loot his wealth in the day of his calamity. Hindi dapat sana kayo pumasok sa lungsod ng aking mga mamamayan sa panahon ng kanilang kasawian at kumuha ng kanilang mga ari-arian. At hindi sana kayo natuwa sa panahon ng kanilang paghihirap.
14 Do not stand at the crossroads to cut down his fugitives; do not hand over his survivors in the day of distress. Hindi sana kayo nag-abang sa mga sangang-daan upang patayin ang mga tumatakas mula sa Jerusalem. At hindi sana ninyo sila ibinigay sa mga kaaway sa panahon ng kanilang kasawian.
15 For the day of our Father is near for all the nations. As you have done, it will be done to you; your deeds will come back on your own head. “Malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon sa lahat ng bansa. At kung ano ang inyong ginawa sa iba, ganoon din ang gagawin sa inyo. Kung paano ang pagtrato nʼyo sa iba, ganoon din ang magiging pagtrato nila sa inyo.
16 For as you drank on my holy mountain, so all the nations will drink continually; they will drink and swallow and become as though they had never been. Kung paanong pinarusahan ang aking mga mamamayan sa aking banal na bundok, parurusahan din ang lahat ng bansa. Matinding parusa ang ibibigay ko sa kanila hanggang malipol silang lahat.
17 But on Mount Zion there will be deliverance, and it will be holy, and the house of Jacob will possess their inheritance. “Ngunit may matitirang mga Israelita sa bundok ng Zion, at magiging banal muli ang lugar na ito. Maibabalik sa mga lahi ni Jacob ang mga lupaing dati nilang pag-aari.
18 The house of Jacob will be a fire and the house of Joseph a flame, and the house of Esau will be stubble; they will burn it and consume it, and there will be no survivor of the house of Esau, for our Father has spoken. Ang mga lahi nina Jacob at Jose ay magiging tulad ng apoy na lilipol sa lahi ni Esau, tulad ng pagsunog sa dayami. At walang matitira sa lahi ni Esau.” Ito ang sinabi ng Panginoon.
19 Those of the Negev will possess the mountain of Esau, and those of the foothills the land of the Philistines; they will possess the land of Ephraim and the land of Samaria, and Benjamin will possess Gilead. “Sasakupin ng mga taga-Negeb ang bundok ni Esau, at sasakupin ng mga nakatira sa kaburulan sa kanluran ang lupain ng mga Filisteo. Sasakupin din ng mga Israelita ang lupain ng Efraim at Samaria, at sasakupin naman ng lahi ni Benjamin ang Gilead.
20 The exiles of this army of the people of Israel will possess the land of the Canaanites as far as Zarephath, and the exiles of Jerusalem who are in Sepharad will possess the cities of the Negev. Sasakupin ng nga Israelitang galing sa pagkabihag ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Ang mga taga-Jerusalem na binihag sa Sefarad ay sasakupin naman ang mga bayan ng Negeb.
21 Deliverers will go up to Mount Zion to rule the mountain of Esau, and the kingdom will belong to our Father. Aakyat sa Bundok ng Zion ang mga tagapagpalaya ng Israel upang pamahalaan ang mga taong naninirahan sa Bundok ni Esau. At ako, ang Panginoon, ang siyang maghahari.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]