Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Jonah 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now the word of our Father came to Jonah son of Amittai: Nagsalita ang Panginoon kay Jonas na anak ni Amitai. Sinabi niya,
2 "Get up, go to Nineveh, that great city, and cry out against it, for their evil has risen before me." “Pumunta ka sa malaking lungsod ng Nineve, at bigyan mo ng babala ang mga tagaroon, dahil umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasamaan.”
3 But Jonah set out to flee to Tarshish, away from our Father's presence. He went down to Joppa, found a ship bound for Tarshish, paid its fare, and boarded to go with them to Tarshish, away from our Father's presence. Ngunit tumakas agad si Jonas sa Panginoon at nagpasyang pumunta sa Tarsis. Pumunta siya sa Joppa at nakakita siya roon ng barkong maglalayag papuntang Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko kasama ng mga tripulante at ng iba pang mga pasahero upang tumakas sa Panginoon.
4 Then our Father hurled a great wind at the sea; a violent storm arose, and the ship seemed about to break apart. Nang nasa laot na sila, nagpadala ang Panginoon ng napakalakas na hangin at halos mawasak na ang barko.
5 The sailors were terrified, each crying to his own god. They threw the ship's cargo into the sea to lighten it. But Jonah had gone below deck, where he lay fast asleep. Kaya natakot ang mga tripulante, at ang bawat isa sa kanila ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Itinapon nila ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko. Si Jonas naman ay nakababa na noon sa ilalim na bahagi ng barko, humiga siya at nakatulog nang mahimbing.
6 The captain came and said, "How can you sleep? Get up, call on your god! Maybe he will notice us, and we won't perish." Pinuntahan siya ng kapitan ng barko at sinabi sa kanya, “Nagagawa mo pang matulog sa ganitong kalagayan? Bumangon ka at humingi ng tulong sa iyong diyos! Baka sakaling maawa siya sa atin, at iligtas niya tayo sa kamatayan.”
7 The men said to each other, "Come, let's cast lots to find who's to blame for this disaster on us." They cast lots, and it fell on Jonah. Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magpalabunutan na lang tayo upang malaman natin kung sino ang dahilan ng pagdating ng sakunang ito sa atin.” At nang magpalabunutan na sila, nabunot ang pangalan ni Jonas.
8 They said to him, "Tell us—you who have brought this disaster on us—what do you do? Where do you come from? What is your country? What people are you from?" Kaya kinausap nila siya, “Gusto naming malaman kung sino ang dahilan ng pagdating ng sakunang ito. Sabihin mo kung ano ang iyong hanapbuhay at kung saan ka nanggaling. Sabihin mo rin sa amin kung taga-saan ka at anong lahi mo.”
9 He answered, "I am a Hebrew, and I fear our Father, the Father of heaven, who made the sea and the dry land." Sumagot si Jonas, “Ako ay Hebreo at sumasamba sa Panginoon, ang Diyos sa langit na lumikha ng dagat at ng lupa.”
10 Then the men were terrified and said, "What have you done?" For they knew he was fleeing from our Father's presence, because he had told them. Kaya lubhang natakot ang mga tripulante, dahil sinabi na sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Panginoon. Sinabi nila sa kanya, “Ano itong ginawa mo!”
11 Then they said to him, "What should we do to you to calm the sea for us?"—for the sea grew stormier and stormier. At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?”
12 He told them, "Lift me up and throw me into the sea, and it will calm for you. I know this great storm came on you because of me." Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.”
13 Instead the men rowed hard to reach land, but could not, for the sea grew wilder and wilder against them. Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwán papunta sa dalampasigan, ngunit nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin.
14 So they cried out to our Father: "Please, God, don't let us die for taking this man's life. Don't hold us guilty of innocent blood, for you have done as you pleased." Kaya tumawag sila sa Panginoon. Sinabi nila, “O Panginoon, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Ngunit alam po naming ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.”
15 Then they picked Jonah up and hurled him into the sea, and the raging sea grew calm. Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito.
16 The men then feared our Father greatly, offered a sacrifice to our Father, and made vows. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng malaking takot ang mga tao sa Panginoon. Kaya naghandog sila at nangakong ipagpapatuloy ang paglilingkod at paghahandog sa kanya.
17 Now our Father appointed a great fish to swallow Jonah, and Jonah was in the belly of the fish three days and three nights. Samantala, nagpadala ang Panginoon ng isang malaking isda upang lunukin si Jonas. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa loob ng tiyan nito.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]