Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses in the Sinai wilderness, in the first month of the second year after they left Egypt: Nang unang buwan ng ikalawang taon, mula nang inilabas ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa disyerto ng Sinai,
2 "Let the people of Israel keep the Passover at its appointed time. “Ipagdiriwang ng mga Israelita ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa nakatakdang panahon.
3 On this month's fourteenth day, at twilight, observe it at its set time, by all its statutes and all its rules." Simula sa paglubog ng araw sa ikalabing-apat na araw ng buwang ito, kailangang sundin ninyo ang lahat ng tuntunin tungkol sa pistang ito.”
4 So Moses told the people of Israel that they should keep the Passover. Kaya sinabihan ni Moises ang mga Israelita na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel,
5 In the wilderness of Sinai, they kept the Passover on day fourteen of the first month, at twilight, as our Father commanded Moses; so the children of Israel did. at sinunod nila ito doon sa disyerto ng Sinai pagsapit ng takipsilim nang ikalabing-apat na araw ng unang buwan. Ginawa ito ng lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
6 Some men were unclean from touching a corpse and could not observe Passover that day, so they came before Moses and Aaron that day. Ngunit may iba sa kanila na hindi nakapagdiwang ng Pistang ito dahil nang araw na iyon, itinuturing silang marumi dahil nakahipo sila ng patay. Kaya nang mismong araw na iyon, pumunta sila kina Moises at Aaron
7 Those men said to him, "We are unclean from a dead body. Why must we be kept from presenting our Father's offering at its appointed time among the Israelites?" at sinabi nila, “Naging marumi kami dahil nakahipo kami ng patay, ngunit bakit hindi kami pinapayagan sa pagdiriwang ng pistang ito at sa pag-aalay ng mga handog sa Panginoon kasama ng ibang mga Israelita sa naitakdang panahon?”
8 And Moses said to them, "Wait here until I hear what our Father will command about this." Sumagot si Moises sa kanila, “Maghintay muna kayo hanggang sa malaman ko kung ano ang iuutos ng Panginoon sa akin tungkol sa inyo.”
9 Our Father spoke to Moses, saying, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
10 "Tell the Israelites: if any of you or your descendants is unclean from a corpse, or off on a distant journey, he may still keep the Passover to our Father. “Sabihin mo sa mga Israelita na kahit sino sa kanila o sa kanilang mga lahi na naging marumi dahil sa paghipo ng patay o dahil bumiyahe siya sa malayo, makakapagdiwang pa rin siya ng Pista ng Paglampas ng Anghel.
11 In month two, on day fourteen, at twilight, they must keep it, eating it with unleavened bread and bitter herbs. Ipagdiriwang nila ito pagkalipas ng isang buwan, simula sa paglubog ng araw sa ika-labing-apat na araw ng ikalawang buwan. Kakain sila ng tupa kasama ng tinapay na walang pampaalsa at ng mapait na halaman.
12 They are to leave none of it until morning, break no bone of it, and keep it by every statute of the Passover. Kailangang wala silang iiwanang pagkain kinaumagahan, at hindi rin nila babaliin ang mga buto ng tupa. Kung magdiriwang sila ng Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang sundin ang lahat ng mga tuntunin tungkol dito.
13 But if a man is clean and not traveling, yet does not keep the Passover, that person must be cut off from his people, because he failed to bring our Father's offering at its set time; that man will bear his sin. “Ngunit ang taong itinuturing na malinis at hindi naglakbay sa malayo pero hindi niya ipinagdiriwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel ay ititiwalag sa kanyang sambayanan sapagkat hindi siya nag-alay ng handog para sa Panginoon sa nakatakdang panahon. Pagdurusahan niya ang kanyang kasalanan.
14 "If a foreigner living among you wants to keep the Passover to our Father, he must follow the Passover's statute and rule. One statute applies to both foreigner and native of the land." “Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo na gustong makipagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel upang parangalan ang Panginoon, kailangang ipagdiwang niya ito ayon sa lahat ng mga tuntunin nito. Magkapareho lang ang mga tuntunin para sa mga katutubong Israelita at sa mga dayuhan.”
15 When the tabernacle—the tent of the testimony—was set up, the cloud covered it; from evening until morning it looked like fire over the tabernacle. Nang araw na ipinatayo ang Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, natakpan ito ng ulap. Ang ulap na itoʼy nagliwanag na parang apoy mula gabi hanggang umaga.
16 So it was continually: the cloud covered it by day, and the appearance of fire by night. Ganito palagi ang nangyayari – ang ulap ay bumabalot sa Toldang Tipanan kung araw at nagliliwanag naman ito na parang apoy kung gabi.
17 Whenever the cloud lifted from over the tent, the Israelites set out; wherever it settled, the Israelites camped. Kapag pumapaitaas na ang ulap, umaalis na rin ang mga Israelita at nagpapatuloy sa kanilang paglalakbay, at kung saan tumitigil ang ulap, doon sila nagkakampo.
18 At our Father's command Israel's people set out; at our Father's command they camped. As long as the cloud rested over the tabernacle, they remained camped. Kaya naglalakbay at nagkakampo ang mga Israelita ayon sa utos ng Panginoon. Hindi sila naglalakbay habang nasa ibabaw pa ng Tolda ang ulap.
19 When the cloud lingered over the tabernacle many days, the Israelites kept our Father's charge and did not set out. Kahit magtagal ang ulap sa ibabaw ng Tolda, naghihintay ang mga Israelita sa utos ng Panginoon at hindi sila umaalis.
20 Sometimes the cloud stayed on the dwelling only a few days: at the command of our Father they camped, at the command of our Father they set out. Kung minsan, mga ilang araw lang ang ulap sa ibabaw ng Tolda, kaya nananatili rin doon ang mga tao ng ilang araw. Pagkatapos, aalis ulit sila ayon sa utos ng Panginoon.
21 Sometimes the cloud stayed from evening to morning; when it lifted in the morning, they set out. Whether by day or night, when the cloud lifted, they set out. Kung minsan namaʼy nananatili lang ang ulap sa ibabaw ng Tolda ng isang gabi at pumapaitaas na ito kinaumagahan, at nagpapatuloy sila sa paglalakbay. Araw man o gabi, naglalakbay ang mga Israelita sa tuwing pumapaitaas ang ulap.
22 Whether two days, a month, or longer, while the cloud remained over the tabernacle, Israel stayed in camp and did not set out; when it lifted, they set out. Kung nananatili ang ulap sa ibabaw ng Tolda nang dalawang araw o isang buwan o isang taon, ganoon din katagal nananatili ang mga Israelita sa kanilang kampo.
23 At our Father's command they camped; at his command they set out. They kept his charge, at our Father's command through Moses. Kaya nagkakampo at naglalakbay ang mga Israelita ayon sa utos ng Panginoon. At sinunod nila ang mga utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]