Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Make yourself two silver trumpets, hammered work; use them to call the community and to move the camps. “Magpagawa ka ng dalawang trumpetang pilak, at gamitin mo ito para tipunin ang mga tao at ihanda sila sa paglalakbay.
3 When both sound, the whole community must gather to you at the entrance to the tent of meeting. Kapag pinatunog na nang sabay ang dalawang trumpeta, magtitipon ang lahat ng mga mamamayan sa pintuan ng Toldang Tipanan.
4 But if only one is blown, the leaders—heads of Israel's clans—are to gather to you. Kapag isa lang ang pinatunog, ang mga pinuno lang ng bawat lahi ng Israel ang magtitipon sa iyong harapan.
5 When you sound a blast, the camps on the east side are to set out. Kapag pinatunog ang trumpeta para ihanda ang mga tao sa paglalakbay, ang mga lahi sa silangang bahagi ng Tolda ang mauunang lumakad.
6 Sound a second blast: camps on the south side set out. Sound a blast for their setting out. Kapag pinatunog ang trumpeta ng dalawang beses, ang lahi naman sa gawing timog na bahagi ng Tolda ang mauunang lumakad. Ang pagpapatunog na ito ang magiging hudyat ng kanilang paglakad.
7 But when you call the assembly together, blow a steady note, not an alarm. Ngunit iba ang pagpapatunog ng trumpeta kapag titipunin sila.
8 Aaron's sons, the priests, are to blow the trumpets—a lasting law for you throughout your generations. “Ang mga angkan ni Aaron na mga pari ang magpapatunog ng mga trumpeta. Ang mga tuntuning ito ay dapat ninyong tuparin at ng susunod pang mga henerasyon.
9 When you go to war in your land against the enemy crushing you, sound an alarm on the trumpets—you will be remembered before me and saved from your enemies. “Kapag naroon na kayo sa inyong lupain, at makikipaglaban na sa inyong mga kaaway na umaapi sa inyo, patunugin ninyo ang trumpeta, at ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay aalalahanin kayo at ililigtas kayo sa inyong mga kaaway.
10 Also on your day of joy, at your appointed feasts and new moons, blow the trumpets over your burnt offerings and over your peace offerings—a memorial for you before our Father. I am your Father." At sa panahon ng inyong pagdiriwang, tulad ng mga nakatakdang pista at mga pista tuwing simula ng bagong buwan, patutunugin din ninyo ang mga trumpeta kung mag-aalay kayo ng mga handog na sinusunog at handog pangkapayapaan. Ang mga trumpetang ito ang magpapaalala sa akin na inyong Diyos ng aking kasunduan sa inyo. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.”
11 In the second year, second month, on the twentieth day, the cloud lifted from over the tabernacle of the testimony. Nang ikadalawampung araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang inilabas ang mga Israelita sa Ehipto, pumaitaas ang ulap mula sa Toldang Tipanan kung saan nakalagay ang Kasunduan.
12 The Israelites set out from the Sinai wilderness, stage by stage; the cloud settled in the Paran wilderness. Pagkatapos, umalis ang mga Israelita sa disyerto ng Sinai at nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa tumigil ang ulap sa disyerto ng Paran.
13 This was their first setting out, at our Father's command through Moses. Ito ang unang pagkakataon na naglakbay sila ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
14 Judah's camp banner set out first, by their divisions, Nahshon son of Amminadab over his division. Ang unang grupo na naglakbay dala ang kanilang bandila ay ang grupong pinangungunahan ng lahi ni Juda. Ang pinuno nila ay si Naason na anak ni Aminadab.
15 Nethanel son of Zuar was over the division of the tribe of Issachar, Ang lahi ni Isacar ay pinamumunuan ni Netanel na anak ni Zuar,
16 and Eliab son of Helon was over the division of the tribe of Zebulun. at ang lahi ni Zebulun ay pinamumunuan ni Eliab na anak ni Helon.
17 The tabernacle was taken down, and the sons of Gershon and sons of Merari set out, carrying it. Pagkatapos kalasin ang Toldang Tipanan, dinala ito ng mga angkan ni Gerson at ng mga angkan ni Merari, at sumunod sila sa paglalakad.
18 Reuben's camp standard set out by divisions, Elizur son of Shedeur over its division. Ang nakasunod sa paglalakad dala ang kanilang bandila ay ang grupong pinangungunahan ng lahi ni Ruben. Ang kanilang pinuno ay si Elizur na anak ni Sedeur.
19 Shelumiel son of Zurishaddai was over the division of the tribe of Simeon, Ang lahi ni Simeon ay pinangungunahan ni Selumiel na anak ni Zurishadai,
20 and Eliasaph son of Deuel was over the division of the tribe of Gad. at ang lahi ni Gad ay pinamumunuan ni Eliasaf na anak ni Deuel.
21 The Kohathites set out carrying the holy things, and the tabernacle was set up before they arrived. At ang sumunod ay ang mga angkan ni Kohat na nagdadala ng mga banal na kagamitan ng Tolda. Kailangang naiayos na ang Tolda bago sila dumating sa susunod na lugar na kanilang pagkakampuhan.
22 Ephraim's camp standard set out by division, Elishama son of Ammihud over its division. Ang sumunod na lumakad dala ang kanilang bandila ay ang grupo na pinangungunahan ng lahi ni Efraim. Ang kanilang pinuno ay si Elisama na anak ni Amihud.
23 Gamaliel son of Pedahzur was over the division of the tribe of Manasseh, Ang lahi ni Manases ay pinamumunuan ni Gamaliel na anak ni Padazur,
24 and Abidan son of Gideoni was over the division of the tribe of Benjamin. at ang lahi ni Benjamin na pinamumunuan ni Abidan na anak ni Gideoni.
25 Dan's camp standard set out, rear guard of all the camps, by their divisions, with Ahiezer son of Ammishaddai over its division. Ang kahuli-hulihang lumakad dala ang kanilang bandila ay ang grupo na pinangungunahan ng lahi ni Dan. Sila ang mga guwardiya sa likod ng lahat ng mga grupo. Ang kanilang pinuno ay si Ahiezer na anak ni Amishadai.
26 Pagiel son of Ochran was over the division of the tribe of Asher, Ang lahi ni Asher ay pinamumunuan ni Pagiel na anak ni Ocran,
27 and Ahira son of Enan was over the division of the tribe of Naphtali. at ang lahi ni Neftali ay pinamumunuan ni Ahira na anak ni Enan.
28 This was the order of march for the Israelites by their divisions as they set out. Ito ang pagkakasunod-sunod ng paglalakbay ng mga lahi ng Israel na magkakagrupo.
29 Moses said to Hobab son of Reuel the Midianite, his father-in-law, "We are traveling to the place our Father said, 'I will give it to you.' Come with us; we will treat you well, for our Father has promised good to Israel." Ngayon, sinabi ni Moises kay Hobab na kanyang bayaw na anak ni Reuel na Midianita, “Maglalakbay na kami sa lugar na sinabi ng Panginoon na ibibigay niya sa amin. Kaya sumáma ka sa amin at hindi ka namin pababayaan, dahil nangako ang Panginoon na pagpapalain niya ang Israel.”
30 But Hobab said to him, "I will not go; I am returning to my own land and my own people." Sumagot si Hobab, “Ayaw ko! Babalik ako sa aking bayan at sa aking mga kamag-anak.”
31 Moses said, "Please don't leave us, since you know where we should camp in the wilderness, and you'll be our eyes. Sinabi ni Moises, “Kung maaari, huwag mo kaming iwan. Ikaw ang nakakaalam kung saan ang mabuting lugar sa disyerto na maaari naming pagkakampuhan.
32 If you come with us, whatever good our Father does for us, we'll do the same for you." Kung sasáma ka sa amin, babahaginan ka namin ng lahat ng pagpapalang ibibigay sa amin ng Panginoon.”
33 They set out from the mountain of our Father on a three-day journey, and the ark of our Father's covenant went ahead of them that three-day journey, seeking a resting place for them. Kaya umalis sila sa bundok ng Panginoon at naglakbay nang tatlong araw. Nasa unahan nila palagi ang Kahon ng Kasunduan para humanap ng lugar na kanilang mapagpapahingahan.
34 The cloud of our Father was over them by day as they left the camp. Kung araw, ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila kapag naglalakbay sila.
35 Whenever the ark set out, Moses said, "Rise, O Father! Let your enemies be scattered; let those who hate you flee before you." SA tuwing dadalhin ang Kahon ng Kasunduan, sinasabi ni Moises, “O Panginoon, manguna po kayo. At nawaʼy magkawatak-watak ang mga kaaway ninyo. Nawaʼy magsilayas sila sa harapan mo.”
36 Whenever it rested, he'd say, "Return, O Father, to Israel's countless thousands." At kapag inihihinto na nila sa paglalakbay ang Kahon ng Kasunduan, sinasabi ni Moises, “Panginoon, bumalik na po kayo dito sa libu-libong mamamayan ng Israel.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]