Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Say to Aaron: When you mount the lamps, the seven must shine before the lampstand." “Sabihin mo kay Aaron na kung ilalagay na niya ang pitong ilaw, kailangang maliwanagan ng ilaw ang lugar sa harapan ng pinaglagyan nito.”
3 Aaron did so, lighting its lamps to shine toward the lampstand's front, as our Father commanded Moses. Kaya ginawa ito ni Aaron; inilagay niya ang mga ilaw kung saan ang sinag ng mga ito ay nagliliwanag sa harapan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
4 The lampstand's work: hammered gold, hammered from base to blossoms—made exactly as our Father showed Moses. Ang buong lalagyan ng ilaw, mula sa ilalim hanggang sa itaas ay gawa sa pinitpit na ginto ayon sa disenyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises.
5 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
6 "Take the Levites from among the people of Israel and cleanse them. “Ibukod ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at linisin sila.
7 To cleanse them, do this: sprinkle purification water on them, run a razor over their whole body, wash their clothes, and be clean. Ganito ang gagawin mong paglilinis sa kanila: Wisikan mo sila ng tubig na ginagamit sa paglilinis, paahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang mga damit. Pagkatapos nito ay ituturing na silang malinis.
8 Let them take a young bull from the herd, its grain offering of fine flour mixed with oil, and you are to take a second young bull from the herd for a sin offering. Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng batang toro at ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog para sa kasalanan nila sa Panginoon. Pagdalhin mo rin sila ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan.
9 Bring the Levites before the tent of meeting, and gather the whole community of Israel's people. “Pagkatapos, tipunin mo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel at italaga ang mga Levita sa harap ng Toldang Tipanan.
10 When you present the Levites before me, Israelites are to lay hands on the Levites, Dalhin mo ang mga Levita sa harapan ng Panginoon at ipapatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga ulo nito.
11 Aaron is to wave the Levites before me, an offering from the Israelites, to do my service. Si Aaron ang magtatalaga sa kanila sa harapan ng Panginoon bilang handog na itinataas mula sa mga Israelita, para makapaglingkod sila sa Panginoon.
12 The Levites will lay their hands on the bulls' heads; offer one as a sin offering, one as a burnt offering to me, to atone for the Levites. “Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng dalawang toro na handog para sa Panginoon. Ang isa ay bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog, para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan.
13 Set the Levites before Aaron and his sons, and present them to me as a wave offering. At patatayuin sila sa harapan ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki, at itatalaga sila bilang espesyal na handog sa Panginoon.
14 Separate the Levites from among Israel's people; the Levites are mine. Sa pamamagitan nito, ibubukod mo ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at magiging akin sila.
15 Then the Levites will enter to serve the tent of meeting, once you've cleansed and waved them as a wave offering. “Pagkatapos na malinisan mo ang mga Levita at maitalaga sila sa akin bilang espesyal na handog, makapaglilingkod na sila sa Toldang Tipanan.
16 For they are fully given to me from among Israel's sons, in place of every womb-opener—firstborn of all Israel's sons—I took them for myself. Sila ang mga Israelita na ibinukod para lang sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita.
17 All Israel's firstborn, human or animal, are mine; the day I struck all Egypt's firstborn, I set them apart for myself. Dahil ang bawat panganay sa Israel, tao man o hayop, ay akin. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
18 And I have taken the Levites in place of all the firstborn among the people of Israel. At kinuha ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng Israel.
19 I have given the Levites to Aaron and his sons, a gift from Israel's people, to serve Israel's people at the tent of meeting, atone for Israel's people, so no plague strikes Israel's people nearing the sanctuary." Sa lahat ng mga Israelita, ang mga Levita ang pinili ko na tumulong kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Maglilingkod sila sa Toldang Tipanan para sa mga Israelita, at gagawin nila ang mga seremonya para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga Israelita, para walang panganib na dumating sa kanila kapag lumapit sila sa Toldang Tipanan.”
20 Moses, Aaron, and Israel's whole assembly did to the Levites all our Father commanded Moses about the Levites; Israel's people did to them. Kaya itinalaga nila Moises, Aaron at ng lahat ng mga mamamayan ng Israel ang mga Levita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
21 The Levites purified themselves from sin, washed their clothes; Aaron offered them as a wave offering before our Father, atoned for them to cleanse them. Naglinis ang mga Levita ng kanilang sarili at nilabhan nila ang kanilang mga damit. Pagkatapos, itinalaga sila ni Aaron sa presensya ng Panginoon bilang espesyal na handog, at gumawa si Aaron ng seremonya para sa kapatawaran ng mga kasalanan nila, at para maituring silang malinis.
22 After that, the Levites came to serve in the tent of meeting before Aaron and his sons; they did to the Levites as our Father commanded Moses. Pagkatapos noon, naglingkod na ang mga Levita sa Toldang Tipanan sa ilalim ng pamamahala ni Aaron at ng mga anak niya. Kaya ginawa nila sa mga Levita ang iniutos ng Panginoon kay Moises.
23 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
24 "This applies to the Levites: from age twenty-five, they are to come to serve in the work at the tent of meeting. “Para sa mga Levita ang mga tuntuning ito: Magsisimula ang mga Levita sa paglilingkod sa Toldang Tipanan sa edad na dalawampuʼt lima,
25 From age fifty they must retire from service work and serve no longer. at titigil sila sa paglilingkod sa edad na limampu. At kapag magreretiro na sila,
26 They may assist their brothers at the tent of meeting by standing guard, but do no work. This is how you are to assign the Levites' duties." maaari silang makatulong sa kapwa nila Levita sa pamamagitan ng paglilingkod bilang tagapagbantay sa Tolda, ngunit hindi na sila gagawa ng mga gawain sa Tolda. Ganito ang paraan kung paano mo ibibigay ang mga tungkulin sa mga Levita.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]