Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Speak to the Israelites and say to them: When a man or woman makes a special vow, a Nazirite vow, to set themselves apart to the Father. “Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay gagawa ng isang panata na itatalaga niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Panginoonbilang Nazareo,
3 They must not drink wine or strong drink, nor vinegar from either, nor any grape juice, nor eat grapes fresh or dried. hindi siya dapat uminom ng alak na mula sa ubas o ng kahit na anong nakalalasing na inumin. Hindi rin siya gagamit ng suka na galing sa anumang inuming nakalalasing. Hindi rin siya dapat uminom ng alak, o kumain ng ubas o pasas.
4 During their separation they must eat nothing from the grapevine, from seeds to skin. Habang isa siyang Nazareo, hindi siya dapat kumain ng kahit anong galing sa ubas, kahit na buto o balat nito.
5 "During their vow of separation, no razor touches their head. Until it's complete, they stay holy to the Father; they must let their hair grow. “Hindi rin niya pagugupitan ang kanyang buhok habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon. Kailangang maging banal siya hanggang sa matapos ang panahon ng kanyang panata. Kaya hahayaan lang niyang humaba ang kanyang buhok.
6 "Throughout their time of separation to the Father they must not go near a dead body. “At habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon, hindi siya dapat lumapit sa patay,
7 They must not make themselves unclean even for father, mother, brother, or sister when they die, since their dedication crown to our Father is on their head. kahit na ama pa niya ito, ina o kapatid. Hindi niya dapat dungisan ang kanyang sarili dahil lang sa kanila. Dahil ang kanyang buhok ay tanda ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon.
8 Throughout their time of separation they are holy to the Father. Kaya sa buong panahon ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay, ibinukod siya para sa Panginoon.
9 "If someone dies very suddenly beside them, making their dedicated head unclean, they must shave their head on the day of their cleansing—shave it on the seventh day. “Kung may biglang namatay sa kanyang tabi, at dahil ditoʼy nadumihan ang kanyang buhok na tanda ng kanyang pagkakatalaga sa Panginoon, kailangang ahitin niya ito sa ikapitong araw, iyon ang araw ng kanyang paglilinis.
10 On the eighth day they must bring two turtledoves or two young pigeons to the priest at the meeting tent's entrance. Sa ikawalong araw, kailangang magdala siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato sa pari doon sa pintuan ng Toldang Tipanan.
11 The priest must offer one as a sin offering, the other as a burnt offering, and make atonement for them, because they sinned by being near the dead body. That same day they must rededicate their head. Ihahandog ng pari ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na sinusunog. Sa pamamagitan nito, mapapatawad siya sa kasalanan niya na paghipo sa patay. Sa mismong araw na iyon, itatalaga niyang muli ang kanyang sarili at muli niyang pahahabain ang kanyang buhok.
12 They must rededicate to the Father their days of separation and bring a year-old male lamb as a guilt offering; the earlier days don't count—their separation was made unclean. Ang lumipas na mga araw ng kanyang paglilingkod sa Panginoon ay hindi kabilang sa pagtupad niya sa kanyang panata, dahil nadungisan siya nang nakahipo siya ng patay. Kailangang italaga niyang muli ang kanyang sarili hanggang sa matapos ang kanyang panata, at magdala siya ng lalaking tupa bilang handog na pambayad ng kanyang kasalanan.
13 "This is the law of the Nazirite: when their days of separation end, they must come to the tent of meeting's entrance. “Ito ang kanyang dapat gawin kapag natapos na niya ang kanyang panata bilang Nazareo: Kailangang dalhin siya sa pintuan ng Toldang Tipanan.
14 They must bring the Father their offering: one flawless year-old male lamb as a burnt offering, one flawless year-old ewe lamb as a sin offering, and one flawless ram as a peace offering, Doon, maghahandog siya sa Panginoon ng mga sumusunod na hayop na walang kapintasan: isang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog, isang babaeng tupa na isang taóng gulang din bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan.
15 with a basket of unleavened bread—loaves of fine flour mixed with oil, unleavened wafers coated with oil—plus their grain offering and drink offerings. Bukod pa rito, maghahandog din siya ng mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon, mga handog na inumin at isang basket ng tinapay na walang pampaalsa, na ginawa mula sa magandang klaseng harina. Ang ibang tinapay ay makapal na hinaluan ng langis, at ang iba naman ay manipis na pinahiran ng langis.
16 The priest must present them before the Father and offer the sin offering and the burnt offering. “Ang pari ang maghahandog nito sa Panginoon: Ihahandog niya ang handog para sa kasalanan at ang handog na sinusunog;
17 He must offer the ram as a peace offering to the Father with the basket of bread without yeast, and offer its grain and drink offerings. pagkatapos, ihahandog din niya ang lalaking tupa bilang handog pangkapayapaan kasama ang isang basket na tinapay na walang pampaalsa. At ihahandog din niya ang mga handog na pagkaing butil sa Panginoon at ang mga handog na inumin.
18 At the tent of meeting's entrance, the Nazirite must shave their dedicated head, take the hair of dedication, and put it on the fire under the peace offering. “At doon sa pintuan ng Toldang Tipanan aahitin ng Nazareo ang kanyang buhok na simbolo ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon. Susunugin niya ito sa apoy na pinagsusunugan ng handog pangkapayapaan.
19 The priest takes the boiled ram's shoulder, one unleavened loaf and wafer from the basket, and puts them in the Nazirite's hands after the hair of dedication is shaved off. “Pagkatapos nito, ilalagay ng pari sa kamay ng Nazareo ang balikat ng nilagang tupa at ang manipis at makapal na mga tinapay na walang pampaalsa na galing sa basket.
20 The priest waves them as a wave offering before our Father—a holy portion for the priest, with the breast that is waved and the thigh that is contributed. Then the Nazirite may drink wine. Pagkatapos, kukunin ito ng pari at itataas sa presensya ng Panginoon bilang handog na handog na itinataas. Banal ang bahaging ito ng handog, at ito ay nakatalaga para sa pari, pati ang dibdib at paa ng tupa na itinaas din sa Panginoon. Pagkatapos nito, maaari nang makainom ng alak na ubas ang Nazareo.
21 "This is the law of the Nazirite who vows an offering to our Father for their separation, besides whatever else they can afford. They must do according to their vow, per the law of their separation." “Ito ang tuntunin para sa isang Nazareo. Subalit kung mangangako ang isang Nazareo na maghahandog siya sa Panginoon nang sobra sa ipinapatupad sa kanyang panata, dapat niya itong sundin.”
22 Then our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
23 "Tell Aaron and his sons: This is how you are to bless the Israelites. Say to them: “Sabihin mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki na ito ang kanilang sasabihin kapag magbabasbas sila sa mga Israelita:
24 'May your Father bless you and keep you; ‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
25 may your Father make his face shine upon you and be gracious to you; Ipakita nawa ng Panginoon ang kanyang kabutihan at awa sa inyo.
26 may your Father look on you with favor and give you peace.' At malugod nawa ang Panginoon sa inyo at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
27 "So they will put my name on the Israelites, and I will bless them." “Sa pamamagitan nitoʼy maipapahayag nila sa mga Israelita kung sino ako, at pagpapalain ko sila.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]