Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Command the Israelites to send from the camp everyone with a skin disease, everyone with a discharge, and everyone unclean from a corpse. “Utusan mo ang mga Israelita na palabasin sa kampo ang sinumang may malubhang sakit sa balat o may lumalabas sa kanyang ari dahil sa karamdaman o itinuring siyang marumi dahil nakahipo siya ng patay.
3 Send away both male and female; send them outside the camp, so they don't make their camp unclean, where I live among them." Palabasin ninyo sila, lalaki man o babae upang hindi nila marumihan ang kampo, kung saan ako naninirahang kasama ninyo.”
4 The Israelites did this, sending them outside the camp; as our Father told Moses, the Israelites did. Kaya pinalabas ng mga Israelita ang mga ganoong tao sa kampo ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
5 Then our Father spoke to Moses: Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,
6 "Tell Israel's people: When a man or woman commits any human sin, betraying me, that person is guilty. “Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay sumuway sa gusto ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng masama sa kanyang kapwa, nagkasala ang taong iyon.
7 They must confess the sin they committed, repay in full for the wrong, add a fifth, and give it to the one they wronged. Kailangang aminin niya ang nagawang kasalanan, at kailangang bayaran niya ng buo ang ginawan niya ng masama, at dagdagan ng dalawampung porsiyento ang bayad.
8 But if that person has no relative to receive restitution, it belongs to me and goes to the priest, plus the ram of atonement made for the guilty one. Ngunit kung patay na ang ginawan ng masama at wala na siyang malapít na kamag-anak na tatanggap ng bayad, ang bayad ay mapupunta sa Panginoon at kailangang ibigay ito sa pari, kasama ng tupa na ihahandog ng pari para tubusin ang kasalanan ng taong iyon.
9 Every contribution among all Israel's holy gifts brought to the priest belongs to him. Ang lahat ng banal na regalo na dinadala ng mga Israelita sa mga pari ay magiging pag-aari na ng pari.
10 Everyone's holy gifts remain their own; what one gives the priest belongs to the priest." Magiging pag-aari ng isang bawat pari ang lahat ng sagradong donasyon na matanggap niya.”
11 Then our Father spoke to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
12 "Speak to the Israelites and tell them: If any man's wife goes astray and is unfaithful to him, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: Kung ang isang babae ay lumihis ng landas at nagtaksil sa asawa niya,
13 if another man sleeps with her, hidden from her husband, and she goes undetected though unclean—no witness against her, not caught in the act, at nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki at lingid ito sa kaalaman ng asawa niya dahil walang nakakasaksi nito at hindi siya nahuhuli sa akto,
14 a spirit of jealousy comes over the husband, and he is jealous of his wife, who is unclean; or a spirit of jealousy comes over him, and he is jealous though she is not unclean. ngunit nakaramdam ng pagseselos ang asawa niya at naghinalang dinungisan nito ang kanyang sarili, o kayaʼy nagselos at naghinala ang asawa niya kahit na hindi nito dinungisan ang kanyang sarili,
15 The man must bring his wife to the priest, along with her offering: about two quarts of barley flour. He must pour no oil on it and put no frankincense on it, because it is a grain offering of jealousy, a grain offering of remembrance, recalling guilt. kailangang dalhin ng asawa ang babae sa pari. At kailangang magdala din ang lalaki ng handog na isang kilong harinang sebada para sa kanya. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o insenso dahil itoʼy handog ng paghihinala, isang handog pananda para malaman kung may pagkakasalang nagawa.
16 The priest is to bring her near and set her before our Father. “Dadalhin ng pari ang babae at patatayuin sa harapan ng Panginoon
17 The priest is to take holy water in a clay jar, take dust from the tabernacle floor, and put it into the water. at pagkatapos ay maglalagay ang pari ng tubig sa mangkok na gawa sa putik, at lalagyan niya ito ng alikabok na mula sa sahig ng Toldang Tipanan.
18 The priest is to stand the woman before our Father, unbind her hair, and put in her hands the grain offering of remembrance—the jealousy offering—while he holds the bitter, curse-bringing water. Kapag pinatayo na ng pari ang babae sa harapan ng Panginoon, ilulugay ng pari ang buhok ng babae, at ilalagay sa kamay niya ang handog ng paghihinala para malaman kung talagang nagkasala ang babae. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang mangkok na may mapait na tubig na nagdadala ng sumpa,
19 The priest is to put her under oath and say to her: 'If no man has slept with you, and you have not gone astray and made yourself unclean under your husband's authority, be free from this bitter water that brings the curse. at pasusumpain niya ang babae at sasabihin sa kanya, ‘Kung hindi mo dinungisan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki, hindi ka masasaktan ng parusang dala ng tubig na ito.
20 But if you strayed under your husband, made yourself unclean, and a man besides your husband slept with you.' Ngunit kung dinungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki na hindi mo asawa,
21 Then the priest is to bind the woman by this curse-oath, saying: May the Father turn you into a curse and a disgrace among your people, as he makes your thigh shrivel and your belly swell. sumusumpa akong magiging halimbawa sa mga tao ang sumpa ng Panginoon sa iyo. At sanaʼy hindi ka magkaanak.
22 May this curse-bringing water enter your body, swelling your belly and wasting your thigh. Then the woman must say, 'Amen, amen.' Nawaʼy magdala ang tubig ng sumpa at pumasok sa iyong katawan para hindi ka na magkaanak.’ “Pagkatapos, sasabihin ng babae, ‘Mangyari sana ito.’
23 "Then the priest writes these curses on a scroll and washes them off into the bitter water. “At isusulat ng pari ang sumpang ito sa isang sulatan at huhugasan niya ito sa mangkok na may mapait na tubig.
24 He is to make the woman drink the bitter, cursing water; the cursing water will enter her, causing bitter suffering. (Kapag napainom na sa babae ang mapait na tubig na nagdadala ng sumpa. At kung may kasalanan siya, magiging dahilan ito ng matinding paghihirap niya, kung talagang nagkasala siya.)
25 The priest takes the jealousy grain offering from her hand, waves it before our Father, and brings it to the altar. Pagkatapos, kukunin ng pari sa kamay ng babae ang handog ng paghihinala na inihandog ng asawa niya dahil sa paghihinala nito, at itataas ito ng pari sa harapan ng Panginoon at dadalhin sa altar.
26 The priest takes a handful of the grain offering, its memorial portion, burns it on the altar, then makes the woman drink the water. Kukuha ang pari ng isang dakot ng handog na butil bilang palatandaan ng handog, at susunugin ito sa altar. Pagkatapos, ipapainom niya sa babae ang tubig.
27 After he makes her drink the water, if she has made herself unclean and betrayed her husband, the curse-bringing water will enter her, causing bitter suffering: her belly will swell, her thigh wither, and she will become a curse among her people. Kung totoong dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtataksil sa kanyang asawa, magpaparusa sa kanya nang matindi ang tubig na kanyang ininom na nagdadala ng sumpa. Hindi na siya magkakaanak at magiging halimbawa sa mga tao ang sumpa ng Diyos sa kanya.
28 But if the woman has not made herself unclean and is clean, she is cleared and will conceive children. Ngunit kung hindi niya dinungisan ang kanyang sarili, hindi siya masasaktan, at magkakaanak siya.
29 "This is the law of jealousy: when a wife under her husband strays and makes herself unclean, “Ito ang kautusan tungkol sa lalaki na naghihinala sa kanyang asawa. Kung nadungisan ng babae ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtataksil sa kanyang asawa,
30 or when a spirit of jealousy seizes a man and he is jealous of his wife: he is to stand her before our Father, and the priest is to apply this whole law to her. o naghihinala ang lalaki sa kanyang asawa na nanlalalaki ito, kailangang patayuin ng pari ang babae sa harapan ng Panginoon at ipagawa ang kautusang ito sa kanya.
31 The husband will be free from guilt, but the woman will answer for her own sin." Walang pananagutan ang lalaki ngunit may pananagutan ang babae kung nagkasala siya, at magdurusa siya sa kanyang kasalanan.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]