Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses and Aaron, saying: Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
2 "Count the Kohathites among the Levites, by clan and ancestral house. “Bilangin at ilista ninyo ang mga angkan ni Kohat na sakop ng mga Levita, ayon sa kanilang pamilya.
3 From thirty to fifty years old, all who enter the service to work in the tent of meeting. Isama ninyo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad na tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.
4 "This is the service of Kohath's sons in the tent of meeting: the most holy things. “Ang mga gawain ng mga angkan ni Kohat sa Toldang Tipanan ay ang pag-aasikaso ng mga napakabanal na bagay.
5 When the camp moves, Aaron and his sons take down the screening curtain and cover the ark of the testimony with it. Kung aalis na kayo sa inyong pinagkakampuhan, si Aaron at ang mga anak niya ay papasok sa Tolda at kukunin ang kurtina sa loob at itataklob ito sa Kahon ng Kasunduan.
6 They are to cover it with fine leather, spread an all-blue cloth over that, and set its poles. At tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at ng telang asul, at pagkatapos ay isusuot nila sa mga argolya ang mga pambuhat nito.
7 "On the table of the Presence they'll spread a blue cloth, put the plates, dishes, bowls, and pouring jars on it; the regular bread stays on it. “Sasapinan din nila ng asul na tela ang mesang nilalagyan ng tinapay na iniaalay sa harapan ng Diyos; at ilalagay nila sa mesa ang mga pinggan, mga tasa, mga mangkok, mga banga na lalagyan ng mga handog na inumin, at hindi aalisin ang mga tinapay na laging nasa mesa.
8 They are to spread a scarlet cloth over them, cover it with fine leather, and fit its poles. Pagkatapos, tatakluban nila ito ng telang pula, at tatakluban pa ng magandang klase ng balat at pagkatapos ay isusuot ang mga pambuhat nito sa lalagyan.
9 "They will take a blue cloth, cover the lampstand of light, its lamps, tongs, trays, and all its oil vessels used to service it. “Ang mga lalagyan ng ilaw ay babalutin nila ng telang asul, pati ang mga ilaw nito, ang mga panggupit ng mitsa ng ilaw, ang mga lalagyan ng upos na mula sa ilawan at mga banga na lalagyan ng langis ng ilaw.
10 They are to wrap it and all its vessels in fine leather and set it on the carrying frame. Pagkatapos, babalutin nila itong lahat ng magandang klase ng balat at itatali sa tukod na pambuhat.
11 "Over the golden altar they are to spread blue cloth, cover it with fine leather, and insert its poles. “Tatakluban din nila ng telang asul ang gintong altar at tatakluban pa ng magandang klase ng balat, at pagkatapos, isusuot sa mga argolya ang mga pambuhat nito.
12 They must take all the service utensils used in the sanctuary, put them in blue cloth, cover with fine leather, and place them on the pole. “Ang mga natirang kagamitan sa Banal na Lugar na ginagamit sa paglilingkod sa templo ay babalutin din nila ng telang asul at tatakluban ng magandang klase ng balat ng hayop at itatali sa tukod na pambuhat.
13 "They are to remove the ashes from the altar and spread a purple cloth over it. “Kailangang alisin ang abo sa altar, at takluban ito ng telang kulay ube.
14 On it they are to put all its serving vessels—firepans, forks, shovels, basins, all the altar's vessels—then spread over it a fine leather covering and insert its poles. At ilalagay nila sa altar ang lahat ng kagamitan nito: Ang lalagyan ng baga, ang malalaking tinidor para sa karne, ang mga pala at ang mga mangkok. Tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at isusuot nila sa argolya ang mga pambuhat nito.
15 "When Aaron and his sons finish covering the holy things and all vessels of the holy place, and the camp sets out, Kohath's sons come to carry them, but they must not touch the holy things or die. These are Kohath's sons' burdens in the tent of meeting. “Matapos takluban ni Aaron at ng mga anak niya ang Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan nito, dadalhin ito ng angkan ni Kohat kapag aalis na sila sa kanilang pinagkakampuhan. Ngunit hindi nila hahawakan ang mga banal na bagay para hindi sila mamatay. Ito nga ang mga kagamitan ng Toldang Tipanan na dadalhin ng mga angkan ni Kohat.
16 "Eleazar son of Aaron the priest is responsible for the lamp oil, fragrant incense, daily grain offering, and anointing oil—responsible for the whole tabernacle, everything in it, the sanctuary and its furnishings." “Si Eleazar na anak ng paring si Aaron ang naatasang mag-asikaso sa langis para sa mga ilaw, sa insenso, sa araw-araw na handog na pagkaing butil para sa akin at sa langis na pamahid. Siya ang mamamahala sa buong Tolda at sa lahat ng kagamitan nito.”
17 Our Father spoke to Moses and Aaron, saying: Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
18 "Do not let the tribe of the Kohathite clans be cut off from among the Levites. “Huwag ninyong pabayaang mawala ang pamilya ni Kohat sa mga Levita.
19 Do this for them so they live and not die when they approach the most holy things: Aaron and his sons must enter, assigning each his task and burden. Ganito ang inyong gagawin para hindi sila mamatay kapag lumapit sila sa mga napakabanal na bagay: Sasamahan sila ni Aaron at ng mga anak nito kapag papasok na sila sa Tolda at sasabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin at kung ano ang kanilang dadalhin.
20 But they must not go in and look at the holy things, even for a moment, or they will die." Kung hindi sila sasamahan, hindi sila dapat pumasok para tingnan ang banal na mga bagay, kahit sandali lang, upang hindi sila mamatay.”
21 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
22 "Take a census of the sons of Gershon also, by their fathers' houses and their clans. “Isensus ninyo ang mga angkan ni Gerson ayon sa kanilang pamilya.
23 Count those thirty to fifty years old who serve, doing work at the tent of meeting. Isama ninyo sa sensus ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.
24 "This is the service of the clans of the Gershonites, in serving and in carrying: “Ang mga gawain ng mga angkan ni Gerson ay ang pagdadala ng mga sumusunod:
25 They carry the tabernacle's curtains, the tent of meeting, its covering, the fine-leather covering over it, and the screen for the tent of meeting's entrance, mga kurtina ng Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, ang lahat ng pantaklob nito at ang mga kurtina sa pintuan,
26 the courtyard curtains, the entrance screen for the courtyard gate, surrounding tabernacle and altar, their cords, and all their service equipment—they are to do whatever these need. mga kurtina sa bakuran na nakapalibot sa Tolda at altar, ang kurtina sa pintuan ng bakuran, ang mga panali at ang lahat ng kagamitan na ginagamit sa paglilingkod sa Tolda. Sila ang gagawa ng lahat ng mga gawain na may kinalaman sa mga kagamitang ito.
27 Aaron and his sons direct all the Gershonites' service—their carrying and duties; assign them all they must carry. Si Aaron at ang mga anak niya ang mamamahala sa mga angkan ni Gerson tungkol sa kanilang mga gawain, magdadala man ng mga kagamitan o gagawa ng ibang mga gawain. Kayo ni Aaron ang magsasabi kung ano ang kanilang dadalhin.
28 This is the service of the Gershonite clans at the tent of meeting, their duty under Ithamar son of Aaron the priest. Iyon ang mga gawain ng mga angkan ni Gerson sa Toldang Tipanan. Pangungunahan sila ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”
29 "As for the sons of Merari, you are to count them by their clans and their fathers' houses. “Bilangin mo rin ang mga angkan ni Merari ayon sa kanilang pamilya.
30 Count everyone thirty to fifty years old who enters the service to work at the tent of meeting. Isama mo sa bilang ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan.
31 This is their task, their service at the meeting tent: the frames, bars, posts, and bases of the tabernacle. Ito ang kanilang mga gawain sa Toldang Tipanan: Sila ang magdadala ng mga balangkas ng Tolda, mga biga nito, mga haligi at ng mga pundasyon.
32 The courtyard's pillars all around, with their bases, pegs, and cords, all their equipment and service—assign by name what each must carry. Sila rin ang naatasan sa pag-aasikaso ng mga haliging pinagkakabitan ng mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda pati ng mga pundasyon, mga tulos at mga tali. At sila rin ang gagawa ng mga gawaing kaugnay sa mga kagamitang ito. Kayo ni Aaron ang magsasabi sa bawat isa sa kanila kung ano ang kanilang dadalhin.
33 This is the Merarite clans' service in the Tent of Meeting, under Ithamar son of Aaron the priest." Iyon ang mga gawain ng mga angkan ni Merari sa Toldang Tipanan. Pangungunahan sila ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”
34 So Moses, Aaron, and the leaders of the congregation counted the sons of the Kohathites by their clans and their families, Bilang pagsunod sa utos ng Panginoon, inilista nina Moises, Aaron at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel ang mga angkan nina Kohat, Gershon at Merari ayon sa bawat pamilya nito.
35 thirty to fifty years old, all who joined the service for work in the tent of meeting. Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan,
36 Those counted by their clans were 2,750. at ang bilang nila ay 2,750.
37 The count of Kohathite clans, all who served in the tent of meeting, whom Moses and Aaron counted at our Father's command through Moses. Ito ang kabuuan ng lahat nang nagmula sa lahi ni Kohat na naglingkod sa Toldang Tipanan. Binilang sila nina Moises at Aaron ayon sa kautusan ng Panginoon kay Moises.
38 Those counted of the sons of Gershon, by their clans and their fathers' houses, Binilang ang lahi ni Gerson ayon sa kanilang angkan at pamilya.
39 from thirty to fifty years old, all who entered service work at the tent of meeting. Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan,
40 Those counted by their clans and their fathers' houses were 2,630. at ang bilang nila ay 2,630.
41 These were counted from the Gershonite clans, all who served in the tent of meeting, whom Moses and Aaron counted at our Father's command. Ito ang kabuuan ng lahat nang nagmula sa lahi ni Gerson na naglingkod sa Toldang Tipanan. Binilang sila nina Moises at Aaron ayon sa kautusan ng Panginoon kay Moises.
42 Those counted of the clans of the sons of Merari, by their clans and their fathers' houses, Binilang ang lahi ni Merari ayon sa kanilang angkan at pamilya.
43 from age thirty to fifty, all who entered service for work in the tent of meeting, Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan,
44 those counted by their clans were 3,200. at ang bilang nila ay 3,200.
45 These were counted of the clans of Merari's sons, whom Moses and Aaron counted at our Father's command through Moses. Ito ang kabuuan ng lahat nang nagmula sa lahi ni Merari na naglingkod sa Toldang Tipanan. Binilang sila nina Moises at Aaron ayon sa kautusan ng Panginoon kay Moises.
46 All those whom Moses, Aaron, and Israel's leaders counted among the Levites, by clans and ancestral houses. Kaya binilang ni Moises, Aaron, at ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng Levita ayon sa kanilang mga angkan at pamilya.
47 From thirty to fifty years old, everyone who served and carried loads in the tent of meeting. Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad tatlumpu hanggang limampung taóng gulang na may kakayahang maglingkod sa Toldang Tipanan,
48 Those counted were 8,580. at ito ang kabuuang bilang nila ay 8,580.
49 By our Father's command, Moses appointed each to his service and burden, and counted them, as our Father commanded Moses. Kaya ayon sa utos ng Panginoon kay Moises, binilang ang bawat isa sa kanila at binigyan ng kanya-kanyang gawain at sinabihan kung ano ang kanilang dadalhin. At ganoon nga ang pagkabilang sa kanila, ayon sa ipinag-utos ng Panginoon kay Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]