Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 This is the family line of Aaron and Moses, when our Father spoke with Moses on Mount Sinai. Ito ang talaan ng mga angkan nina Aaron at Moises nang panahong nakipag-usap ang Panginoon kay Moises doon sa Bundok ng Sinai.
2 These are the names of the sons of Aaron: Nadab the firstborn, then Abihu, Eleazar, and Ithamar. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Si Nadab ang panganay.
3 These are the names of Aaron's sons, the anointed priests whom Moses ordained to serve as priests. Pinili sila at itinalaga sa paglilingkod bilang mga pari.
4 Nadab and Abihu died before our Father in the wilderness of Sinai when they offered unauthorized fire before him; they had no children. So Eleazar and Ithamar served as priests before Aaron their father. Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harapan ng Panginoon nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa paghahandog sa Panginoon doon sa disyerto ng Sinai. Namatay silang walang anak, kaya sina Eleazar at Itamar lang ang naglingkod bilang mga pari habang nabubuhay pa si Aaron.
5 Then our Father said to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
6 "Bring the tribe of Levi near and set them before Aaron the priest, to serve him. “Ipatawag mo ang lahi ni Levi at dalhin sila sa paring si Aaron para tumulong sa kanya.
7 They are to keep his duties and those of the whole community before the tent of meeting, performing the tabernacle's service. Maglilingkod sila kay Aaron at sa mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng mga gawain sa Toldang Sambahan, na tinatawag ding Toldang Tipanan.
8 They are to guard all the tent of meeting's equipment and the Israelites' duty, doing the tabernacle's service. Sila rin ang mangangalaga ng lahat ng kagamitan ng Toldang Tipanan, at maglilingkod sa Toldang iyon para sa mga Israelita.
9 Give the Levites to Aaron and his sons; they are given entirely to him from among Israel's people. Itatalaga ang mga Levita para kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Sila ang inilaan mula sa mga mamamayan ng Israel na magsilbi at tumulong sa kanila.
10 Appoint Aaron and his sons to guard their priesthood; any outsider who comes near must die." Si Aaron at ang mga anak niya ang piliin mong maglingkod bilang mga pari. Ang sinumang gagawa ng mga gawain ng pari sa Tolda na hindi lahi ni Levi ay papatayin.”
11 Then our Father said to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
12 "Look, I have taken the Levites from among the Israelites in place of every firstborn that opens the womb among the Israelites. The Levites are mine. “Pinili ko ang mga Levita bilang kapalit ng mga panganay na lalaki ng Israel. Akin ang bawat Levita,
13 Every firstborn is mine. The day I struck down every firstborn in Egypt, I set apart for myself every firstborn in Israel—both man and animal. They will be mine. I am your Father." dahil akin ang bawat panganay. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Ehipsiyo, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel, tao man o hayop. Kaya akin sila. Ako ang Panginoon.”
14 Then our Father spoke to Moses in the wilderness of Sinai: Sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa disyerto ng Sinai,
15 "Count Levi's sons by fathers' houses and clans; count every male a month old and up." “Bilangin mo ang mga lalaking Levita mula sa edad na isang buwan pataas, ayon sa kanilang pamilya.”
16 So Moses counted them at the word of our Father, just as he had been commanded. Kaya binilang sila ni Moises, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
17 These were the sons of Levi by their names: Gershon, Kohath, and Merari. Ang mga anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
18 These are the names of the sons of Gershon by their clans: Libni and Shimei. Ang mga anak ni Gerson ay sina Libni at Simei.
19 The sons of Kohath by their clans: Amram, Izhar, Hebron, and Uzziel. Ang mga anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
20 Merari's sons by clan: Mahli and Mushi. These are the Levite clans by fathers' houses. Ang mga anak ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sila ang mga Levita, ayon sa kanilang pamilya.
21 From Gershon: the Libnite clan and the Shimeite clan—these are the Gershonite clans. Ang mga angkan ni Gerson ay ang mga pamilya na nanggaling kina Libni at Simei.
22 The number of males counted, a month old or older, was 7,500. Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 7,500.
23 The clans of the Gershonites camped behind the tabernacle on the west. Ang lugar na kanilang pinagkakampohan ay nasa likod ng Toldang Sambahan, sa bandang kanluran.
24 The leader of the fathers' house of the Gershonites was Eliasaph son of Lael. Ang kanilang pinuno ay si Eliasaf na anak ni Lael.
25 Gershon's sons at the tent of meeting cared for the tabernacle, the tent, its covering, and the entrance screen of the tent of meeting. Sila ang naatasang mag-asikaso ng mga kagamitang ito sa Toldang Tipanan: Ang mga pantaklob, ang kurtina ng pintuan ng Tolda,
26 The courtyard's curtains and its entrance screen, surrounding the tabernacle and altar, and its cords for all its service. ang mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda at sa altar, pati ang kurtina ng pintuan ng bakuran, at ang mga tali. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.
27 From Kohath came the Amramite clan, the Izharite clan, the Hebronite clan, and the Uzzielite clan; these are the clans of the Kohathites. Ang mga angkan ni Kohat ay ang mga pamilya na nanggaling kina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
28 Males a month old and up numbered 8,600, in charge of the sanctuary. Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 8,600. Inatasan silang asikasuhin ang Toldang Tipanan.
29 The clans of the sons of Kohath camped on the south side of the tabernacle. Ang lugar na kanilang pinagkakampohan ay nasa bandang timog ng Toldang Sambahan.
30 The leader of the fathers' house of the Kohathite clans was Elizaphan son of Uzziel. At ang pinuno nila ay si Elizafan na anak ni Uziel.
31 They cared for the ark, the table, the lampstand, the altars, the sanctuary vessels used in service, the screen, and all its work. Sila ang naatasang mag-asikaso ng Kahon ng Kasunduan, ang mesa ang lalagyan ng ilaw, ang altar, ang mga kagamitang ginagamit ng mga pari sa kanilang paglilingkod at ang kurtina. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.
32 Eleazar son of Aaron the priest was chief leader of the Levites, in charge of those guarding the sanctuary. Ang pinuno ng mga Levita ay si Eleazar na anak ng paring si Aaron. Siya ang pinili na mamahala sa mga naatasan sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar.
33 From Merari: the Mahlite clan and the Mushite clan—these are Merari's clans. Ang mga angkan ni Merari ay ang mga pamilya na nanggaling kina Mahli at Mushi.
34 The number of males counted, a month old or older, was 6,200. Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 6,200.
35 Leader of Merarite clans' ancestral house: Zuriel son of Abihail; they camped on the tabernacle's north side. Ang kanilang pinuno ay si Zuriel na anak ni Abihail. Nasa bandang hilaga ng Toldang Sambahan ang lugar na kanilang pinagkakampohan.
36 Merari's sons were charged with the tabernacle's frames, crossbars, posts, bases, all its equipment, and all its service, Sila ang naatasang mag-asikaso ng mga balangkas ng Tolda, ng mga biga nito, ng mga haligi at mga pundasyon. Sila ang naatasan sa lahat ng mga gawaing may kinalaman sa mga kagamitang ito.
37 as well as the posts of the surrounding courtyard with their bases, pegs, and cords. Inatasan din silang pangalagaan ang mga haligi na pinagkakabitan ng mga kurtina ng bakuran na nakapalibot sa Tolda pati ang mga pundasyon, mga tulos at mga tali.
38 Camped east of the tabernacle, in front of the tent of meeting toward sunrise, were Moses, Aaron, and his sons, who kept charge of the sanctuary for the Israelites; any outsider who approached was to be put to death. Ang lugar na pinagkakampuhan nina Moises at Aaron at ng mga anak niya ay nasa harapan ng Toldang Tipanan, sa bandang silangan. Sila ang naatasan upang pamahalaan ang mga gawain sa Tolda para sa mga Israelita. Ang sinumang gagawa ng mga gawain ng pari sa Tolda na hindi lahi ni Levi ay papatayin.
39 All the Levites whom Moses and Aaron counted at our Father's command, by their clans, every male a month old and up: 22,000. Ang kabuuang bilang ng mga lalaki na Levita mula isang buwang gulang pataas ay 22,000 lahat. Sina Moises at Aaron ang bumilang sa kanila, ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanila.
40 Then our Father said to Moses, "Count every firstborn male of Israel a month old or older, and record the number of their names. Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bilangin mo at ilista ang mga pangalan ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita, mula sa edad na isang buwan pataas.
41 Take the Levites for me—I am your Father—in place of every firstborn among the people of Israel, and the Levites' livestock in place of every firstborn among Israel's livestock." Italaga mo ang mga Levita sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita. Ihandog din sa akin ang mga hayop ng mga Levita kapalit ng mga hayop ng mga Israelita. Ako ang Panginoon.”
42 So Moses counted every firstborn among the people of Israel, just as our Father had commanded him. Kaya binilang ni Moises ang lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita na may edad isang buwan pataas, ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya.
43 All firstborn males, a month or older, listed by name: 22,273. Ang kabuuang bilang ng lahat ng panganay na lalaki na may edad na isang buwan pataas ay 22,273.
44 Then our Father spoke to Moses: Sinabi pa ng Panginoon kay Moises,
45 "Take the Levites instead of every firstborn among Israel's people, and the Levites' livestock instead of theirs. The Levites will be mine. I am your Father. “Italaga ang mga Levita sa akin kapalit ng mga panganay na lalaki ng mga Israelita. Ihandog din sa akin ang mga hayop ng mga Levita kapalit ng mga panganay na hayop ng mga Israelita. Akin ang mga Levita. Ako ang Panginoon.
46 To redeem the 273 firstborn Israelites exceeding the Levites' count. Dahil sumobra ng 273 ang mga panganay na lalaki ng mga Israelita kaysa sa mga Levita, kailangan mong tubusin itong mga sumobra.
47 Collect about 2 ounces per person, by sanctuary standard (each measure about half an ounce of silver). Kaya kukuha ka ng limang pirasong pilak para sa bawat isa ayon sa pamantayan ng Tabernakulo. (Ang timbang ng isang pirasong pilak ay 12 gramo.)
48 Give the money to Aaron and his sons as the redemption price for the extra firstborn sons." At ibigay mo kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ang natipong perang pantubos sa sumobrang mga panganay na lalaki ng mga Israelita.”
49 So Moses collected the redemption money from the firstborn sons who exceeded the number of the Levites; Kaya kinolekta ni Moises ang pera na ipinangtubos sa mga panganay na anak ng mga Israelita na labis sa bilang ng mga Levita.
50 from Israel's firstborn sons he took 1,365—about 2 ounces, by the sanctuary standard. Ang kanyang nakolekta ay 1,365 pirasong pilak, ayon sa timbang ng pilak sa timbangan na ginagamit ng mga pari.
51 Moses gave the redemption money to Aaron and his sons, by our Father's word, just as our Father commanded Moses. At ibinigay niya ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]