Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 27 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The daughters of Zelophehad son of Hepher, son of Gilead, son of Machir, son of Manasseh, from the clans of Manasseh son of Joseph, came forward. His daughters' names: Mahlah, Noah, Hoglah, Milcah, Tirzah. Si Zelofehad ay may mga anak na babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza. Si Zelofehad ay anak ni Hefer at apo ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manase. Si Manases ay anak ni Jose.
2 They stood before Moses, before Eleazar the priest, before the leaders and the whole assembly, at the tent of meeting's entrance, and said: Nagpunta ang mga babaeng ito sa pintuan ng Toldang Tipanan at tumayo sa harapan nina Moises, Eleazar, ng mga pinuno at ng buong kapulungan ng Israel. Sinabi ng mga babae,
3 "Our father died in the wilderness. He was not among those who gathered against our Father with Korah's group; he died for his own sin, and had no sons. “Namatay ang aming ama doon sa ilang na walang anak na lalaki. Ngunit namatay siya hindi dahil sa tagasunod siya ni Kora na nagrebelde sa Panginoon, kundi dahil sa sarili niyang kasalanan.
4 Why should our father's name disappear from his clan because he had no son? Give us property among our father's brothers." Dahil lang po ba sa walang anak na lalaki ang aming ama, mawawala na ang kanyang pangalan sa sambahayan ng Israel? Bigyan din ninyo kami ng lupa tulad ng natanggap ng aming mga kamag-anak.”
5 So Moses brought their case before our Father. Kaya sinabi ni Moises sa Panginoon ang kanilang hinihingi.
6 And our Father said to Moses: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
7 "Zelophehad's daughters are right. Give them a hereditary portion among their father's brothers, and transfer their father's inheritance to them. “Tama ang sinabi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Kailangang bigyan mo sila ng lupa kasama ng mga kamag-anak ng kanilang ama. Ibigay sa kanila ang lupa na dapat sana ay sa kanilang ama.
8 Say to the Israelites: If a man dies without a son, transfer his inheritance to his daughter. “At sabihin mo sa mga Israelita na kung mamatay ang isang tao na hindi nagkaanak ng lalaki, kailangang ibigay sa kanyang anak na babae ang kanyang lupa.
9 If he has no daughter, you are to give his inheritance to his brothers. At kung wala siyang anak na babae, ibigay sa kanyang kapatid na lalaki.
10 If he has no brothers, you are to give his inheritance to his father's brothers. At kung wala siyang kapatid na lalaki, ibigay ang kanyang lupa sa kapatid na lalaki ng kanyang ama.
11 If his father has no brothers, give his inheritance to his nearest relative in his clan, who is to possess it. This is a legal statute for the Israelites, as our Father commanded Moses." Kung walang kapatid na lalaki ang kanyang ama, ibigay ang kanyang lupa sa pinakamalapít niyang kamag-anak at ang kanyang kamag-anak ang magmamana ng lupa. Itoʼy susundin ng mga Israelita bilang isang legal na tuntuning dapat sundin, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.”
12 Then our Father said to Moses, "Go up Mount Abarim and see the land I've given the Israelites. Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umakyat ka sa kabundukan ng Abarim at tingnan mo doon ang lupaing ibinigay ko sa mga Israelita.
13 When you see it, you too will be gathered to your people, as Aaron your brother was gathered, Pagkatapos mong makita ito, sasáma ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno, tulad ng kapatid mong si Aaron.
14 because you rebelled against my command in the wilderness of Zin, during the congregation's quarrel, to honor me as holy at the water before their eyes—the water of Meribah of Kadesh, wilderness of Zin." Dahil noong nagrebelde ang mga Israelita sa akin doon sa bukal ng ilang ng Zin, sinuway ninyo ni Aaron ang aking utos na ipakita ang aking kabanalan sa mga mamamayan.” (Ang bukal na ito ay ang Meriba na nasa Kades sa ilang ng Zin.)
15 Moses spoke to our Father, saying: Sinabi ni Moises sa Panginoon,
16 "May the Father of the spirits of all flesh appoint a man over the congregation, “O Panginoon, Diyos na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, pumili po sana kayo ng isang tao na mamumuno sa mga mamamayang ito
17 who goes out before them and comes in before them, who leads them out and brings them in, so our Father's assembly will not be like sheep without a shepherd." at mangunguna sa kanila sa labanan, para ang inyong mga mamamayan ay hindi maging tulad ng mga tupang walang tagapagbantay.”
18 So our Father told Moses, "Take Joshua son of Nun, a man with the Spirit of our Father in him, and lay your hand on him. Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ipatawag mo si Josue na anak ni Nun, na puspos ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kanyang ulo.
19 Have him stand before Eleazar the priest and the whole assembly, and commission him before their eyes. Patayuin mo siya sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan, at ipaalam mo sa kanila na pinili mo siya para pumalit sa iyo.
20 Give him some of your authority, so that the whole congregation of the Israelites will obey him. Ibigay mo sa kanya ang iba mong kapangyarihan upang sundin siya ng lahat ng mga mamamayan ng Israel.
21 He will stand before Eleazar the priest, who will consult the Urim's judgment for him before our Father. At Eleazar's word they will go out, at his word come in—he, all the Israelites with him, the whole congregation." Kay Eleazar niya malalaman ang aking pasya sa pamamagitan ng paggamit ni Eleazar ng ‘Urim’ sa harapan ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, masusubaybayan ni Eleazar si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kanilang gagawin.”
22 Moses obeyed our Father's command: he took Joshua and stood him before Eleazar the priest and the entire assembly. Kaya ginawa ni Moises ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ipinatawag niya si Josue at pinatayo sa harapan ng paring si Eleazar at ng buong kapulungan.
23 He laid his hands on him and commissioned him, as our Father had spoken through Moses. At ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon, ipinatong niya ang kanyang kamay kay Josue at ipinahayag na si Josue ang papalit sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]