Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Command the Israelites, say to them: Be sure to present my offering, my food for my food offerings, a pleasing aroma to me, at its set time. “Sabihin mo sa mga Israelita na kailangan silang maghandog sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy sa nakatakdang panahon. Ang mga handog na ito ay ang pagkain ko, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa akin. Kaya sabihin mo ito sa mga Israelita:
3 Say to them: This is the food offering you are to present to me: two flawless year-old lambs daily, a regular burnt offering. ‘Ito ang mga handog na pagkaing inyong iaalay sa Panginoon araw-araw: dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan bilang handog na sinusunog.
4 Offer one lamb in the morning, the second lamb at twilight, Ang isa ay iaalay sa umaga at ang isa ay sa dapit-hapon,
5 with about two quarts of fine flour for a grain offering, mixed with about one quart of pressed oil. kasama ng handog na pagkaing butil ang isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.
6 A regular burnt offering, ordained at Mount Sinai for a pleasing aroma, a food offering to me. Ito ang pang-araw-araw na handog na inyong susunugin na iniutos noon ng Panginoon sa inyo sa Bundok ng Sinai. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.
7 Its drink offering is a quart for each lamb; pour it out to me in the holy place as strong drink. Ang handog na inumin na isasama sa bawat tupa ay isang litrong alak at ibubuhos ito sa banal na lugar para sa Panginoon.
8 Offer the second lamb at twilight, with a grain offering and drink offering like the morning's, a food offering, a pleasing aroma to me. Ito rin ang gagawin ninyo sa ikalawang tupang ihahandog ninyo sa dapit-hapon. Samahan din ninyo ito ng isang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.
9 "On the Sabbath, offer two flawless year-old lambs, about four quarts of fine flour mixed with oil as grain offering, plus its drink offering. “ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog na pagkaing butil para sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis.
10 The burnt offering for each Sabbath, besides the regular burnt offering and its drink offering. Ito ang handog na sinusunog tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod pa sa pang-araw-araw na handog kasama ang handog na inumin.
11 "On the first of each of your months, offer me a burnt offering: two young bulls, one ram, seven male lambs a year old, without defect, “ ‘Sa bawat unang araw ng buwan, maghahandog kayo ng handog na sinusunog sa Panginoon. Ang inyong handog ay dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
12 about six quarts of fine flour mixed with oil as a grain offering for each bull, about four quarts of fine flour mixed with oil as a grain offering for the one ram, Ang bawat toro ay sasamahan ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon na mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, bawat isang lalaking tupa ay sasamahan din ng handog na may mga dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon.
13 and two quarts of fine flour mixed with oil as a grain offering for each lamb - a burnt offering, a pleasing aroma, a food offering to me. At ang batang lalaking tupa ay sasamahan ng handog na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon. Itoʼy mga handog na sinusunog, ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.
14 Their drink offerings: two quarts of wine for the bull, just over a quart for the ram, and a quart for the lamb. This is the burnt offering for the new moon, month by month, all year. Ang bawat toro ay sasamahan ng handog na inumin na dalawang litrong alak. At ang bawat batang tupa ay sasamahan ng mga isang litrong alak. Ito ang buwanang handog na sinusunog na inyong gagawin sa bawat simula ng buwan sa buong taon.
15 Offer me one male goat as a sin offering, besides the regular burnt offering and its drink offering. Maghandog pa kayo sa Panginoon ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. Gawin ninyo ito bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa mga handog na inumin.’
16 "In the first month, on the fourteenth day of the month, is the Passover to me. “Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel ng Panginoon sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan.
17 On this month's fifteenth day is a feast; bread without yeast is eaten seven days. Bukas magsisimula ang pitong araw na pista. At sa loob ng pitong araw, huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa.
18 On the first day there is to be a holy assembly; you must do no ordinary work. Sa unang araw ng pista, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo upang sumamba sa Panginoon.
19 Present me a food offering, a burnt offering: two young bulls, one ram, seven yearling male lambs; see that they are without defect. Maghandog kayo sa Panginoon ng handog na sinusunog na dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
20 Their grain offering: fine flour mixed with oil—about six quarts for the bull, four quarts for the ram, At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, tatlong kilo sa bawat toro, dalawang kilo sa lalaking tupa
21 and with each of the seven lambs, about two quarts; at isang kilo sa bawat batang tupa.
22 and one male goat as a sin offering to make atonement for you. Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.
23 Offer these in addition to the morning burnt offering, which is the regular burnt offering. Ialay ninyo ang mga handog na ito bukod pa sa inyong pang-araw-araw na handog na sinusunog tuwing umaga.
24 Do this daily for seven days—food, a pleasing aroma to me—besides the regular burnt offering and its drink offering. Sa ganitong paraan ninyo ialay itong mga handog sa pamamagitan ng apoy bilang pagkain para sa Panginoon. Gawin ninyo ito bawat araw sa loob ng pitong araw. Ang mabangong samyo ng mga handog na ito ay makalulugod sa Panginoon. Ihandog ninyo ito bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa handog na inumin.
25 On the seventh day you are to hold a holy assembly; you must do no ordinary work. Sa ikapitong araw, muli kayong magtipon sa pagsamba sa Panginoon. At huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.
26 "On the day of firstfruits, when you bring me a new grain offering at your Feast of Weeks, hold a holy assembly; do no ordinary work. “Sa unang araw ng Pista ng Pag-aani, sa panahong maghahandog kayo sa Panginoon ng bagong ani ng trigo, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo bilang pagsamba sa Panginoon.
27 Present a burnt offering, a pleasing aroma to me: two young bulls, one ram, seven year-old male lambs. Mag-alay kayo ng handog na sinusunog: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.
28 With them comes a grain offering of fine flour mixed with oil: about six quarts for each bull, about four quarts for the one ram, At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, tatlo kilo sa bawat toro, dalawa kilo sa lalaking tupa
29 and about two quarts for each of the seven lambs; at isang kilo sa bawat batang tupa.
30 with one male goat to make atonement for you. Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan.
31 Offer these besides the regular burnt offering and its grain offering; see that they're flawless, with their drink offerings." Ihandog ninyo ito kasama ang mga handog na inumin bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Siguraduhin ninyo na ang mga hayop na ito ay walang kapintasan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]