Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jesus stepped into a boat, crossed over, and came to his own town. Sumakay sina Hesus sa bangka, tumawid sa kabila ng lawa at dumating sa bayan kung saan siya nakatira.
2 Some brought him a paralyzed man lying on a mat. Seeing their faith, Jesus told the paralyzed man, "Take heart, son; your sins are forgiven." May mga lalaking nagdala sa kanya ng isang paralitikong nakahiga sa banig. Nakita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, kaya sinabi niya sa lalaki, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
3 At this, some of the teachers of the law said to themselves, "This man is blaspheming." Nang marinig ito ng ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon, sinabi nila sa kanilang sarili, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.”
4 Knowing their thoughts, Jesus said, "Why do you harbor evil in your hearts? Ngunit alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip ng masama?
5 Which is easier: to say, 'Your sins are forgiven,' or to say, 'Get up and walk'? Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ‘Tumayo ka at lumakad’?
6 But so you know the Son of Man has authority on earth to forgive sins"—then he told the paralyzed man, "Get up, take your mat, and go home." Ngayon, papatunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan.” Kayaʼt sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka!”
7 And the man got up and went home. Tumayo nga ang paralitiko at umuwi.
8 Seeing this, the crowds were awed and praised our Father, who gave people such authority. Napuno ng takot ang mga tao nang makita nila ito, at pinapurihan nila ang Diyos na nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa tao.
9 Moving on from there, Jesus saw a man named Matthew sitting at the tax booth. "Follow me," he said. Matthew got up and followed him. Umalis roon si Hesus at habang siyaʼy naglalakad, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar kung saan siya naniningil ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si Mateo at sumunod sa kanya.
10 As Jesus ate in Matthew's house, many tax collectors and sinners joined him and his disciples at the table. Habang kumakain si Hesus at ang mga alagad niya sa bahay ni Mateo, nagdatingan ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan at kumaing kasama nila.
11 Seeing this, the Pharisees asked his disciples, "Why does your teacher eat with tax collectors and sinners?" Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang mga alagad ni Hesus, “Bakit kumakain ang guro ninyo kasama ang mga maniningil ng buwis at iba pang mga makasalanan?”
12 On hearing this, Jesus said, "It is not the healthy who need a doctor, but the sick. Ngunit nang marinig ito ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga taong walang sakit ang nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.
13 But go and learn what this means: 'I want mercy, not sacrifice.' For I didn't come to call the righteous, but sinners." Humayo kayo at intindihin nʼyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Ang hinahangad koʼy ang maging maawain kayo, hindi ang handog ninyo.’ Sapagkat naparito ako hindi para tawagin ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”
14 Then John's disciples came, asking him, "Why do we and the Pharisees fast often, but your disciples don't?" Lumapit kay Hesus ang ilang mga alagad ni Juan na Tagapagbautismo at tinanong siya, “Kami at ang mga Pariseo ay madalas mag-ayuno. Ngunit bakit hindi nag-aayuno ang mga alagad nʼyo?”
15 Jesus replied, "Can the groom's friends mourn while he's with them? But days are coming when the groom is taken from them—then they'll fast. Sumagot si Hesus, “Nagluluksa ba ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.
16 No one sews an unshrunk patch on an old garment; the patch pulls away from it, leaving a worse tear. “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit, dahil mahihila ng bagong tela ang damit at lalo pang lalaki ang punit.
17 People don't pour new wine into old wineskins; otherwise the skins burst, the wine spills, and they're ruined. Instead, new wine goes into new wineskins, so both are kept." Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at ang sisidlan ay hindi na mapapakinabangan pa. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat, at pareho silang magtatagal.”
18 While he spoke, a synagogue leader came, knelt before him, and said, "My daughter just died. But come, lay your hand on her, and she will live." Habang sinasabi niya ang mga ito, dumating ang isang namumuno sa sinagoga. Lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, “Kamamatay lang po ng anak kong babae, ngunit kung pupuntahan nʼyo siya at ipapatong ang inyong kamay sa kanya, siyaʼy mabubuhay.”
19 Jesus got up and went with him, and so did his disciples. Kaya tumayo si Hesus at sumáma sa kanya, pati na rin ang mga alagad niya.
20 Just then a woman bleeding twelve years came up behind and touched his cloak's edge. Habang papunta sila, may isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit siya sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng damit niya.
21 She kept saying to herself, "If I only touch his cloak, I will be healed." Sapagkat naisip ng babae, “Mahawakan ko lang ang damit niya ay gagaling na ako.”
22 Jesus turned, saw her. "Courage, daughter," he said, "your faith has healed you." The woman was healed at that moment. Lumingon si Hesus at nakita siya. Sabi niya, “Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” At gumaling nga ang babae sa sandaling iyon.
23 When Jesus entered the synagogue leader's house and saw the flute players and the noisy crowd, Nang dumating na si Hesus sa bahay ng namumuno sa sinagoga, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakagulo.
24 he said, "Go away. The girl is not dead but asleep." But they laughed at him. Sinabi niya, “Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
25 When the crowd was sent out, he went in, took her hand, and the girl got up. Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito.
26 News of this spread through all that region. Kumalat ang balitang ito sa buong lugar na iyon.
27 As Jesus left there, two blind men followed, shouting, "Have mercy on us, Son of David!" Pagkaalis ni Hesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na sumisigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa amin!”
28 Entering the house, the blind men came to him. He asked, "Do you believe I am able to do this?" "Yes, Lord," they said. Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, “Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?” Sumagot sila, “Opo, Panginoon.”
29 Then he touched their eyes and said, "Let it be done to you according to your faith". At hinipo niya ang mga mata nila, at sinabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.”
30 Their eyes opened. Jesus warned them sternly, "See that no one knows about this." At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman.
31 But they went out and spread the news about him all over that region. Ngunit umalis sila at ipinamalita nila sa buong lugar na iyon ang tungkol kay Hesus.
32 As they went out, a mute, demon-possessed man was brought to Jesus. Habang paalis na sila, may dinala kay Hesus na isang lalaking hindi makapagsalita dahil sinasapian ng demonyo.
33 Once the demon was driven out, the mute man spoke. The crowds were amazed and said, "Nothing like this has ever appeared in Israel." Pinalayas ni Hesus ang demonyo, at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao at sinabi, “Wala pang nangyaring ganito sa Israel.”
34 But the Pharisees said, "He drives out demons by the prince of demons." Ngunit sinabi ng mga Pariseo, “Ang pinuno ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.”
35 Jesus traveled every town and village, teaching in their synagogues, announcing the good news of our Father's kingdom, and healing every disease and sickness. Nilibot ni Hesus ang mga bayan at mga nayon, at nagturo siya sa mga sinagoga. Ipinahayag niya ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling niya ang ibaʼt ibang uri ng sakit at karamdaman.
36 Seeing the crowds, he felt compassion for them, because they were troubled and helpless, like sheep without a shepherd. Nang makita niya ang napakaraming tao, naawa siya sa kanila, dahil litong-lito sila at walang tumutulong sa kanila tulad ng tupang walang pastol.
37 Then he said to his disciples, "The harvest is plentiful but the workers are few. Kaya sinabi niya sa mga alagad niya, “Marami ang aanihin, ngunit kakaunti ang tagapag-ani.
38 So ask the Father of the harvest to send out workers into his harvest field." Idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]