Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Jesus called his twelve disciples and gave them authority over unclean spirits, to drive them out and heal every disease and every sickness. Tinawag ni Hesus ang kanyang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu at magpagaling ng anumang sakit at karamdaman.
2 The twelve apostles' names: first, Simon called Peter, and Andrew his brother; James son of Zebedee, and John his brother; Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simon (na tinatawag ding Pedro), at ang kanyang kapatid na si Andres, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo,
3 Philip and Bartholomew; Thomas and Matthew the tax collector; James son of Alphaeus and Thaddaeus; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo,
4 Simon the Zealot and Judas Iscariot, who also betrayed him. si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.
5 Jesus sent these twelve, instructing them: "Do not go to Gentile regions or enter a Samaritan town. Ang labindalawang itoʼy sinugo ni Hesus at binilinan, “Huwag kayong pupunta sa mga Hentil o papasok sa alinmang bayan ng mga Samaritano.
6 Go rather to the lost sheep of the house of Israel. Sa halip, puntahan ninyo ang sambayanang Israel dahil sila ay parang mga nawawalang tupa.
7 As you go, proclaim this message: 'The kingdom of our Father has come near.' Ipahayag ninyo sa kanila na malapit na ang paghahari ng Langit.
8 Heal the sick, raise the dead, cleanse those with leprosy, drive out demons. Freely you received; freely give. Pagalingin nʼyo ang mga may sakit, buhayin nʼyo ang mga patay, pagalingin nʼyo ang mga may malubhang sakit sa balat, at palayasin nʼyo ang mga demonyo. Tinanggap nʼyo ang kapangyarihang ito nang walang bayad, kaya ipamahagi rin ninyo nang walang bayad.
9 Do not take any gold or silver or copper in your belts. “Huwag kayong magbaon ng pera,
10 No travel bag, no second shirt, no sandals, no staff—the worker deserves his food. o kayaʼy magdala ng balutan, damit na pambihis, sandalyas o tungkod. Sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat tumanggap ng kanyang ikabubuhay.
11 Whatever town or village you enter, find out who is worthy there, and stay there until you leave. “Sa alinmang bayan o nayon na inyong pupuntahan, humanap kayo ng taong malugod kayong tatanggapin sa kanyang bahay, at makituloy kayo roon hanggang sa pag-alis ninyo.
12 As you enter the home, greet it. Sa pagpasok nʼyo sa tahanang iyon, batiin nʼyo ang lahat ng nakatira doon.
13 If the home is worthy, let your peace rest on it; if not, let it return to you. Kung karapat-dapat ang tahanang iyon, igawad ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Kung hindi, bawiin ninyo ito.
14 If anyone won't welcome you or hear your words, shake the dust off your feet as you leave that house or town. Kung mayroong hindi tumanggap sa inyo o ayaw makinig sa inyong sasabihin, umalis kayo sa tahanan o bayang iyon, at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa.
15 Truly I tell you: Sodom and Gomorrah will fare better on judgment day than that town. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodoma at taga-Gomora.
16 Look, I send you out as sheep among wolves; so be as shrewd as serpents, as innocent as doves. “Tandaan nʼyo, tulad kayo ng mga tupang sinugo ko sa mga lobo, kaya maging matalino kayong tulad ng ahas, at maamo tulad ng kalapati.
17 Beware of people; they will hand you over to councils and whip you in their synagogues. Mag-ingat kayo sapagkat dadakpin nila kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga.
18 For my sake you'll be brought before governors and kings, as testimony to them and the Gentiles. Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari para idemanda dahil sa pagsunod nʼyo sa akin. Ngunit pagkakataon nʼyo iyon upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil ng tungkol sa akin.
19 But when they hand you over, don't worry about what to say or how—for what to say will be given you at that time, At kapag dinala kayo sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin nʼyo o kung paano kayo sasagot. Ipapaalam sa sandaling iyon kung ano ang sasabihin ninyo,
20 for it will not be you speaking, but the Spirit of your Father speaking through you. sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
21 Brother will betray brother to death, father his child; children will rise against their parents and have them killed. “May mga taong ipagkakanulo ang kanilang kapatid para ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.
22 Everyone will hate you because of my name, but whoever holds out to the end will be saved. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Subalit ang mananatiling matatag sa pananampalataya hanggang sa wakas ay maliligtas.
23 When persecuted in one town, flee to the next. I tell you truly: you won't finish Israel's towns before the Son of Man comes. Kapag inuusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa man ninyo nalilibot ang lahat ng bayan ng Israel ay babalik na ang Anak ng Tao.
24 The student is not above the teacher, nor the servant above his master. “Walang mag-aaral na higit sa kanyang guro, walang aliping higit sa kanyang amo.
25 It's enough for the student to become like the teacher, and the servant like the master. If they call the head of the house Beelzebul, how much more his household! Sapat na sa isang mag-aaral na maging katulad ng kanyang guro, at sa alipin na maging katulad ng kanyang amo. Kung ang pinuno ng sambahayan ay tinatawag nilang Satanas, gaano pa kaya kasamâ ang itatawag nila sa mga kasambahay nito?
26 So do not be afraid of them. There is nothing concealed that will not be disclosed, or hidden that will not be made known. “Kaya huwag kayong matakot sa mga taong ito. Sapagkat walang natatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.
27 What I tell you in the dark, say in daylight; what's whispered in your ear, proclaim from rooftops. Ang mga sinasabi ko lamang sa inyo na walang nakarinig ay ipaalam ninyo sa mga tao; ang mga ibinubulong ko sa inyo ay ipahayag ninyo sa lahat.
28 Don't fear those who kill the body but not the soul; instead fear the One able to destroy both soul and body in hell. Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, ngunit hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Diyos, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impiyerno.
29 Aren't two sparrows sold for a penny? Yet not one falls to the ground without your Father. Hindi baʼt napakamura lang ng halaga ng dalawang maya? Ngunit wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ipinapahintulot ng inyong Ama.
30 And even the very hairs of your head are all numbered. Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya.
31 So do not be afraid; you are worth more than many sparrows. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.
32 Therefore, whoever acknowledges me before others, I will also acknowledge before my Father in heaven. “Ang sinumang kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko rin sa harap ng aking Amang nasa langit.
33 But whoever denies me before others, I'll deny before my Father in heaven. Ngunit ang hindi kumikilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Amang nasa langit.
34 Do not think I came to bring peace on earth; I came not to bring peace but a sword. “Huwag ninyong isipin na naparito ako para maghatid ng kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito para magkaroon ng kapayapaan, kundi hidwaan.
35 For I came to pit a man against his father, a daughter against her mother, a daughter-in-law against her mother-in-law, ‘Dahil sa akin, kakalabanin ng anak na lalaki ang kanyang ama, ng anak na babae ang kanyang ina, at ng manugang na babae ang kanyang biyenang babae.
36 a man's enemies will be the members of his own household. Ang magiging kaaway ng isang tao ay ang sarili niyang sambahayan.’
37 Whoever loves father or mother above me is unworthy of me; whoever loves son or daughter above me is unworthy of me. “Ang nagmamahal sa kanyang mga magulang nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko. At ang nagmamahal sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko.
38 Whoever does not take up his cross and follow me is not worthy of me. Ang sinumang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko.
39 Whoever finds his life loses it, and whoever loses his life for my sake finds it. Ang sinumang nagsisikap magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon nito.
40 Whoever welcomes you welcomes me, and whoever welcomes me welcomes the One who sent me. “Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.
41 Whoever welcomes a prophet as a prophet gets a prophet's reward, and whoever welcomes a righteous person as a righteous person gets a righteous person's reward. Ang sinumang tumatanggap sa isang propeta dahil sa kanyang pagkapropeta ay makatatanggap ng gantimpalang naaayon sa isang propeta. At ang sinumang tumatanggap sa matuwid na tao dahil sa kanyang pagkamatuwid ay makatatanggap ng gantimpalang naaayon sa matuwid na tao.
42 And whoever gives just a cup of cold water to one of these little ones because he is my disciple, truly I tell you, will never lose his reward." At ang sinumang magbibigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa pinakahamak kong alagad ay tiyak na makakatanggap ng gantimpala.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]