Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When he came down from the mountain, great crowds followed him. Nang bumaba na si Hesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao.
2 A man with leprosy approached, knelt before him, saying, "Lord, if you're willing, you can make me clean." Lumapit sa kanya ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat at lumuhod sa harap niya, at sinabi, “Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
3 Jesus reached out his hand and touched him: "I am willing; be clean." His leprosy vanished at once. Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, “Gusto ko. Gumaling ka!” At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.
4 Jesus told him, "Tell no one, but go show yourself to the priest and offer the gift Moses commanded, as testimony to them." At sinabi sa kanya ni Hesus, “Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises bilang patunay sa mga tao na magaling ka na.”
5 When he entered Capernaum, a centurion came to him, appealing to him, Pagdating ni Hesus sa bayan ng Capernaum, lumapit sa kanya ang isang kapitan ng hukbong Romano at nakiusap,
6 and saying, "Lord, my servant is lying at home paralyzed, suffering terribly." “Panginoon, may sakit po ang aking katiwala. Nakaratay siya sa aking bahay, paralisado at matindi ang paghihirap niya.”
7 He said to him, "I will come and heal him." Sinabi ni Hesus, “Pupuntahan ko siya at pagagalingin.”
8 The centurion replied, "Lord, I'm not worthy for you to come under my roof; just say the word, and my servant will be healed. Ngunit sumagot ang kapitan, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan. Iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling.
9 For I too am a man under authority, with soldiers under me. I tell one, 'Go,' and he goes; another, 'Come,' and he comes; my servant, 'Do this,' and he does it." Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakatataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon,’ pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, ‘Halika,’ lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, ‘Gawin mo ito,’ ginagawa niya.”
10 Hearing this, Jesus was amazed and told his followers, "Truly, I tell you, I have found no one in Israel with such faith. Namangha si Hesus nang marinig niya ito. Sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa ako nakakakita ng kahit isang tao sa Israel na may ganito kalalim na pananampalataya.
11 I tell you, many will come from east and west and sit at the table with Abraham, Isaac, and Jacob in our Father's kingdom, Sinasabi ko rin sa inyo, marami ang darating mula sa lahat ng dako ng mundo na kakain sa handaan kasama nina Abraham, Isaac, at Jacob sa kaharian ng Langit.
12 but the kingdom's sons will be thrown into the outer darkness, where there will be weeping and grinding of teeth." Ngunit maraming Hudyong dapat sanaʼy kasama sa kaharian ang itatapon sa labas, doon sa kadiliman kung saan silaʼy tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin.”
13 Jesus told the centurion, "Go, let it be done for you as you believed." His servant was healed that hour. At sinabi ni Hesus sa kapitan, “Umuwi ka na. Mangyayari ang iyong hinihiling ayon sa iyong pananampalataya.” At nang oras ding iyon ay gumaling ang kanyang katiwala.
14 When Jesus entered Peter's house, he saw Peter's mother-in-law lying in bed with a fever. Pumunta si Hesus sa bahay ni Pedro. Pagdating doon, nakita niya ang biyenang babae ni Pedro na nakahiga at nilalagnat.
15 He touched her hand; the fever left her, and she rose and served him. Hinawakan siya ni Hesus sa kamay at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Hesus.
16 That evening they brought him many oppressed by demons; he expelled the spirits with a word and healed everyone sick. Nang magtakip-silim na, maraming mga sinasapian ng mga demonyo ang dinala kay Hesus. At sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng maysakit.
17 This fulfilled the prophet Isaiah's words: "He took our weaknesses and carried our diseases." Ginawa niya ang mga ito para matupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga kahinaan at pinasan ang ating mga karamdaman.”
18 When Jesus saw a crowd around him, he ordered them to cross to the other side. Nang makita ni Hesus ang napakaraming taong nakapaligid sa kanya, sinabihan niya ang kanyang mga alagad na pupunta sila sa kabilang ibayo ng lawa.
19 And a scribe came up and said to him, "Teacher, I will follow you wherever you go." May lumapit sa kanyang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta.”
20 Jesus told him, "Foxes have dens and birds of the sky have nests, but the Son of Man has nowhere to lay his head." Sumagot si Hesus, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, at ang mga ibon ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang tahanang mapagpapahingahan.”
21 Another of the disciples said to him, "Lord, let me first go and bury my father." Isa pa sa mga alagad niya ang nagsabi, “Panginoon, hayaan nʼyo muna akong umuwi para ilibing ang aking ama.”
22 But Jesus said to him, "Follow me, and leave the dead to bury their own dead." Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”
23 When he got into the boat, his disciples followed him. Pagkatapos, sumakay sa bangka si Hesus, at sumáma ang mga alagad niya.
24 Suddenly a great storm arose on the sea, so waves covered the boat—but he was asleep. At habang naglalayag sila, biglang dumating ang malakas na bagyo at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Samantala, si Hesus naman ay natutulog.
25 So they woke him: "Lord, save us! We're dying!" Kaya nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising. Sumigaw sila, “Panginoon, iligtas nʼyo kami! Malulunod na tayo!”
26 He said to them, "Why are you afraid, you of little faith?" Then he stood and rebuked the winds and sea, and a great calm followed. Sumagot si Hesus, “Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya.” Bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at naging payapa ang lahat.
27 The men were amazed: "What kind of man is this—even winds and sea obey him?" Namangha ang mga alagad niya at sinabi, “Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!”
28 Crossing to the other side, to the region of the Gadarenes, two demon-possessed men came out of the tombs to meet him, so violent no one could pass that way. Pagdating ni Hesus sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng demonyo na galing sa mga kuwebang libingan. Napakabangis nila, kaya walang makadaan doon.
29 They shouted, "What do you want with us, Son of God? Have you come here to torment us before the time?" Sumigaw sila, “Ano ang pakay mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos? Pumunta ka ba rito para pahirapan kami kahit hindi pa takdang panahon?”
30 Now a herd of many pigs was feeding at some distance from them. Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na kumakain.
31 And the demons begged him, "If you cast us out, send us into the herd of pigs." Nagmakaawa ang mga demonyo sa kanya, “Kung palalayasin mo kami, papuntahin mo na lang kami sa mga baboy na iyon.”
32 He told them, "Go." They came out and entered the pigs, and the whole herd rushed down the cliff into the sea and died in the waters. Sinabi niya, “Sige, lumayas na kayo!” Kaya lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang buong kawan ng baboy pababa ng burol, nahulog sa lawa at nalunod.
33 The herdsmen fled into the city and reported everything, including what had happened to the demon-possessed men. Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon ang buong pangyayari, pati na ang nangyari sa dalawang lalaking sinapian ng demonyo.
34 The whole city came out to meet Jesus; seeing him, they begged him to leave their region. Kaya lumabas ang mga tao sa bayang iyon para puntahan si Hesus, at nang makita nila siya, nakiusap sila na lisanin niya ang lupain nila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]